Chapter 27

2.6K 79 2
                                    

Panganib. (Pericolo)

Mahigpit ang kapit ko sa lubid ng kabayo ko habang pinapatakbo ito, wala ring tigil sa paglandas ang mga luha ko kaya panay ang punas ko rito habang nangangabayo ako. Ang eksinang nasaksihan ko kanina ay hindi na mawala-wala sa utak ko na para bang naka-ukit na ito at mahirap nang burahin.

Mas lalong naninikip ang dibdib ko sa tuwing naiisip ko na baka nagawa akong pagtaksilan ni Señorito Primo dahil hindi ko ito napagbigyan kaninang umaga kaya nakipagtalik na lang siya sa iba! Hindi lang basta sa ibang babae dahil si Venice iyon! Ang babaeng pinagseselosan ko ng matindi, pinaniwalaan ko ang sinabi niya na kapatid lang ang tingin niya dito!

Leche!

Sinungaling!

Manloloko!

Kahit madilim ang daang tinatahak ng kabayo ko ay wala na akong pakialam! Siguro kung ginising ko sila at ipinaalam ko na nahuli ko sila ay maaaring magpaliwanag pa sa'kin si Señorito Primo... Lintek! Sinong niloloko mo Bella Carina?! Alam mong hindi mo kakayanin na makipag-usap sa kanya! Sobrang sakit bilang babae ang lokohin ka ng lalaking labis mong itinatangi!

Inaamin ko na natatakot akong magkaroon ng kompruntahan sa pagitan naming tatlo kung ginising ko sila kanina dahil baka sa oras na papiliin ko si Señorito Primo sa aming dalawa ni Venice ay baka lalo lang akong masaktan!

Sa larangan ng pilian ay lagi akong talo!

At kung ang estado ng buhay ang magiging basehan sa pagpili, talong-talo na agad ako! Sino ba naman ako para piliin ng isang kilalang Señorito Gian Primo Montazzeo De Lucio? Di-hamak na mendicante lamang ako! Hindi katulad ni Venice na ka-level ang mundo niya.

Ayaw ko nang mag-isip pa pero kahit anong pigil ko, kahit anong iwas ko ayaw akong tantanan ng kirot at sakit! Nakiusap na ako sa puso ko na 'wag na itong umiyak sa sakit pero ayaw nitong makinig! Sana pinakinggan ko na lang ang mga sinabe noon ni nanay Carlotta na subukan kong magmahal ng iba, baka sakali ngayon ay hindi ko nararamdaman ang matinding sakit na halos pumapatay sa bawat organismo sa aking katawan!

Kung sana lang ay natuturuan ang puso kung sino ang mamahalin nito e di sana hindi tayo nasasaktan sa huli!

Ayaw ko na! Pagod na ako! Manhid na ang buong katawan ko. Ang mga bituin at kalahating buwan sa kalangitan ay saksi sa kung gaano kadurog ngayon ang puso ko! Ang kabayong sinasakyan ko ay ramdam ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa pinaghalong galit at sakit na mas nananaig mula sa ikabuturan ng aking puso.

Malayo pa ang distansiya ko sa Casa Tranquillo pero dinig na dinig kona ang mga sigawan ng mga nagkakagulong tao!

Anong nangyayari?!

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa lubid ng kabayo at mabilis ko itong pinatakbo hanggang sa bumungad sa'kin ang nasusunog na peryahan at mga nagtatakbuhang mga tao habang may mga nakahandusay na rin at duguan sa gitna ng kalsada!

Maitim na makapal na usok ang bumabalot sa buong paligid ng peryahan at mula sa kabayong sinasakyan ko ay natatanaw ko ang mga batang naiwan sa loob ng mga arcade na natutupok na ng apoy!

Nakakapangilabot ang mga hiyawan at iyakan ng mga tao hanggang sa gumulantang sa'kin ang sunod-sunod na pagputok ng baril! Agad na nag-ingay ang kabayo ko dahil mukang malapit lang sa may gawi ko ang nagpapaputok ng baril!

"Mga rebelde!"

Narinig kong sigaw nung mama habang kalong-kalong nito ang batang babae na walang tigil sa pag-iyak.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon