IJHPA: 27

81 6 23
                                    

"Pwede bang magpahinga muna tayo? Medyo nahilo ako roon sa huling sinakyan natin eh," pakikiusap ko.

Napakunot naman ang noo niya. "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

"Oo, medyo nahilo lang. Doon kaya tayo sa horror house, mayroon ba sila rito no'n?" tanong ko.

"Yeah, it's inside. Let's go," iginiya niya naman ako papasok.

Mukhang tama nga ang pagyayaya ko rito dahil biglang bumuhos ang ulan. Pinahinto na rin muna ang mga rides na nasa labas ng gusali para sa kaligtasan ng mga tao.

Nakapasok na kami rito sa Gabi ng Lagim. Mas madilim rito kumpara doom sa Time Tunnel. May mga pekeng puntod, mga pigura ng multo at engkanto. Mayroon ding mumunting liwanag na nagsisilbing gabay namin sa paglalakad.

"Ay put— aray!" daing ko nang hindi sinasadyang masuntok iyong dekorasyong multo.

"It's bleeding a little," nag-aalalang saad ni Clay nang tapatan niya ng flashlight na galing sa cellphone niya ang kamay ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko at hinimas ang paligid noong sugat. Nanlaki naman ang mga mata ko nang halikan niya iyon.

Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit pinagsiklop niya ang mga daliri namin. Hindi ako mapakali sa nadarama, imbes na masaktan ako ay nangibabaw pa ang saya sa akin.

"I'll hold your hand. I'm afraid you'd punch something else or worse, someone," natatawang aniya.

"Nagulat lang ako," pagdedepensa ko sa sarili.

"Mabilis ka bang tumakbo?" tanong niya.

Napakunot naman ang noo ko. Hindi niya na ako hinintay pang makasagot at sa halip ay hinila ako habang tumatakbo. Nakalabas kami nang mabilis dahil sa kakatakbo. Bumitaw naman ako sa kaniya at natawa ako sa nangyari.

"Why are you laughing?" kunot noong tanong niya.

"Saan ka ba naman nakakita ng tumatakbo sa loob ng horror house?" natatawang sagot ko.

Natawa na rin siya habang umiiling. "I think you broke it so we had to run before anyone else sees us," pagtukoy niya sa dekorasyong sinuntok ko. "Nice punch by the way," aniya sabay lahad ng palad, kinamayan ko naman iyon.

Babawiin ko na sana ito nang hindi niya pakalawan, muli niyang pinagsiklop ang aming mga daliri. Siguro ay mukha na akong kamatis, alam kong pinamumulahan ako ng pisngi dahil sa kakaibang nadarama.

"It's late already, let's eat," aniya bago naglakad. Magaan lang ang pagkakahawak niya sa aking kamay, damang-dama ko ang lambot ng kaniyang palad.

Nakarating kami sa paradahan nang magkahawak parin ang aming kamay. Bumitaw lamang ako noong sumakay sa kotse niya ngunit muli niya itong pinagsiklop bago magmaneho.

Hindi pa rin pala tumitila ang ulan. Kung dati ay sumasabay ang ulan sa kalungkutan ko, ngayon naman ang pagpuno ng tubig sa kalsada ay sumasabay sa nag-uumpaw na sayang nararamdaman ko.

Pumarada siya sa sa parking lot ng isang mall. Muli niyang hinawakan ang aking kamay habang naglalakad kami papasok. Niyaya niya akong kumain ng hapunan sa isang restaurant.

"Did you enjoy our date?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Tumango naman ako habang nakangiti. "Oo naman, unang beses ko pa lang makapunta sa gano'n. Ang saya pala 'no?" tugon ko. "Sayang nga lang at umulan na nang tuluyan, hindi na tuloy tayo nakasakay sa ibang rides," nanghihinayang na saad ko.

"You can ride me if you want," aniya habang nakangisi.

Napaisip naman ako. "Bakit naman kita sasakyan? Rides ka ba—" Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtano ang ibig sabihin niya. "Bastos ka, ano ba? Kumakain tayo!" mahinang saad ko ngunit naroon parin ang pagkainis.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon