Kagabi pa ako hindi kumikibo hanggang ngayon na nasa van na kami pabalik ng Casa Bel Palazzo. Ayaw kong makipag-usap muna ngayon sa Señorito dahil sa nangyari sa event kagabi, hindi ko rin naman alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.Hindi rin naging madali para sa akin ang makatulog agad kagabi dahil paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko ang mga sinabi ko kay Señorito Primo at paulit-ulit ko lang din na sinasaktan ang sarili ko.
Sinubukan din akong kausapin ng Señorito kanina bago kami umalis sa hotel pero puro pagtango lang ang nagiging tugon ko, nakakahiya dahil gano'n ang naging asal ko sa kaniya na wala namang malalim na dahilan.
"Hey," pagtawag sa akin ni Señorito Primo dahil sa pagiging tahimik ko habang bumabiyahe kami pabalik sa Casa Bel Palazzo.
"About last night... I'm sorry."
Sinserong sambit nito pero nanatili lang ang mga mata ko sa bintana ng van. "Please talk to me, darling.""Bella. Bella po ang pangalan ko Señorito Gian Primo." Sagot ko.
"I've already told you to drop that 'po' and John." Mariin namang giit nito. Kahit hindi ko siya lingunin ay sigurado naman ako na gumagalaw na naman ang panga nito.
"Iyon po ang dapat Señorito Gian Primo. Magkaiba po ang mundong ginagalawan natin. Ayaw ko pong masanay kaya nakikiusap po ako sa inyo na tawagin niyo po ako sa pangalan ko o mas maganda po kung mendicante tulad noon dahil iyon naman po talaga ako, isang pulubi." Kitang-kita ko sa peripheral view ko kung paano magsalubong ang mga kilay ni Señorito Primo. Ayaw ko lang na lumala pa ang kung anuman ang nararamdaman ko sa kaniya dahil alam ko na sa huli mas masasaktan lang ako.
Inilabas ko ang cellphone na ibinigay niya sa 'kin at matapang kong sinalubong ang nakakamatay nitong titig at ekspresiyon.
"Nag r-resign na rin po ako bilang secretary niyo Señorito Gian Primo." Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng Señorito at walang planong tanggapin ang cellphone kaya inilapag ko na lang iyon sa may gilid ng upuan niya.
"You never failed to disappoint me." Matamang aniya kaya parang piniga ang puso ko.
"I was born to disappoint people around me." Halos paos kong sagot sa Señorito bago ko ibalik ang tingin sa labas ng bintana ng van at hayaang lumandas ang mga luha.
Ilang tao na ba ang binigo ko?
Una ang mama ko, pinangako ko sa kanya na magiging matapang ako kahit wala na siya pero hanggang ngayon, mahina pa rin ako.
Si Señor Freigo, sabi ko sa kaniya noon na gagawin ko ang lahat maipatupad lang ang farmers project para sa mga magsasaka pero anong nangyari? Sa isang iglap, isinuko ko iyon at hindi nagawang panindigan.
Si nanay Carlotta, sinabi niya sa 'kin na dapat handa ako sa magiging resulta nang paghanga ko kay Señorito Primo pero anong nararamdaman ko ngayon?
Nasasaktan ako.
At higit sa lahat, binigo ko ang sarili ko. Bigong-bigo ako sa katotohanan na hanggang dito lang ako at hindi puwedeng pumasok sa mundo ng Señorito.
Tumunog ang dati kong cellphone at sinagot ko ang tawag at pinunas ang mga luha ko."H-hello?" Namamaos kong saad.
"Bella? Okay ka lang?" Usisa ni Zendy sa kabilang linya kaya klinaro ko ang boses ko.
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomansaUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...