IJHPA: 30

79 4 20
                                    

Ikatlong araw na ng Setyembre at naririto kami ngayon ni Clay sa tapat ng gusali kung saan siya nagtatrabaho.

"Dito na ako magtatrabaho?" tanong ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na makatutuntong ako sa isang kilalang kompanya sa loob at labas ng bansa.

Locsin's Hotel and Resort Corporation, ang kompanya nila ay isa sa mga may magagarang resort na naitayo sa mga lugar na dinarayo ng turista.

Tumango lang siya. "Eh 'teka, kaninong kompanya ba 'to?" pang-uusiyoso kong tanong.

"My Mom's family," tipid niyang sagot.
Iginiya niya ako papuntang elevator. Pansin ko namang pinagtitinginan ako ng mga tao rito. Dahil kaya sa suot ko?

Nakapampormal akong damit, iyon bang pang opisina. Ganoon din naman ang mga suot nila, siguro ay tinitignan lang nila ako dahil sa kasama ko.

Nang makarating kami sa ikalimang palapag ay naroon pa rin ang tinginan ng mga tao. Hindi naman lingid sa kalaaman ko na agaw pansin si Clay kaya naman hinayaan ko nalang ang mga ito.

"Girlfriend ba siya ni Sir Clay?" ani ng isang babae.

"Hindi ko alam, siguro naman alalay niya lang," sagot noong isa.

Narinig ko ang pagbubulungan ng iba pang mga empleyado habang naglalakad kami patungo sa isang silid.

"Human Resources?" basa ko sa nakapaskil sa pinto.

"Yes, they will just conduct some interview. Did you bring your résumé?" tanong niya.

Tumango naman ako. Nginitian niya ako bago kumatok. Pinapasok kami ng isang babaeng empleyado. Napag-usapan kasi namin ni Clay na ayaw kong magtrabaho nang hindi dumadaan sa tamang proseso. Mabuti nalang at pumayag siya.

"Good morning, Mr. Clay! What brings you here?" nakangiting aniya.

Napakunot naman ang noo ko dahil sa tono ng pananalita niya ay mahahalatang may gusto siya kay Clay.

Pinakilala naman ako ni Clay, sinabi sa akin noong babae na pagkatapos niya akong kausapin ay ang boss naman daw nila ang kakausap sa akin. Umalis muna si Clay dahil may aasikasuhin daw siya at nagbilin na sundin ko na lamang ang sasabihin ng empleyado.

"Good luck to your first day at work. You may leave now and talk to the vice president of this company for further details regarding with your job," nakangiting saad ng babae nang matapos ang aking interview.

"Ah, pwede ko po bang itanong kung sino 'yong vice president ninyo?" tanong ko.

"Just proceed to the top floor, the room is the one on the left side," aniya.

Nagpasalamat naman ako at umalis na. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang pinakataas na palapag. Habang umaakyat ay lalo akong kinakabahan. Sana lang ay hindi masungit ang vice president ng kompanyang ito.

Nang makarating ay napaawang ang bibig ko sa pagkamangha. Maaliwalas ang paligid at napakalinis nito. Wala namang katao-tao kaya't payapa rito. Mayroong malaking sofa sa gitna at chandelier sa kisame. Itim at puti naman ang pintura ng haligi.

Tatlo lang ang pintong narito, sa gitna, kaliwa at kanan. Sa pagkakatanda ko ay sa kaliwa ang opisina ng taong kakausapin ko. Kumatok naman ako at nagulat nang pagbuksan ako ng pinto ni Clay.

"What took you so long? The vice president is waiting for you," kunot-noo niyang saad.

"Pasensya na," paghingi ko ng paumanhin.

"Take a seat," aniya. Naglakad naman siya patungo sa mesang nasa gitna.

Malaki ang kwarto at mayroon ding sariling sofa. Kulay asul at itim naman ang tema nito.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon