Yesterday's Wound. (Ieri Ferita)
Ang sugat na dulot ng masalimuot na kahapon ay hindi agad-agad naghihilom, katulad ng marka ng sugat na mahirap burahin lalo na kung malalim ang naging sugat nito.
Sa tuwing nabibigo tayo ay nasasaktan din tayo. Nasasaktan dahil sa iba ang nangyari sa kung ano talaga ang inaasahan natin.
Sa pag-ibig, mas lamang ang sakit keysa sa saya. Mas marami ang luha keysa sa tuwa. Pero ang pag-ibig pa rin ang pinaka-magandang karanasan sa buhay ng isang tao.
Sa oras na nagmamahal tayo nagagawa natin ang mga bagay na akala natin ay hindi natin kaya, nagagawa nating maging mabuti at masama. Kaya nating gawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig. Kaya nating magtiis kahit masakit na. Ganiyan kalakas ang kapangyarihan ng pag-ibig na kayang baguhin ang kung sinuman.
Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaang lumandas ang mga luha ko. Patuloy lamang ako sa paghakbang kahit pa malalaki at malakas ang alon ng dagat. Basang-basa na ang kalahati ng katawan ko pero wala na akong pakialam. Natalo ako. Natalo ako nang matinding sakit dulot ng pag-ibig.
Kahit anong pilit ko na kalimutan ang lahat ay bigo pa rin ako. Mukang hindi yata tugma ang pag-ikot ng mundo sa kung ano ang kagustuhan ko.
Dahil gano'n naman talaga, hindi sa lahat ng oras ay papabor sa'yo ang mundo.
Habang lumalayo ako ay lumalalim naman dahil sa nasa leeg ko na ang maalat na tubig ng dagat. Dumada-gundong ang langit dahil sa malalakas na pagkulog na sinasabayan din ng malakas na hangin at tila galit na galit ang karagatan.
"Ayon siya!"
Huling narinig ko bago ko hayaan ang galit na dagat na lamunin ako.
"Kalimutan mo na ako dahil kakalimutan na rin kita.."
Simpleng salita lamang iyon galing sa lalaking pinakamamahal ko pero halos patayin na ako nito sa sobrang sakit! Sinusubukan kong kalimutan siya pero hindi ko magawa dahil sa tuwing pipikit ako at didilat, siya at siya lang ang nakikita ko.
"Ang mga mata mo ay dapat laging nakatuon sa mga bughaw kong mga mata.."
Malaking pagkakamali na sinanay ko ang sarili ko na siya at siya lang ang nakikita at hinanap ko. Dahil kahit libangin ko ang sarili ko ay siya pa rin lagi ang hinahanap ng mga mata ko.
Kinakapos na ako sa paghinga habang lumulubog pailalim sa mabangis na dagat. Paulit-ulit na tumatakbo sa utak ko ang mga nangyari sa'kin sa Casa Bel Palazzo at tila pinapatay ako nito! Pinapatay ng hindi magandang mga alaala.
"What's wrong with you?!"
Bulyaw sa'kin ni Dominique matapos ako nitong sagapin sa pagpapalunod ko sana sa dagat.
Basang-basa na ang sofa na inuupuan ko at hindi ko magawang tumingin sa mga pinsan ko lalo na sa aking ama na sobrang nag-aalala matapos kong tangkain na wakasan ang buhay ko.
"Paulit-ulit naming sinasabi sayo na nandito kami. You don't have to do that stupid things, Ysabella!"
Mariin naman na saad ni Frederick na napahilamos sa kanyang mukha.
"You are 2 months pregnant. Nakalimutan mo na ba?"
Mas lalo akong napayuko dahil sa sinabe ni Brixton na basa rin kagaya nina Dominique dahil sa naging pagsagip nila sa akin.
"Tama na. Intindihin na lang natin ang kondisyon ng pinsan niyo."
Mahinahon na pakiusap ni Marjorie sa mga pinsan ko. Malakas ang ulan sa labas dahil sa may bagyo ngayon.
BINABASA MO ANG
IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]
RomanceUlila at palaboy, 'yan ang naging buhay ni Bella bago mapunta sa pangangalaga ni Señor Freigo na dating Hari ng Roma Infinite Palace sa bansang Italya na ngayon ay tahimik na namumuhay sa kanyang maunlad na bayan ng Casa Bel Palazzo. Sa murang edad...