IJHPA: 15

92 6 20
                                    

"S-salamat," aniko. "Pasensya na, muntik pa akong makasira," nahihiyang sabi ko sa kaniya matapos ko siyang pakatitigan nang mabuti kanina.

Ang kaniyang mga mata, pamilyar ito sa akin ngunit hindi ko alam kung saan ko iyon nakita.

Tinanggal niya ang kaniyang pagkakahawak sa aking pisngi at umupo nang maayos, tila ba'y natauhan sa kaniyang nagawa.

"It's okay, I'm sorry you got hurt," malumanay na sabi niya.

Tinanguan ko nalang siya kaya't nagsimula na siyang magmaneho. Hindi ko naman alam kung nasaan kami dahil ito ang unang beses kong makapunta rito.

Kapag minamalas ka nga naman, naabutan pa kami ng trapiko. Wala naman akong mapagtuonan ng pansin dahil nahihiya akong kausapin siya.

Huminga ako nang malalim bago naisipang kausapin siya. "Ahm, may gusto lang sana akong itanong," nahihiyang sambit ko habang nakatingin sa aking mga palad na siyang nilalaro ko.

"What is it?" tanong niya.

"P-paano ako napunta sa condo mo?" naiilang na tanong ko.

"I saw you outside the club," sagot niya. Ramdam kong nagaalangan pa siya at pawang may gusto pang idagdag sa sinabi niya.

Tinignan ko naman siya ngunit nang magtama ang mga paningin namin ay agad akong umiwas dito. "Ah, bakit 'di mo nalang ako ginising? Hindi naman sa nag-iinarte pa ako. Naging istorbo pa tuloy ako sa'yo," nahihiyang sabi ko.

Napangiti naman siya. "Really, wake you up?" aniya. "'Cause as far as I can remember, you're completely knocked down last night—though I'm pretty sure you're not drunk," sagot niya habang nakatingin sa itaas na tila ba nag-iisip pa ng sasabihin.

Napakamot naman ako sa ulo ko. "Ganoon ba?"

Tumango naman siya. "You don't have a phone or even a wallet with you, so I just did what I could," dagdag pa niya.

"Ah, pasensya na talaga ah? Babawi nalang ako sa'yo," nahihiyang saad ko.

Nakita ko namang tumaas ang sulok ng labi niya. Nakangisi siya sa 'di malamang dahilan at nagsimulang magmaneho nang umusad na ang trapiko.

"Really? What would you do?" nakangising tanong niya.

"Ah, kung anong puwedeng maitulong ko sa'yo?" alanganing tanong ko.

Tumango naman siya. "Let me think about it," aniya sabay ngisi.

Nang hindi ako magsalita ay sinulyapan niya ako at kinindatan. Nanlaki naman ang mga mata ko nang maramdaman ang pag-init ng aking pisngi.

'Ani ba itong nararamdaman ko?!'

"Ah, dito nalang," saad ko nang makarating kami sa kanto namin.

"Really?" kunot-noong tanong niya.

"Oo," aniko. "Marami kasing nakaparada sa loob tapos may mga bata pa na naglalaro, baka magasgasan pa 'tong kotse mo," malumanay na sagot ko.

Buti naman at kumalma na 'tong nagwawala kong puso.

Tumango lang siya nang marahan. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse nang maalalang hindi ako marunong noon. Mukha namang nakaramdam siya kaya't siya na mismo ang nagbukas nito.

"Salamat talaga," aniko. Ngitian ko siya bago ako tuluyang lumabas.

Nang magsara ang pinto ng kotse ay kumaway pa ako sa kaniya bilang pagpapaalam. Tinanaw ko ang sasakyan niya hanggang sa makalayo na ito.

Naglakad na ako papasok sa amin, mabuti nalang at hindi na ako nagpahatid sa kaniya hanggang dito. Napakaraming bata ang nagkalat, mga naghahabulan pa.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon