Chapter 38

3.3K 91 0
                                    

Hello Italy. (Ciao Italia)

"Are you sure about this? P'wede mo namang ipagpabukas na lang ang pag-alis mo. I will call Frederick para masamahan ka sa Italia."

Mabilis ang pag-iling ko sa naging pahayag ni Dominique habang nag-iimpake ako ng mga damit ko dito sa kwarto.

"Hindi ko p'wedeng ipagpabukas ito dahil ang kambal ang involved dito. Ayaw ko na ring abalahin pa si Frederick."

Sagot ko habang sinasara ang zipper ng maleta na nasa ibabaw ng aking kama. Habang lumilipas ang oras na hindi ko nakikita at nakakasama ang kambal, nababaliw ako.

"Hanggang kailan ka sa Italia?"

Aniya ni Marjorie na nakasunod na sa'kin pababa ng hagdan habang hatak-hatak ko ang maletang naglalaman ng mga gamit ko na basta-basta ko na lamang isinalansang sa loob ng maleta kanina dahil sa pagiging tensiyunado ko.

"Hanggat hindi ko nababawi ang kambal sa lalaking 'yon!"

Humigpit ang hawak ko sa handler ng maleta at lumalangitngit rin ang ngipin ko sa tindi ng inis na nararamdaman ko para sa lalaking 'yon!

Hindi siya patas!

Ang kapal ng pagmumukha niya!

Sino siya para kunin sa'kin ang mga anak ko ng ganon-ganon lang?

Damn him!

"Mag-iingat ka.."

Isang mahigpit na yakap ang iginawad sa'kin ni Marjorie at ng pinsan kong si Dominique bago ako pumasok sa van nila na maghahatid sa'kin sa airport ng El Paradiso kasama ang kanilang iilang bodyguards nila dahil iyon na lamang daw ang maitutulong sa'kin ni Dominique.

Pasado alas dos ng hapon ang time departure na nakalagay sa plane ticket patungong Italy at sakto lang ang dating ko.

Isinandal ko ang ulo ko sa headboard ng upuan at natatanaw ko mula sa bintana ng sinasakyan kong eroplano ang makapal na ulap sa labas maging ang sinag ng araw.

Mahabang oras ang magiging biyahe bago makalapag ang eroplano sa paliparan ng Italy. Bukod din sa plane ticket at sulat na nakuha ko mula sa pulang envelope kanina ay may nakalagay din na pangalan ng isang hotel, marahil ay nandon ang kambal kasama ang kanilang ama na kinasusuklaman ko ngayon!

Sa totoo lang, hindi ko alam kung handa na ba akong makaharap ulit ang lalaking 'yon. Ang sakit na dinulot niya ay sariwang-sariwa pa na mas lalo lang tumindi dahil sa ginawa niyang pagtakas sa mga kambal ko. At kung paano niya nalaman ang tungkol sa kambal ay hindi ko rin alam.

Huminga ako ng malalim bago ko ipikit ang mga mata ko dahil sa inaantok ako. Walang mangyayari kung galit ang paiiralin ko ngayon dahil hindi non mababawi ang mga anak ko. Kailangan kong samantalahin ang mahabang biyahe na makapagpahinga para may sapat na lakas ako kung magkaharap man kami mamaya ng lalaking iyon.

Naalimpungatan ako dahil sa paganunsiyo ng flight announcer na papalapag na raw ang eroplano sa Rome-Ciampino Airport.

Matapos ma-inspect ang maleta ko ay hindi ko na alam kung saan ako tutungo dahil wala akong kaalam-alam sa mga lugar dito sa Italy at wala rin akong ideya kung paano pupuntahan ang hotel na nakasulat sa papel.

Inis akong napahilot sa sentido ko habang nakatayo ako sa gilid ng passenger area dahil wala rin pala akong dalang telepono! Sana pala nandito si Frederick dahil dalawang beses na 'yon nakapunta dito sa Italy dahil sa mga projects nito and for sure matutulungan niya akong hanapin kung nasaan ang hotel na nakasulat sa papel.

"Lady Bella Carina De Lucio?"

It's been a while na may tumawag ulit sa'kin sa ganiyang pangalan. Nakakapanibago.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon