"Lady Bella, siya ang maganda kong asawa. Si Merlina." Nakangiting saad ni mang Karding habang naka-kapit sa baywang ng babaeng sobrang pamilyar sa 'kin.Hindi ako makapaniwala.
Hindi ko ito inaasahan.
Kahit anong kusot ko sa mga mata ko ay walang nagbago sa nakikita ko ngayon.
"Nana Lina!" Tanging nasambit ko, nabitawan ko pa ang hawak kong palamig at patakbong niyakap si Nana Lina. "Totoo ba 'to?" Naluluha kong saad.
"Ako nga Bella..." Mas lalong humigpit ang yakap ko kay Nana Lina. "Mahal, siya ang sinasabi ko sa 'yo." Naiiyak na ring saad ni Nana Lina kay mang Karding habang nakayakap sa 'kin.
"Akala ko nagkataon lang, akala ko kapangalan mo lang Lady Bella ang sinasabi nitong asawa ko. Binabalak ko nga na dalhin sana siya sa mansion pero heto, nagkita na kayo." Sagot ni mang Karding.
"Paano po nangyari na napadpad din kayo rito sa Casa Bel Palazzo, Nana Lina?" Tanong ko bago bumitaw sa mga yakap kay Nana Lina.
"Mahabang kuwento pero may tatlong buwan na ako rito," hinahaplos ni Nana Lina ang buhok ko habang nakangiti ito. "Ang laki-laki mo na, tama nga ako noon na mas lalo kang gaganda 'pag naging dalaga ka na. Sobrang saya ko para sa 'yo, Bella." Hindi ko maiwasan ang maluha habang pinagmamasdan ang mukha ni Nana Lina. Hindi madungis, hindi na rin buhaghag ang kaniyang buhok lalong hindi na maduming damit ang kanyang suot hindi kagaya noon.
"Kayo rin po Nana Lina, sobrang ibang-iba na ang hitsura niyo kumpara n'ong huli tayong magkita. Sa mansion na ho kayo maghapunan, sigurado po ako na matutuwa si nanay Carlotta at Señor Freigo!" Turan ko at kumunot naman ang noo ni Nana Lina. "Sila po ang umampon sa 'kin." Nakangiti kong imporma kay Nana Lina na ngumiti na rin.
"Maaari bang bukas na lamang kami tutungo ng asawa ko sa mansion, Lady Bella? Gusto kong makapagpahinga ang asawa ko, masyadong napagod sa paglilibot dito sa Casa Tranquillo." Pakiusap ni mang Karding na hinawakan pa ang kamay ni Nana Lina Kaya napangiti ako.
"Sige po, naiintindihan ko. Aasahan ko po kayo bukas at kahit sa mansion na rin po kayo magtanghalian." Imbita ko bago ko ulit niyakap ng mahigpit si Nana Lina na niyakap din ako pabalik.
"Mag-iingat po kayo sa pag-uwi."
Kumaway pa ako kina Nana Lina at mang Karding na nakasakay na sa tricycle."Oy, sino ang kinakawayan mo?"
Tanong ni Zendy nang makalapit ito sa 'kin kasama si Paulo."Si Nana Lina." Sagot ko na ikinagulat ni Zendy, naikuwento ko rin kasi sa kaniya noon ang tungkol kay Nana Lina.
"Really? How come na nandito sa Casa Bel Palazzo ang Nana Lina mo?" Hindi makapaniwalang saad ni Zendy habang si Paulo naman ay nakikinig lang sa pinag-uusapan namin.
"Siya ang napangasawa ni mang Karding, kung gusto mo pumunta kayo sa mansion bukas para mas makilala niyo ang Nana Lina ko."
Paanyaya ko sa kanila ni Paulo."Gusto ko sana kaya lang bukas na rin ako luluwas patungong Batangas." Nanghihinayang na saad ni Paulo.
"Me too. Susunod ako sa Maynila kay kuya Arnold at sa linggo pa ang balik namin." Malungkot na sambit ni Zendy.
"Naiintindihan ko." Nakangiting turan ko sa dalawa.
Hindi mawala ang mga ngiti ko hanggang sa maka-uwi ako ng mansion. Tila ba nakalimutan ko ang lahat ng bigat na dinadala ko dahil sa muling pagkikita namin ni Nana Lina sa hindi inaasahang pagkakataon. Iba talaga kung maglaro ang tadhana.
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomanceUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...