Kabanata 11

3.3K 110 14
                                    


Tuwing huling sabado ng buwan ay nagkakaroon na pagpupulong sa hardin sa likod ng mansion, pinupulong ni Señor Freigo ang mga taga-pangasiwa sa bawat lupain niya.

Si kakang Nimfa ang nangangasiwa sa sentro gulayan habang si tatang Nestor ang nakatalaga sa malawak na taniman ng ubasan at si mang Karding naman sa sakahan ng palay.

Ako at si Señor Freigo naman ang nagtutulungan para sa Azìenda Agrìcola, isinasagawa ang pagpupulong para malaman ang kalagayan ng bawat lupain, kung nagkukulang ba sa mga binhi at fertilizer o kung maayos ba ang mga pananim.

"Wala ho kayong dapat ikabahala Señor Freigo, maayos po ang mga gulay sa sentro gulayan at kung may mga piste naman ay naagapan din kaagad," giit ni kakang Nimfa.

"Ganon din ho sa ubasan Señor Freigo, mas magaganda ho ang nagiging bunga ng ubas ngayong buwan dahil na rin sa ginagamit nating pang-abuno." Imporma rin ni tatang Nestor.

"Mabuti naman kung gano'n dahil walang nasasayang sa mga pananim at lahat ay napapakinabangan." Saad ni Señor Freigo na nakaupo sa silya katulad nina kakang Nimfa at tatang Nestor at iba pang mga magsasaka na dumadalo rin sa pagpapakulong.

"Si Karding? Nasaan ang punong taga-pangasiwa sa sakahan?" Hagilap ni Señor Freigo nang mapansin na wala sa pagpupulong si mang Karding.

"Señor Freigo, paumanhin  po kung wala ngayon ang pinsan ko," tumayo mula sa kinauupuan na silya ang payat na matangkad na lalaki. "Ako po si Kaloy, ang pinadala niya para sa pagpupulong dahil ang pinsan kong si Karding ay nasa Maynila at naghahanap ng mapapangasawa." Pabirong wika nito at nagtawanan naman kaming lahat. Si mang Karding ay medyo may edad na pero wala pang asawa't anak. "Ang sakahan naman po ay nasa maayos na estado." Dagdag pa ni mang Kaloy.

"Jusmiyong Karding, hanggang ngayon pa naman ay talagang gusto pang makatikim ng sariwang gulay." Lalong lumakas ang tawanan ng matatanda dahil sa sinabi ni tatang Nestor. Nakikisabay rin ako sa tawanan nila lalo pa't napakauwela nitong si tatang Nestor kaya panay ang tawanan nila lalo na si Señor Freigo.

"Kung maayos naman ang lagay ng mga lupain ay dapat tayong mag-saya." Masayang sabi ni Señor Freigo.

"Saktong-sakto at kakatapos ko lang mag luto kaya't halina kayo sa kusina." Bungad ni nanay Carlotta na naka-apron pa.

Ganito lagi ang nangyayari kapag natatapos ang pagpupulong, laging may munting salu-salong nagaganap sa loob ng mansion.

"Napaka-saya ni Señor Freigo at natutuwa talaga ako." Pabulong na wika sa akin ni nanay Carlotta habang pinagmamasdan namin ang tawanan nina Señor Freigo at ng mga matatandang nangangasiwa sa mga lupain niya.

"Ako rin po." Nakangiting pagsang-ayon ko.

Kahit nasubsob ako sa pag-aaral ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang bumisita sa Azìenda Agrìcola na tinuturing ko nang pangalawang tahanan at tinuturing ko na rin na pangalawang pamilya ang mga nagbabantay roon.

Mas dumami pa ang bilang ng mga alagang kambing at mga manok na nagbibigay dose-dosenang tray na itlog na ibinabagsak namin sa Casa Tranquillo. Maging ang mga baka ay na dagdgan din na pinagkukunan ng purong gatas na inaangat naman namin sa kabilang bayan.

"Lady Bella, manganganak na ang kabayong nasa dulo ng kwadra!" Masayang imporma sa 'kin ni Dario kaya mabilis kong binitawan ang tali ng kabayo kong si Puti at tumakbo na papasok sa kwadra ng mga kabayo. Ang pangananak ng kabayo ay isa sa lagi kong inaabangan dito sa Azìenda Agrìcola.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon