Piyestang Bayan. (Cittadina fiesta)
Sa mga nagdaang araw ay naging maayos naman ang lahat, at masaya ako na lahat ng tao na malapit sa akin na pinagsabihan ko tungkol sa relasyon namin ni Señorito Primo ay todo suporta ang kanilang ibinigay lalo na ng mga kaibigan ko kahit pa gulat na gulat si Zendy at kung anu-anong pangongontra ang sinabe ngunit sa huli pinaramdam pa rin niya ang kanyang suporta sa mga naging desisyon ko.
Kahit may namamagitan sa amin ni Señorito Primo ay hindi naman nawala ang priority ko, ang Azìenda Agrìcola na ngayon ay kailangan ng extension dahil sa dumarami na ang bilang ng mga hayop na inaalagaan. Araw-araw akong pumupunta sa Azìenda Agrìcola kasama si Señor Freigo dahil sunod-sunod ang pagbubuntis ng mga kambing at kailangan itong mabantayan ng maigi.
Ngayon ang buwan ng ani kaya abalang-abala rin ang mga magsasaka sa sakahan ng palay maging ang mga nakatalaga sa sentro gulayan. Nararamdaman ko na magiging maganda ang mga susunod na araw lalo pa't ang lahat ay nananabik na sa piyestang bayan at kahit papaano ay bumalik na ang dating sigla ng buong Casa Bel Palazzo matapos ang mga panggugulo ng mga rebelde may isang buwan na ang nakakalipas.
Abala rin si Señorito Primo sa construction ng pabrika ng alak at madalas ito roon. Ganunpaman hindi namin pinapabayaan ang isat-isa kahit pareho kaming abala sa buong araw, madalas ang tawagan namin sa telepono kapag na sa construction site siya na para bang milya-milya ang agwat ng layo namin sa isat-isa. Minsan din ay ginagabi si Señorito Primo dahil sa nagkakaroon sila ng meeting ng mga engineer at mga trabahante ng pabrika ng alak.
Bumabawi rin siya sa gabi kapag nakakaligtaan niya akong tawagan sa buong araw kahit pa sinasabe ko naman sa kanya na naiintindihan ko kung bakit abala siya sa buong maghapon dahil pareho lang kaming may ginagawa.
Nakangiti kong hinahaplos ang mukha ni Señorito Primo habang mahimbing ang tulog nito dito sa'king kwarto. Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito na gigising ako sa kanyang mga bisig na mukha niya agad ang makikita ko sa umaga. Madalas itong natutulog dito sa kwarto ko, konting kuwentuhan at kamustahan ang nangyayari sa mga araw namin bago kami matulog maliban na lang kagabi na nauwi ang kuwentuhan sa mapusok na tagpo kaya wala akong kahit na anong saplot ngayon maliban sa kumot kong nakabalot sa hubad kong katawan habang mahigpit ang yakap sa akin ni Señorito Primo na hanggang ngayon ay tulog pa rin.
Marahan kong hinahaplos ang kanyang panga patungo sa kanyang makapal na kilay pababa sa matangos niyang ilong, tumigil ang mga daliri ko sa mapupulang hulmado niyang mga labi dahil nakakaakit iyon at isang marahan na dampi na halik ang iginawad ko.
"Good morning."
Nakangiti bati ko kay Señorito Primo na diretsong nakatingin sa mga mata ko, marahil ay nagising sa halik ko.
Naramdaman ko ang malilikot niyang kamay na hinahaplos ang dibdib ko pababa sa tiyan ko hanggang sa mapa-ungol ako dahil sa ginawa niyang paghaplos sa gitna ko.
Alam na alam niya talaga kung paano buhayin ang sensasyon at init ng katawan ko. Isang malalim na halik ang ginawad niya sa mga labi ko habang patuloy sa paglalakbay ang kanyang kamay sa hubad kong katawan, natigil lang iyon nang tumunog ang kanyang telepono na nasa ibabaw ng stand table sa gilid ng kama.
"What?"
Iritadong sagot ni Señorito Primo na bumangon na sa kama habang may kausap ito sa telepono at pinapanood ako na ipulupot ang kumot sa hubad kong katawan.
"I want to see it."
Aniya ni Señorito Primo na hinihigit ang kumot na ibinalot ko sa hubad kong katawan, hindi ko alam kung para kanino ba ang sinabe niya kung sa'kin ba o sa kausap niya sa telepono.
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomanceUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...