IJHPA: 18

80 5 25
                                    

"'Teka nga, ipapasok mo na ba?" kinakabahang tanong ko kay Clay.

"Wait, I can't find it," aniya habang nangangapa.

Napangiwi naman ako. "Tsk! Edi hanapin mo 'yong butas! Jusko naman, nangangalay na ako rito," reklamo ko sa kaniya.

"Can we switch places?" kunot noong tanong niya. Batid kong naiinis na siya sa ginagawa niya.

"Sige, ako na nga riyan," pagpayag ko sabay dahan-dahang tumayo. Ako naman ang gumawa noong ginagawa niya kanina.

"You should hear it click," aniya habang buhat ang tv.

"Oo na," aniko. "Sino ba naman kasing tanga ang mapapatid sa wire ng tv niya?" mahinang bulong ko sa sarili.

"I heard you," nakangiwing sabi niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat. Hindi ko inasahang narinig niya pala iyon.

Halos tawagin ko na ang lahat ng santo sa tuwa nang marinig ko ang pagtunog ng wire, hudyat na naikama ko na ito sa saksakan sa likod ng tv.

Ewan ko ba kung papaanong napatid siya roon. Basta ang naaalala ko ay nakaluhod ako habang winawalis ang ilalim ng sofa niya, hindi ko kase ito magawang buhatin dahil sa bigat.
Nang maipit ang walis sa ilalim ay napatuwad ako para lang mahugot iyon. Nang mahugot ko ito ay nakarinig ko siyang napamura.

Lumingon ako at nakita siyang natataranta na hindi malaman kung saan titingin. Pawisan ang noo at namumula pa ang kaniya mga tenga.
Napailing nalang ako noong malamang napatid pala siya sa saksakan ng tv niya, 'di kasi tumitingin sa nilalakaran.

"Oh ayan, jusko! Halos bente minutos yata tayong naka-squat dito," reklamo ko nang hindi madama ang mga binti dahil sa pamamanhid.

"Thanks," aniya sabay lakad patungong kusina.

Nang makabalik siya ay inabutan niya ako ng isang basong puno ng tubig.

"Salamat," saad ko. Nilagok ko na ang tubig, sa uhaw ay nagawa ko iyong ubusin. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya.

"You must be hungry. Don't worry, I ordered food already," natatawang aniya.

"Ha? Eh naku, salamat nalang pero baka gabihin na ako lalo ng uwi eh," pagtanggi ko sa kaniya.

Kahit pa nagugutom ako ay ayaw ko namang umuwi ng hating gabi lalo na't tinotoyo parin si tita dahil hindi parin umuuwi si tito.

Bihira namang makita sa bahay si Kuya Leo kaya't ako ang napagdidiskitahan ng nanay niya at ni lola. Sa totoo lang ay mas gusto ko nalang manatili rito dahil wala naman talaga akong gagawin sa bahay.

Napangiwi naman siya. "You didn't read everything in the contract, did you?"

"Hindi eh," nahihiyang sabi ko habang nakayuko.

"It was stated there that, 'every business day, the boss should provide his assistant's necessities including food and transportation,'" aniya. "Understood?" tanong niya pa.

Napaangat naman ako ng tingin sa kaniya. "Eh bakit parang ako pa yata ang boss kung gano'n? Pinapasahod mo naman na ako. May pangkain na ako at pamasahe. Nakakahiya naman, ikaw na nga ang boss ko tapos ikaw pa ang naghahatid sundo sa akin," naguguluhang sambit ko.

Narinig ko naman siyang tumawa nang mahina. Pero ang tawa na iyon ay parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Just let me do this while I'm enjoying it," makahulugan niyang sambit bago nagtungo sa pintuan ng unit niya.

Nandito na naman kasi ako sa unit niya dahil Biyernes ngayon. Pinaglinis niya ako ulit kanina at katulad noong kahapon ay marumi na naman ang lutuan niya.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon