Unknown
[Boss, wala rito 'yong magpinsan.] sabi ng tauhan ko sa kabilang linya.
"Nasaan sila? Huwag mo sasabihing hindi mo na naman nasundan?" nagtitimping tanong ko.
[Nakita namin silang umalis at nakamotor, pinasundan ko na sila. Naghihintay nalang ako ng tawag kung nasaan ang mga iyon.]
"Eh bakit hindi niyo nalang pasukin ang bahay? Wala naman sila," kunot noong aniko.
[May gising boss eh, baka mahirapan kami maghalughog.] nag-aalangang sagot niya.
"Sino?"
[Ang padre de pamilya boss, nasa labas ng pintuan at hinihintay yata ang mga bata.]
Kung alam lang nila kung gaano nangangati ang kamay ko para lang kantiin sila isa-isa.
"Umalis na kayo riyan, mahirap hanapin ang nagtatago. May iba nalang akong ipagagawa sa inyo," utos ko sa kanila.
'Susubukan natin kung hanggang saan ka, Pumela.'
-------------------
PumelaNagising ako sa nakatatakam na amoy ng sinangag at piritong isda. Nagulat pa ako nang makitang wala ako sa aking kuwarto ngunit kumalma na rin kalunan nang makabalik ako sa ulirat. Narito nga pala ako sa bahay ni Jep.
Nagtungo ako sa baba at nakita ko si Jep sa kusina habang nagluluto ng agahan. Napalingon naman ako sa pintuan nang makita ang pinsan ko na kapapasok lamang-bibit ang isang plastik.
Ano naman kayang laman noon?
"Oh, gising na pala ang mahal na prinsesa. Kumain ka na," malambing na sabi ni Jep.
Sa totoo lang, mas malambing pa siya kaysa sa pinsan ko. Pwede na talaga siyang maging kuya ko.
Paampon nalang kaya ako?
"Bilisan mo ang kilos Ela, may pupuntahan tayo," pagsingit ng pinsan ko sa usapan.
"Eh, Lunes ngayon 'diba? Bantay ako sa palengke," aniko.
"Pinagpaalam na kita kay mama, sasama ka sa akin ngayon," aniya.
"Alam ba nilang dito tayo natulog?" tanong ko.
"Oo. bilisan mo na ang kilos, nagagahol na tayo sa oras," pagmamadali niya sa akin.
Napakunot naman ang noo ko. "Bakit ba nagmamadali ka?!"
"Ang bagal mo kase, bilis!" reklamo niya.
"Ito na nga eh," pagmamadali ko sa pagbaba ng hagdanan dahil inambahan niya ako ng kutsilyo na galing sa kusina.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta, sasakyan ni Jep ang gagamitin natin," tinatamad niyang sagot.
Napatingin naman ako kay Jep. "Kasama ka?" tanong ko.
Tumango naman siya at saka naglakad papalapit sa mesa para maghain. Kumalam naman ang sikmura ko dahil sa amoy ng niluto niya. Ngayon nalang ulit kasi ako makakakain ng lutong bahay.
"Magpakabusog ka, mahaba-haba ang oras ng training mo," bilin ni Kuya Leo.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "Training? Akala ko ba ayaw ninyo?"
"Kaya nga iba ang maghahasa sayo," sagot naman niya.
"Hala! Eh hindi ko naman kilala 'yon. Kilala ba ako no'n?" nangangamba kong tanong.
BINABASA MO ANG
I'm Just His P.A.
ChickLitA story of a woman who only wished to live peacefully without being haunted by her past. But with every step she takes, her life becomes more dangerous. Will she be able to save herself? Or Will she choose the right thing to do even if it will put...