Kabanata 18

3.1K 107 12
                                    


Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kahapon sa tapat ng simbahan ng Quiapo. Ang lalaking nakabunggo sa akin at ang mga binitawan nitong salita ay talagang nagdadala nang pangamba sa akin. Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi at hanggang kaninang umaga ay iyon pa rin ang tumatakbo sa isip ko.

Ngayon lang nangyari ito at talagang nag-aalala ako para sa sarili ko lalo pa't pakiramdam ko na sinasadya nitong itago ang kaniyang mukha para hindi ko ito makilala. Malakas din ang pakiramdam ko na hindi iyon taga Casa Bel Palazzo. Unang pumasok sa isip ko na baka ang dati kong amahin iyon pero imposible rin dahil parang ilang taon lang ang agwat nito sa akin o mga kasing edad ko lang.

Ipinilig ko ang ulo ko at mariing pumikit para paniwalain ang sarili ko na baka nagkataon lang ang nangyari kahapon dahil sa dami ring tao sa Quiapo lalo na sa labas ng simbahan.

"Are you okay?" Nilingon ko si Señorito Primo.

"Ah, Oo. Namimiss ko lang sina nanay Carlotta at Señor Freigo."

Nakangiti kong sagot pero tila hindi ito kumbinsido. Inayos na lang ng Señorito ang neck tie niya bago ulit sumandal sa upuan dito sa loob ng van. Papunta kami ngayon sa dinner meeting na naka-schedule sa Diamond hotel. Simpleng puting blouse na pinatungan ng maroon na blazer at blue skirt na abot tuhod ko ang suot ko ngayon, hindi katulad ni Señorito Primo na nakapormal suit.

Nag-vibrate ang luma kong cellphone at nakita ko ang text mula kay Zendy na pinapaalala sa akin ang pasalubong ko raw sa kanya.

"Who's that?" Turan ni Señorito Primo na tinutukoy ang nag-text sa akin.

"Zendy." Simpleng sagot ko.

"You look tired. Do you want to take a rest? I can handle it on my own, you can go back to the hotel," sinserong Saad ni Señorito Primo na pinatigil muna ang van.

"Ayos lang ako Señorito Primo, no need to worry about me."

"But you're spacing out," aniya.

"No, I'm not." Saglit pa ako nitong tinitigan bago ulit inutusan na paandarin ang van. Hindi ko siya masisisi kung magtaka siya dahil tahimik ako buong maghapon at ngayon.

Pagkarating namin sa Diamond Hotel ay may sumalubong sa aming hotel staff at sinabayan kami nito sa pagpasok ng elevator. Binati ng hotel staff si Señorito Primo pati ako pero hindi man lang ako tumingin dito dahil abala ako sa paglalaro ng ballpen na hawak ko.

"What's bothering you, darling?" Bulong sa akin ni Señorito Primo at naramdaman ko pa ang mga labi nito sa likod ng aking tainga na naging dahilan para magtayuan ang mga balahibo ko sa batok ko.

"W-wala." Tugon ko. Narinig ko ang pagngisi niya hanggang sa maramdaman ko ang mga palad niya sa aking baywang ko habang pinipisil ang mag kabilang tagiliran ko.

"Tell me... Darling... What's bothering you?" Bulong ulit sa akin ng Señorito.

Darling? Bumibilis ang pagkabog ng aking dibdib ko at kahit malamig dito sa loob ng elevator ay pinagpapawisan ako. Idagdag pa ang pasimpleng pagsulyap sa amin ng hotel staff na pasimpleng ngi-ngiti. Bakit laging ganito ang mga tagpo namin ni Señorito Primo sa tuwing nasa elevator kami? Tama ba itong ginagawa niya? Normal lang ba ito para sa kanya?

Kasi sakin, hindi! Hinding-hindi, dahil pakiramdam ko tuloy ay may gusto siya sa akin. Ayaw kong mag-assume pero hindi ko mapigilan. Baka sinabi ni nanay Carlotta na may pagtingin ako sa kaniya? Kaya siguro ganito si Señorito Primo sa akin ngayon para asarin ako? Pero sa tingin ko ay hindi naman gagawin 'yon ni nanay Carlotta.

At ang isang Señorito Gian Primo Montazzeo De Lucio ay magkakagusto sa akin?
Malaking isang imposible!

Baka normal lang talaga para sa kaniya mga ginagawa niya dahil baka gano'n sa bansang Italy.
Natigil lang ang mga katanungan sa isip ko nang bumukas na ang elevator kaya nagmamadali akong lumabas. Nauna ang hotel staff at binuksan nito ang isang malapad na pintuan, tumambad sa loob ang isang malawak na swimming pool at may table sa dulo nito kung saan may apat na mga lalaking nakaupo na iba-iba ang lahi. Sigurado ako na sila na ang mga CEO from different companies and countries.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon