Sarmiento Family.
Mahirap wakasan ang isang kabanata na walang magandang katapusan pero mas mahirap ang magsimula ng panibagong kuwento na hindi mo alam kung ano ang magiging paksa at kung saan magsisimula.
It's hard to forgive but forgetting is the hardest part at all.
Hindi man natin kayang baguhin ang nangyari kahapon ngunit kaya nitong baguhin ang kung sino tayo.
Malalim ang bawat paghinga ko, ang matinding pagod at pananakit ng buong katawan ko ay ramdam na ramdam ng buong sistema ko. Hindi pa man nakabukas ang mga mata ko ay alam kong may mga tao sa paligid ko dahil sa nararamdaman ko ang bawat presensiya nila. Maging ang kanilang tinig ay naririnig ko rin.
"Dominique! Ano bang ginawa niyo kay Ysabella at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagkakamalay?!"
Tila nag-aalalang saad ng lalaki.
"Don Alejandro, ginawa lang po namin ang inuutos niyo."
Pangatwiran ng isa ring lalaki sa mahinahong boses.
"She's awake!"
Tinig ng isang babae na agad akong dinaluhan sa gilid ng kama.
Sa unang mulat ko ay medyo malabo pa ang vision na nakikita ko sa paligid kaya muli akong pumikit ng matagal bago ko ulit binuksan ang aking mga mata.
"Ysabella, kamusta ang pakiramdam mo?"
Aniya ng may edad ng lalaki na siguro ay nasa 50s. Dahan-dahan akong bumangon mula sa malambot na kama at pinasadahan ko ng tingin ang buong kwarto na white and pink ang tema. Isa-isa kong sinuri ang bawat taong nakapalibot sa kama, may mga pagkakahawig sila sa isat-isa lalo na ang mga lalaki maliban sa babaeng nasa gilid ko na nagdadalantao.
"S-sino kayo? N-nasaan ako?!"
Nanginginig kong sambit dala ng takot! Takot na baka saktan nila ako!
"Don't be afraid, we won't hurt you. Mga pinsan mo kami and you are here in El Paradiso."
Naguguluhan kong nilingon ang lalaking matanda lang sa'kin ng lima o higit pang taon.
"Totoo ang sinabe ni kuya Dominique, I'm Frederick, your cousin too."
Nakangiti nitong inilahad ang kanyang mga kamay na tinitigan ko lang. Kasing edad ko lang ang lalaki na pormal ang bawat kilos.
"We understand your situation. By the way I'm Brixton, one of your cousin's."
Aniya rin ng lalaking mas bata lang sa'kin ng ilang taon.
"Ako naman si Marjorie, asawa ni Dominique."
Nakangiti wika ng babaeng buntis na kumapit sa braso ni Dominique na pinsan ko raw.
"Wala akong matandaan na may mga kamag-anak ako. Hindi ko kayo kilala. Nasaan ako?"
Naguguluhan kong wika at umupo naman sa gilid nitong kama ang lalaking medyo may edad na at hinawakan nito ang kaliwang palad ko.
"Mga pinsan mo sila, anak sila nina Fernando at Victorino ang nakatatanda at nakababata kong mga kapatid," Aniya na pinisil pa ang mga palad ko bago ulit ito nagsalita. "Kamukhang-kamukha mo si Carmina." Dagdag pa nito habang sinusuri ng maigi ang buong mukha ko.
"Bakit mo kilala si mama?"
Ngunot noo kong tanong dito, napansin ko ang pamumungay at panunubig ng kanyang mga mata bago ito magpakawala ng malalim na paghinga.
"Dahil siya ang babaeng minahal ko sa buong buhay ko at siya rin ang ina ng nag-iisa kong anak."
Napakurap-kurap ako bago umiling ng paulit-ulit dahil sa may nabubuong konklusyon sa utak ko.
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomantizmUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...