IJHPA: 33

71 3 39
                                    

Hindi ko na mabilang kung ilang minuto na kaming babad sa ulan. Ang alam ko lang ay sumasabay sa bawat pagpatak ng ulan ang pagtibok ng aming mga puso. Kapwa mabilis ang mga ito na tila ba nakikipag-unahan pa sa isa't isa.

Walang talab ang lamig na dala ng ulan sa init ng mga yakap niya. Ito lang ang unang beses na naging kalmado ako sa gitna ng pag-ulan dahil siya ang kasama ko. Siya, ang yakap-yakap ko.

"I don't want to ruin the mood but I think we should go inside now," bulong niya.

Labag man sa kalooban ay nagawa ko pa ring kumalas mula sa pagyayakapan naming dalawa. Nanatili lamang ang aking mga titig sa kaniyang mga mata. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko bago unti-unting lumapit. Napapikit ako at napangiti nang maramdaman ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo.

Nginitian niya ako bago iginiya papasok sa loob. Nang bitawan niya ang kamay ko ay saka ko lamang naramdaman ang lamig ng klima. Agad niya akong inabutan ng tuwalya at binalot ito sa akin.

"I'll make some soup, you can take a bath for now," aniya.

"Teka lang," pagpigil ko sa kaniya mula sa paglalakad. "W-wala akong baon na damit," nahihiyang saad ko.

"Check the closet inside my room," nakangiting aniya sabay turo doon sa isang pintuan.

Tumango naman ako at nagpunta na roon. Binuksan ko ang ilaw nang makapasok ako. Napaawang naman ang aking bibig sa nakita. Simple lamang ang disenyo ng kaniyang kwarto ngunit elegante naman ang datingan.

Kulay puti ang kama at ang mga paa naman nito ay mga kahoy na maganda ang pagkaka-ukit. Kulay ginto naman ang pader at sahig. Lumapit ako sa isang cabinet at binuksan iyon. Kakaunti lamang ang laman nitong damit. Mayroong panlalaki at pambabae, mukhang kabibili lamang ng mga ito.

Kumuha ako ng isang pares ng damit at pati narin ng panloob. Lumabas na ako ng kwarto at naligo sa banyo. Binilisan ko lamang ang pagligo dahil kahit na mainit ang tubig na ginamit ko ay parang tumatagos pa rin sa aking buto ang lamig.

Isang pares pala ito ng pantulog na kulay itim. Isang pajama at isang de butones na pantaas, sakto lamang ang sukat nito sa akin. Pagkalabas ko ng banyo ay sumalubong agad sa akin ang nakatatakam na amoy.

Pumunta ako sa kusina at naabutan si Clay na nagluluto. Lumapit pa ako nang kaunti, dahilan para mapansin niya ang presensya ko.

Lumingon naman siya sa akin. "Malapit na 'tong maluto, maupo ka muna," nakangiting aniya at muling bumaling sa niluluto niya.

Naupo na ako sa kainan at ilang minuto lang ang lumipas ay lumabas na siya mula sa kusina. Nilapag niya sa mesa ang isang kaldero, dalawang mangkok at mga kutsara. Napangiti naman ako nang maamoy muli ang kaniyang niluto.

"I'll just take a shower," aniya.

Nagtaka naman ako dahil ilang segundo na ang lumipas ay nakatayo pa rin siya sa harapan ko. "Bakit, may problema ba?" tanong ko.

"Hindi ka sasama?" aniya sabay nguso.

Napakunot naman ang noo ko. "Hindi," saad ko. "Sige na, maligo ka na at baka magkasakit ka pa."

Bagsak ang balikat niya nang maglakad patungong banyo. Lumingon pa siya sa akin para sana magsalita ngunit hindi niya iyon tinuloy nang sinamaan ko siya ng tingin. Tinakpan kong muli ang kaldero para hindi lumamig ang sabaw habang naghihintay sa kaniya.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya ng banyo. Hindi naman ako mapakali kung saan titingin dahil sa ibabang bahagi niya lamang nakasaplot ang tuwalya. Sa taranta ay wala sa sarili kong nasubo iyong kutsara na nasa harapan ko.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon