Chapter 44

3.5K 83 4
                                    

Selfish. (Egoista.)

"G-gusto mo bang l-lumayo ako? Do you want me to disappear, darling? G-gagawin ko para h-hindi na kita masaktan."

Ang bawat paintings sa loob ng kwarto ni Primo ay hindi ko akalain na may kuwento pala. At lalong hindi ko lubos akalain ang mga naging pinagdaanan niya sa loob ng walong taon.

Ang paglandas ng mga luha ko ay lalong tumindi matapos ibigay sa'kin ni nanay Carlotta ang librong L'amore Dimenticato na tinago at iningatan daw ni Primo matapos na ibigay iyon ni Zendy sa kanya sa hospital noon.

"B-bakit hindi niya po sa'kin sinabi?"

Nanginginig at humihikbi kong tanong kay nanay Carlotta habang naka-upo sa dulo ng kama dito sa loob ng kwarto ni Primo.

"Dahil ayaw ni Señorito Primo na sisihin mo ang sarili mo, matapos naming malaman mula sa iyong ama ang naging kondisyon mo dahil sa mga nangyari noon sa Casa Bel Palazzo, ayaw niya na pati siya ay iisipin mo."

Aniya ni nanay Carlotta habang hinahaplos ang likod ko. Si papa pala ang nagsasabi sa mga konseho at kay Primo sa mga nangyayari noon sa akin at sa mga kambal. Nalaman nila ang naging kondisyon ko, ang Post-traumatic stress disorder na nagpahirap sa'kin sa mahabang panahon.

Pero mas mabigat pala ang pinagdadaanan ni Primo. Hindi ko man lang inaalam ang side niya. Hindi ko siya nagawang pakinggan!

"Paulit-ulit na binabasa ni Señorito Primo ang L'amore Dimenticato habang nakakulong dahil alam niya na paborito mo ang librong iyon kahit pa nabasa niya na ito bago ka pa niya nakilala. Sa tuwing dinadalaw namin siya sa Casa Karsero, ang kulungan ng mga maharlikang lumabag sa batas ng palasyo, naabutan namin siya na abala sa pagpipinta ng iyong huwangis at paulit-ulit siyang humihingi ng tawad sa iyong mukha na siya mismo ang nagpinta.."

Napapikit ako dahil sa sakit na umukit sa dibdib ko para kay Primo.

"Inakala niya na patay ka na, inakala niya na namatay ka sa pagkahulog sa bangin katulad sa sinapit ng kanyang ama at kakambal noon. Ang sabe sa'kin ng kanyang ina na ayaw raw  lisanin noon ni Señorito Primo ang Casa Bel Palazzo hanggat hindi ka niya natatagpuan. Dahil din sa mga isinulat mo noon sa likod ng libro ay nabigyan ng linaw ang lahat matapos itong mabasa ni Señorito Primo. At bago siya mapapayag ng kanyang ina na bumalik dito sa italia ay inamin ng mga kaibigan mo kay Señorito Primo na buhay ka pero hindi nila alam kung nasaan ka. Kaya sinisi niya ng husto ang sarili niya..."

"W-wala naman siyang kasalanan e, si m-mang Karding! Bakit siya ang ipinakulong ng mga konseho?!"

Tumango si nanay Carlotta bago hawakan ang mga kamay ko at wala ring patid sa paglandas ang masasagana kong luha.

"Wala ngang kasalanan si Señorito Primo sa mga nangyari noon pero siya ang pumasan sa responsibilidad sa pagkamatay ni Señor Freigo sa hindi maayos na paraan, kaya pinatawan siya ng konseho ng kapabayaan na may katumbas na apat na taon na pagkakakulong at bukod pa don ay tinanggihan niya rin ang pasiya ng mga konseho na pagpapakasal sa nag-iisang anak ng mga La Fuenta na si Venice, kaya muling dinagdagan ng apat na taon ang kanyang pagkakakulong."

Sunod-sunod ang pagsinghot ko dahil sa matinding pag-hikbi.

"Ginawa niya 'yon dahil sa ayaw niyang matali sa taong hindi naman niya mahal. Mas pipiliin niyang mapatawan ng parusa keysa matali sa iba. Gano'n katapat ang pagmamahal niya sa'yo anak, na handa siyang isuko ang lahat ng meron siya para lang sayo."

Kahit punasan ko ang mga luha ko ay patuloy pa rin ito sa pagbagsak, ayaw magpaawat.

"Sa araw-araw na pagbisita ko sa kanya sa Casa Karsero ay nasaksihan ko kung paano siya lumuha ng tahimik at paulit-ulit niyang sinasabe sa'kin na  nasaktan niya raw ang taong pinakamamahal niya, na nasaktan ka niya. Halos mawalan na rin siya ng pag-asa..

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon