Malalim na ang gabi pero gising na gising pa rin ako habang nakaupo sa silya at nakadungaw sa bintana ng aking kwarto. Umiihip ang malamig na hangin kaya napapayakap ako sa mga braso ko para makaramdam ng konting init laban sa lamig na dala ng hangin. Kalahati ang maliwanag na buwan, kalat-kalat naman ang mga ulap at sumasayaw rin ang mga bituin sa kalangitan. Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang may tatlong sunod-sunod na pagkatok kasunod ang pagbukas nito at iniluwa si nanay Carlotta.Ngumiti si nanay Carlotta sa 'kin at naglakad ito palapit sa kinauupuan kong silya, naramdaman ko rin ang pagsuklay niya sa mahaba kong buhok gamit ang mga daliri niya.
"Akala ko tulog ka na, anak." Sambit ni nanay Carlotta. "Galing ako sa silid ni Señorito Primo at inayos ko ang mga dalang gamit niya. Dapat pala pinuntahan muna kita rito para nakita mo ang Señorito bago ka man lang matulog para sana maging mahimbing ang tulog mo ngayon." Nilingon ko si nanay Carlotta at tumawa ito dahil nakasimangot ako dala ng panunukso niya sa 'kin.
"Itatanggi mo pa rin ba sa 'kin na wala kang nararamdamang paghanga kay Señorito Primo, katulad noon?" Napapailing na sabi ni nanay Carlotta pero nandoon pa rin ang mga ngiti sa labi."Hindi ko po kayang makipag-usap nang matagal sa kaniya lalong hindi ko po kayang titigan siya sa mga mata. Sobra-sobra rin pong kaba ang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya. Nawawalan din po ako ng sasabihin." Saad ko bago tumingala sa mga ulap.
"Kailan pa ito nagsimula Carina, anak?" Napabuntong hinga ako bago sumagot sa tanong ni nanay Carlotta na umupo na rin sa silya sa may tabi ko.
"Hmm..." Napapaisip kong buntong hinga. "Noong unang dating ko po rito sa mansion at nakita ko ang larawan ng Señorito na nakasabit sa pinto ng kaniyang kwarto hanggang ngayon po." Pag-amin ko.
"Kahit na nasa Italya si Señorito Primo at hindi mo siya nakikita gano'n pa rin ang nararamdaman mo anak?" Nilingon ko si nanay Carlotta bago ako umiling.
"Kapag abala po ako at hindi ko naiisip si Señorito Primo wala naman po akong kakaibang nararamdaman. Pero kapag nakikita ko po ang mga larawan niya sa social media o kahit sumagi siya saglit sa isip ko, nagwawala po ng husto ang dibdib ko." Muling pag-amin ko kay nanay Carlotta at sinimangutan ko na naman siya dahil nanunukso ang tingin nito.
"Kaya rin ba wala kang natitipuhan sa mga manliligaw mo dahil sa nararamdaman mong paghanga sa kay Señorito Primo?" Mabilis akong umiling sa tanong ni nanay Carlotta bago sumagot.
"Hindi po! Wala ho talaga sa isip ko ang pakikipagrelasyon ngayon. Abalang-abala po ako sa Azìenda Agrìcola." Depinsa ko pero umiling lang si nanay Carlotta bago ulit suklayin ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Pinili mong maging abala para hindi mo laging naiisip ang Señorito at walang ka ring natitipuhan sa mga manliligaw mo dahil ang puso at mga mata mo ay nakatingin na sa iba."
Natahimik ako dahil sa sinabi ni nanay Carlotta at marahil nga ay tama siya. "Paano kung ligawan ka ni Señorito Primo, sasagutin mo ba siya?" Naramdaman ko ang pag-init ng mukha ko kaya umiwas ako sa nanunuksong tingin ni nanay Carlotta."Hindi naman ho mangyayari iyon." Mapait kong sagot.
Alam kong imposibleng mangyari ang sinasabi ni nanay Carlotta dahil sa mga mata ni Señorito Primo ay 'di-hamak na isa lamang akong mendicante na ayon kay nanay Carlotta ay pulubi raw ang ibig sabihin nang tanungin ko ito noon.
"Carina, anak. Hindi naman masama ang magkaroon ka ng paghanga kay Señorito Primo pero sana alam mo rin na puwede kang masaktan dala rin ng paghanga mo sa kaniya, dalaga ka na at nasa tamang edad na rin pero sana handa ka para do'n." Sinserong paalala sa 'kin ni nanay Carlotta.
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomanceUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...