Chapter 36

3.3K 86 1
                                    

Takot. (Paura)

"Sigurado ka ba na si 'ano' nga ang tumawag sa'yo kagabi?"

Mahinang tanong sa'kin ni Marjorie habang nagluluto kami ng agahan dito sa kusina. Kilala ng aking ama at mga pinsan ko kung sino ang ama ng mga kambal ngunit hindi nila binabanggit ang pangalan nito dahil bukod sa ayaw kong marinig muli ang pangalan ng lalaking iyon ayaw ko ring malaman ng mga kambal.

"Anong sabi?"

Pahabol ni Marjorie bago pinatay ang kalan at ihain ang niluto niyang fried chicken para sa mga bata.

"Wala. Bukod sa 'hmmm' wala nang sinabi."

Pormal kong sagot habang nagsasalin ng malamig na tubig sa pitsel.

"Sa tingin mo, bakit kaya 'siya' tumawag? Hindi kaya alam niya na may mga anak kayo?"

Biglang lumundag sa kaba ang dibdib ko at halos mabitawan ko rin ang babasagin na pitsel. Iyan din ang laman ng isip ko kagabi matapos ang tawag na nangyari, pero imposibleng malaman ng lalaking iyon ang tungkol sa kambal.

"Wala siyang karapatan."

Seryosong sabi ko at humigpit ang hawak ko sa baso. Umiling si Marjorie habang naglalatag ito ng mga pinggan sa mesa.

"Anong gagawin mo ngayon?"

Nilingon ko si Marjorie na binabasa ang kilos ko. Sa lahat, si Marjorie lang ang napag-sasabihan ko pagdating sa lalaking iyon.

"Hindi ko alam."

"Kung ayaw mong mangyari ang kinatatakutan mo, ngayon palang kumilos ka na."

Makahulugang sambit ni Marjorie. Siya ang lagi kong hinihingan ng payo noon lalo na nung nagbubuntis ako kaya para naring nakakatandang kapatid na babae ang turing ko sa kanya.

"Sa tingin ko hindi naman na 'yon maghahabol sa kambal dahil kasal na ang lalaking iyon at magkakaroon pa ng anak sa babaeng pinili niya."

Ayaw kong magtunog mapakla sa dulo ngunit gano'n ang nangyari.

"Anak niya pa rin si Yael at Rome."

Paalala sa'kin ni Marjorie bago nito lagyan ng tinidor at kutsara ang bawat pinggan.

"At wala akong pakialam."

Matigas na saad ko na ikinailing at ikinabuntong hinga ng malalim ni Marjorie. Dismayado sa naging pahayag ko.

"Naiintindihan ko ang pinang-gagalingan mo dahil ina rin ako, pero mas naiintindihan ko ang nararamdaman ng mga pamangkin ko, ng kambal mo. Kung ang mga anak ko nga ay nangungulila kay Dominique sa tuwing hindi ito nakakauwi sa bahay dahil sa trabaho, ang kambal mo pa kaya na kahit pangalan ng ama nila ay hindi nila alam." Napayuko ako dahil sa sinabi ni Marjorie.

"Ayaw ko lang silang masaktan, Maj." Mahinang sambit ko.

"Pero nasasaktan ang mga anak mo sa nangyayari." Natahimik ako lalo.

"Masama ba akong ina?"

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Pakiramdam ko ay walang nakakaintindi sa mga ginagawa ko para sa kambal na parang lumalabas na makasarili ako.

"Look, I'm just saying here na gawin mo kung ano talaga ang magpapasaya sa mga anak mo."

"Kahit masaktan ako?" Aniya ko.

"Katulad nga ng sinabi ko kanina na ina rin ako at alam ko na kapag masaya ang mga anak ko masaya na rin ako, wala naman na ibang gusto ang isang ina para sa anak niya kundi ang maging masaya ito, hindi ba?"

IL Mio Dolce Amante (My Sweet Lover) [COMPLETED/UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon