IJHPA: 3

206 27 40
                                    

Tahimik lamang ako habang nakikipaglaban ng tingin kay Bossing dito sa loob ng opisina niya.

Huminga naman siya nang malalim. "Sit down," aniya.

Napalunok naman ako. "Bakit po, boss?"

'Lord, kayo na pong bahala sa'kin ah?' napadasal na lamang ako sa aking isip.

Dalawa lang naman ang maaaring dahilan kung bakit niya ako pinatawag. Ang una ay matatanggalan ako ng trabaho at ang pangalawa naman ay ipapasok akong muli sa loob.

"Alam ba ng mga magulang mo na rito ka nagtatrabaho?" tanong niya.

Napailing naman ako. "Wala pong naka-aalam sa kanila."

"Sigurado ka?" aniya.

Tumango naman ako. "Opo," aniko. "Pwede ko po bang malaman kung bakit mo po tinatanong?" dagdag ko pa.

"Pasensiya ka na—"

"Naku! Bossing naman eh,  hindi ho ako pwedeng mawalan ng trabaho," mangiyak-ngiyak kong saad.

Tumingin naman siya sa akin ng may pagtataka. "Ano ka ba naman, Ela? Sino bang may sabing tatanggalan kita ng trabaho?" natatawang tanong niya.

"Eh bakit po ba kayo humihingi ng pasensiya?" nahihiyang aniko.

Bumuntong-hininga naman siya. "Ela, pwede ba akong humingi ng pabor?" tanong niya.

Sumilay na naman ang kaba sa aking dibdib. Hindi kaya, ito iyong pangalawa kong naiisip?

Umayos naman siya ng pagkakaupo. "Ang ibig kong sabihin, pwede ba kitang dalhin sa loob?"

Ang lugar na tinutukoy niya ay iyong bar na kung saan maraming mga galanteng kalalakihan na humahanap ng kani-kaniyang pang-aliw. Parte iyon ng club na ito ngunit pili lamang ang nakakapasok dahil illegal ang mga gawain doon.

Ito ang dahilan kung bakit hindi pwedeng malaman nila tita na rito ako nagtatrabaho. Baka ma-mali pa sila ng intindi at pag-isipan ako ng masama.

"Ulit?" aniko.

Ikalawang beses ko pa lamang makakapasok doon kung tutuusin. Nagkahawaan kasi noon ng bulutong ang ilang waitress doon at kinulang sila ng empleyado kaya naman ako ang pumalit sa kanila.

"Oo," aniya, "nakita mo ba 'yong mga kasama ko kanina?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Opo."

"Eh mga bagong dating lang iyong mga 'yon, mukhang bigtime eh.  Gusto ko lang sana matuwa sila sa unang gabi. Kaya nga may i-papakiusap sana ako sayo," aniya.

Napakunot naman ang noo ko. "Ano po iyon?"

Huminga siya nang malalim. "Pwede ka bang maging star of the night?"

'Pwede ka bang maging Star of the night?'

Tila ba paulit-ulit ko itong narinig dala ng pagkabigla at pangamba.

"Pasensiya ka na, ikaw na lang ang pag-asa ko. 'Wag kang mag-alala, akong bahala sayo."

Napayuko naman ako at bahagyang napailing. "Pero bossing, hindi naman ako gano'n. May dignidad ako, kahit na doble pa ng sweldo ko ang kikitain ko—"

"Triple," sabi niya kaya't napatingin naman ako sa kaniya. "Triple ng sahod mo ang makukuha mo kapag pumayag ka," dagdag niya pa.

Umiling lang ako kahit pa sa loob ko ay nagdadalawang isip na ako kung tatanggapin ko ba iyon.

Huminga siya nang malalim. "Please Ela, nakatakip naman 'yang mukha mo ng maskara kaya hindi ka nila makikilala—"

"Kahit na bossing, ayaw ko pa rin!" pagputol ko sa sasabihin niya.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon