Sweet Lover. (Dolce Amante.)
"Kalimutan mo na ako dahil kakalimutan na rin kita.."
Pakiramdam ko ay iyan ang gustong iparating ni Primo sa kanyang sulat. Na kalimutan ko na siya para hindi na ako masaktan at gano'n din siya.
Bagay na hindi ko kayang gawin dahil sa mahal na mahal ko siya. Sinubukan ko na siyang kalimutan dati pero hindi ako nagtagumpay. Dahil paano ko naman makakalimutan ang lalaking tanging minahal ko ng lubos, ang lalaking minsan kong pinag-alayan ng lahat na meron ako, ang lalaking minahal ko pa rin kahit na minsan nang winasak ako, ang lalaking nagtiis at nagdusa sa mahabang panahon.
"Yes. I want you to disappear, Primo. I don't want to see you anymore."
Naiintindihan ko kung hindi na ulit magpakita sa'kin si Primo pero hindi ko lang alam kung kakayanin ko. Gusto ko siyang makasama habang buhay hindi lang para sa mga anak namin kundi dahil sa mahal ko rin siya.
Pagkalapag ng eroplano sa paliparan ng El Paradiso ay abot langit ang tuwang nararamdaman ko dahil sa wakas ay makikita ko na muli ang mga anak ko.
Malayo palang ako sa exit ay natanaw ko na sa labas ng airport ang pinsan kong si Daniel na kumakaway sa'kin habang nakasandal sa kanyang itim na luxury car.
"Aww! Para saan naman 'yon?"
Aniya ng pinsan ko matapos kong hampasin ang braso nito. Inis ko itong tiningnan bago pumasok sa likod ng kotse niya.
"Ow, I'm sorry. Si Don Alejandro ang naki-usap sa'kin na h'wag kong sabihin sayo. Alam mo namang nasa papa mo ang loyalty ko."
Isang masamang tingin ang ipinukol ko sa pinsan ko sa rare mirror ng kanyang sasakyan habang ini-start nito ang engine ng kotse niya.
"Pinaglihiman niyo 'ko!"
Sumbat ko rito. Lahat ng pinsan ko ay alam ang tungkol sa koneksiyon ni papa sa palasyo. Kakuntsaba rin sila no'ng araw na kunin ng konseho, reyna at ni Primo ang kambal sa mansion maging si Don Victorino at tita Amanda ay may alam din sa nangyari kaya siguro ipinagamit nila ang Room 0456 sa Paradise hotel dahil sa mga maharlika ang uukupa nito.
"Kamusta naman sa Italy?"
Diretso lang sa kalsada ang tingin ng pinsan ko habang nagmamaneho ito kaya hindi nito nakita ang pag-ikot ng mga mata ko.
"Nakakapagod. Sobra."
Tipid na sagot ko dahil sa ibang direksiyon naglalayag ang utak ko. Hindi ako sigurado kung nandon ba sa lugar na 'yon si Primo pero magbabaka-sakali ako. Gusto ko munang makita ang mga anak ko bago ko ito puntahan kung nandon nga ito. Pero sana nandon siya, sana maabutan ko siya, sana magpakita siya.
Hindi pa man namamatay ang makina ng kotse ni Daniel ay bumaba na agad ako at mabilis akong tumakbo sa puting buhangin dahil natanaw ko sina Yael at Rome na masayang nakikipag-laro sa labas ng isa sa mga cottage kasama ang anak nina Dario at Zendy.
"Mama.."
Mabilis na nag-unahan sa pagbagsak ang mga luha ko at mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kambal. Namiss ko sila ng sobra!
"Sorry po kung hindi namin sinabi na alam at kilala po namin si papa.."
Inayos ko ang bagsak na buhok ni Yael habang nakatukod ang mga tuhod ko sa puting buhangin, ang paghampas ng alon ay rinig na rinig maging ang pagsayaw ng mga sanga ng puno ng niyog dala ng malakas na hangin.
"Sorry ma, hindi na ulit kami maglilihim sa'yo."
Pinunasan ni Rome ang mga luha ko gamit ang palad niya bago ako niyakap nito.
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomanceUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...