Kabanata 14

3.4K 129 27
                                    


"WHAT?! Pumayag ka? You're unbelievable, Bella! Secretary? Seriously? After he calls you beggar!" Kanina pa nagrarant si Zendy dito sa kwarto niya habang hinahalungkat ang mga damit niya para maghanap ng skirt, short-sleeve at mga damit na puwedeng isuot na pang-opisina.

"I have no choice." Nakangiwi kong sagot habang pumipili ng mga damit na nasa kama ni Zendy.

"You have a choice. Kung sinabi mo lang sa 'kin na need mo ng work 'e 'di sana tumawag agad ako kay mommy kasi for sure bibigyan ka niya ng position sa company namin sa Cebu. Pero dahil may gusto ka kay Señorito Primo kaya mas pinili mo ang trabahong inaalok niya. Marupok ka!"

"Wala akong gusto do'n. Nakakahiya lang kay Señor Freigo at sa Señorito na tanggihan ang trabahong inaalok niya, para namang wala akong utang na loob kapag gano'n." Nakanguso kong paliwanag kay Zendy na umarko lang ang kilay bago umiling.

"Okay fine. Bakit ka nga pala naghahanap ng mga pang-opisinang damit? Magaganda naman ang bistida mo ah. Tsaka, hello? Bakit kailangan pormal 'e dito lang naman kayo magtatrabaho sa Casa Bel Palazzo at sa mansion lang naman ang opisina niya." Napakamot na lang ako sa ulo dahil mukhang hindi mapapagod kakasalita itong si Zendy.

Pinag-isipan ko naman talaga ng mabuti ang offer sa 'kin ni Señorito Primo na maging sekretarya niya ako habang nandito siya sa Casa Bel Palazzo at pinapatayo ang pabrika ng alak. Pinaliwanag din sa 'kin ng Señorito ang mga gagawin ko bilang secretary niya at hindi naman iyon masyadong mahirap, dapat daw lagi akong updated sa mga nangyayari before, during and after construction ng pabrika ng alak niya.

May mga meetinga din daw na kailangan alam ko ang mga schedule at lugar, nagulat pa nga ako na posible raw na sa ibat-ibang lugar kami makikipagmeeting sa mga investors, engineer's at iba pang mga connection niya rito sa Pilipinas at may mga events din daw na pupuntahan kami kaya ngayon ay nandito ako kay Zendy para magpatulong sa kaniya since may mas alam siya pagdating sa mga business business na 'yan.

Sa dami nang mga pinaliwanag sa 'kin kanina ni Señorito Primo sa loob ng study room sa mansion kung saan ang opisina nito, hindi rin mawala sa isip ko ang mga kondisyon niya habang ako ang secretary niya rito sa pilipinas.

"Secretary never wear 'bistida', you must look presentable."
Pinasadahan pa ako ng tingin ni Señorito Primo habang nakaupo ako sa silya sa may table niya habang nakaupo rin ito sa swivel chair. Naka slim-fit tuxedo rin ito na para talagang nasa opisina kami, professional talaga ang datingan.

"Pero okay naman po ang mga bistida ko-" agad pinutol ng Señorito ang sasabihin ko.

"Ho detto di essere presantabile. No more buts." (I said be presentable) Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil bukod sa sobrang seryo ang Señorito hindi ko rin naintindihan ang unang linyang sinabi nito. "Secretary must be more flexible. Know how to handle situation specifically when it talks about time and every minute should be efficient." Tumango lang ako habang nakikinig sa kaniya. "And you should always on my side."
Kumabog ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Señorito Primo at ramdam ko rin ang pag-init ng aking mukha lalo pa't nakatitig ito sa 'kin. "So, as not to get in trouble." Dagdag pa nito, ipinilig ko ang ulo ko at humigpit ang hawak ko sa brown folder na mga naglalaman na files na kailangan ko raw pag-aralan mamaya. "And avoid distraction while you're working with me. So from now on, do not entertain your suitors." Hindi ko alam kung kondisyon niya pa rin ba 'yun o utos na.

"Pero hindi po ako nagpapaligaw Señorito Primo." Depinsa ko pero umarko lang ang kanan nitong kilay.

"But you have a lot of them. Do not entertain your suitors."
Mataman na sinabi niya kaya napanguso ako. ''It's your Señorito's rule by decree." Maawtoridad na dagdag nito kaya napalunok ako.

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon