Chapter 31

3K 97 3
                                    

Lies. (Bugie)

Limang araw.

Limang araw na ako dito sa hospital at sabi ng doktor ay p'wede na akong madischarge mamayang hapon, kaya abala ngayon sina tito Arthur at tita Zenaida sa pagbabayad ng mga hospital bill ko. Hindi ko alam kung paano ko sila mababayaran, hindi naman na ako p'wedeng bumalik sa mansion dahil wala ng natira sa mga gamit doon dahil lahat daw ay tinupok na ng apoy ayon sa mga bumbero.

Kung saan man ako pupunta ngayon ay hindi ko rin alam, ang sabi sa'kin ni tito Arthur ay p'wede naman akong sumama sa kanila sa Cebu sa oras na matapos na ang kasong inihain namin laban kay mang Karding na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli ng mga awtoridad.

Ayaw kong maging pabigat sa kahit kanino simula ngayon. Wala na akong dapat asahan kundi ang aking sarili. Wala na ngayon sa tabi ko si Señor Freigo at si nanay Carlotta kaya kailangan kong tumayo sa sarili kong mga paa.

Si Señorito Primo..

Hindi ko alam kung may malay na ba ito ngayon dahil simula nang kumprontasiyon na naganap sa pagitan namin nina Lady Vittoria at Venice n'ong nakaraang araw ay hindi na ulit ako naka-dalaw sa kanya dahil pinagbawalan nila ako, hindi rin ako sigurado kung dito pa ba naka-admit si Señorito Primo sa hospital o baka dinala na rin ito sa Italy ng kanyang ina at fiance..

Siguro hinanap niya naman ako kung nagka-malay na siya, diba? O baka nag-alala rin siya sa'kin gaya ng pag-aalala ko sa kanya?

Paulit-ulit kong kinukumbinsi ang sarili ko na sana hindi totoo ang mga sinabe ni Venice sa'kin, hindi ako maniniwala hangga't hindi mismo sa kanya nanggaling ang kung ano ba talaga ang totoo.

Ang paglandas ng mga luha ko ay walang pinagkaiba sa kung paano pumatak ng tahimik ang buhos ng ulan sa labas na natatanaw ko mula sa bintana ng kwarto kung saan ako ngayon namamahinga. Walang oras na hindi ako umiiyak ng tahimik dahil oras-oras ko ring naaalala lahat ng mga nangyari.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil binalaan na ako noon ng isang ekstrang herong lalaki na ang mga De Lucio ang pakay ng mga rebelde, pero hindi ako nakinig!

Kung sana lang ay sinabi ko iyon kay Señor Freigo o kay Señorito Primo baka sakaling naiwasan pa ang mga nangyari.

Inilapag ko ang librong L'amore Dimenticato sa gilid ng hospital bed kung saan ako naka-upo at nakatanaw sa bintana na nasa kaliwa habang nakalaylay ang mga paa ko sa baba ng kama.

Itong libro na lang daw ang natira sa lahat ng mga gamit dahil yakap-yakap ko raw ito n'ong matagpuan ako ng bumbero na walang malay sa loob ng aking kwarto.

Lahat ng mga pinagdaanan ko simula pagkabata ay isinulat ko sa iilang tirang malinis na papel sa pinakang likod ng libro, maging ang mga pinagdaanan ko sa kamay ng mga rebelde at lahat din na lihim na nalaman ko ay isinulat ko rin doon, dahil pakiramdam ko ay mababaliw ako sa tuwing wala akong mapagsabihan ng mga nararamdaman ko kapag mag-isa lang ako.

Bumukas ang pinto ng kwarto pero hindi ako nag-atubili na tingnan kung sino ang pumasok dahil mas gusto kong pagmasdan ang pagdaloy ng tubig mula sa ulan na tumatama sa bintana.

"Pinatay mo ang asawa ko!"

Huli na nang masangga ko ang pagsampal sa'kin ni Mrs. Torres at mabilis ako nitong hinigit pababa sa kama.

"Bitawan niyo ako!"

Atungal ko dahil sa galit na pagsabunot sa buhok ko ni Mrs. Torres.

"You killed my dad! Napakasama mo!"

Nandito rin pala si Felicity na tinulungan na ang kanyang ina sa pagsabunot sa akin. Pilit ko namang sinasangga ang mga kalmot at sampal na iginagawad nila pero sadyang hirap akong tumayo at labanan bawat pisikal na pananakit nila.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon