IJHPA: 40

91 4 30
                                    

"Besh, ano? Tibay natin ah? 'Di ka talaga patitibag diyan sa pwesto mo?" natatawang sabi ni Ake.

I just shook my head. I am feeling a little dizzy and exhausted because I have been standing here for hours! I cannot help but feel excited and anxious at the same time. Hindi pa ako kumakain o 'di kaya'y nakakaupo simula noong dumating kami rito.

"Ako nga, panlimang balik ko na ro'n sa banyo eh. Napakainit! Bakit ba kasi nakalimutan kong magdala ng payong?" reklamo niya.

"Oh," sabi ko sabay abot sa kaniya ng payong. Mabuti naman at natahimik na siya.

Napalingon ako sa paligid, marami ring mga katulad ko na naghihintay sa kung ano ang magiging kapalaran namin pagkatapos ng araw na 'to.

Maraming nananalangin, may mga nag-iiyakan na at mayroon ding mga hindi na mapakali sa tagal ng paghihintay, 'di alintana ang matinding sikat ng araw na nakapapaso sa balat.

My heart started to beat faster as the LED screen lit up, revealing the list of those who fortunately passed the bar exams. Murmurs, tears of joy and muffled cries surrounded me but still, that did not stop me from focusing on the names that keeps flashing right in front of me.

"Letter 'R' na, besh," kinakabahang sabi ko. Hinawakan ni Ake ang aking kamay habang kapwa kaming hindi mapakali.

I may seem exaggerating but I am certain that my heart stopped beating the moment I saw my name on the screen…

'1114. Santos, Pumela.'

Tears started rolling down on my cheeks like there is no tomorrow. I did not even mind the media when they kept on filming me while I was crying. I just hugged my bestfriend, tighter than ever.

"Pumasa ka, besh!" aniya habang tumatalon pa. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinunsan ang mga luha niya. "Magiging ganap na abogado ka na, I'm so proud!"

Sunod-sunod lamang akong tumango, hindi ako makapagsalita dahil sa halo-halong emosiyon na nararamdaman ko.

Hindi ako makapaniwala sa nangyari, magiging ganap na abogado na 'ko!

Everything just felt so surreal, like I was just dreaming about becoming one years ago, but now, I am about live it!

All of my hard work and sacrifices finally paid off. For years of waiting for this day… I must say that it was all worth it.

Tumingala ako sa langit at pumikit. "Mama, magiging abogado na po ako," aniko sabay ngiti.

"Opo nga po, Tita!" pagsang-ayon ni Ake. "This calls for a celebration!" aniya habang tumatalon pa.

Kumain muna kami ng tanghalian bago niya ako hinatid sa condo na tinutuluyan ko, nagpasalamat naman ako sa kaniya.

Ilang beses niya pa akong kinulit na mamayang gabi na raw kami agad magdiwang sa pagpasa ko. Ang sabi ko naman ay hihintayin ko muna ang seremonya kung saan ako manunumpa upang maging ganap na abogado na. Pumayag naman siya at nangakong siya na raw bahala kung saan at libre niya raw lahat.

Nang makapasok ako sa unit ko ay tinawagan ko agad si tita. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya nasagot ang tawag.

[Hewow?] ani ng isang bata.

My lips automatically formed a smile the moment I heard his cute voice.

"Hi, baby!" masiglang bati ko.

[Mama?] tanong niya pa.

Natawa naman ako. "Ikaw talaga, bakit hawak mo na naman ang cellphone ng lola mo?" tanong ko.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon