iL Mio Dolce Amante
~My Sweet Lover~
Ang ibat-ibang makukulay na mga paru-paro ay malayang lumilipad sa palibot ng hardin ng mansion ng mga De Lucio na ngayon ay may mga puting telang naka-kabit sa gazebo na napapalibutan ng mga bulaklak habang may pulang carpet naman na nakalatag pahaba sa gitna ng mga upuan na nababalot ng puting tela at ang mesang napapalibutan din ng mga bulaklak.Magkakaharap ang mga nakahilerang kawal habang naka-ekis ang kanilang mga espada sa ere. Nagkalat din ang petals ng mga pinaghalong white and red rose sa paligid. At bawat katawan ng binuong gazebo ay pinapaibutan ng mga kumikinang na maliliit na ilaw.
Mabagal ang pagtugtog ng romantikong musika mula sa pianist at mga violinist na nasa gilid kaya lalong bumuhos ang mga luha ko habang mabagal na naglalakad sa gitna ng pulang carpet patungo sa unahan kung saan naghihintay si Primo at ang reyna ng palasyo.
"H'wag kang iiyak mamaya ha! Sayang make-up ko sa'yo."
Tila narinig ko ang boses ng kaibigan kong si Zendy na siyang nag-ayos sa'kin kanina para sa napaka-espesyal at napaka-sayang araw sa buhay ko.
Paano ako hindi iiyak gayung ikakasal na ako sa lalaking pinakakamahal ko na naghihintay sa'kin sa unahan sa suot nitong royal blue suit.
Humigpit ang hawak ko sa brooch bouquet at saglit kong sinulyapan ang buong pamilya Sebastian na nakangiting kumaway sa'kin habang si Zendy at tita Zenaida ay walang tigil sa pag-iyak kaya wala ring tigil sa pag-alu sa kanila sina tito Arthur at Dario, kasama rin nila si nanay Carlotta na umiiyak na rin katabi ni Arnold.
Dumako naman ang mga mata ko sa kabilang side kung nasaan naman ang angkan ko, ang angkan ng mga Sarmiento. Walang tigil sa pagkuha ng larawan si Frederick habang ang ibang pinsan ko ay nakangiting pinagmamasdan ako habang naglalakad. Lahat sila ay respetadong tingnan sa mga suot nilang suit lalo na ang mga kambal ko.
Wala dito si Don Victorino at tita Amanda na nasa New York ngayon dahil sa pagtatapos ng pinsan kong si Vince Amante sa degree nito, kaya naiintindihan ko kung bakit wala sila ngayon. Nauna na nilang ipinaabot kahapon ang pagbati at ang wedding gift nila para sa'kin na titulo ng bahay at lupa na mapupunta lang din sa kambal.
Sa tuwing nalalagpasan ko ang magkaharap na kawal ay ibaba na nila ang kanilang espada at yuyukod sa'kin. Isang simpleng plain wedding gown lang ang suot ko habang may flower crown sa ulo ko. Ayaw ko ng engrandeng kasal tulad ng gusto nina Lady Vittoria at ni Queen Stella pero dahil kami naman ni Primo ang masusunod ay mas pinili namin ang garden wedding na ginaganap ngayon sa labas ng mansion ng mga De Lucio. Mas gusto ko rin ito para lahat ng malapit sa'kin ay makakadalo sa mahalagang araw sa buhay ko dahil kung sa palasyo sa italia gaganapin ang kasal ay limitado lamang ang makakadalo.
"Prinsesa pa rin kita anak kahit ikakasal ka na.."
Madamdamin na aniya ng aking ama bago niya ipasa ang mga kamay ko kay Primo.
"You're so beautiful, darling.."
Napangiti ako at saglit na pinahiran ni Primo ang mga kumawalang luha niya bago niya ako iharap sa reyna at sa limang konseho na kasama si Lady Vitorria sa loob nitong maliwanag na gazebo.
Parehong naming ipinatong ni Primo ang mga kamay namin sa makapal na libro na hawak ni Queen Stella, ang librong naglalaman ng mga batas ng palasyo, ang libro rin kung saan nanunumpa ng katapatan ang isang maharlika at mga ikakasal sa tradisyon nila.
"Señorito Gian Primo Montazzeo De Lucio, do you swear that you will be faithful husband and bear true allegiance to Lady Bella according to the law of Roma Infinite Palace?"
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomanceUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...