IJHPA: 19

94 7 19
                                    

Warning: mention of death.


"Bilisan mo nga riyan, napakakupad kumilos!" reklamo ni lola.

"Opo, lola." tipid na sagot ko.

Pinagpatuloy ko na lamang ang paglilinis. Katatapos ko lang magwalis at magbasahan. Ngayon naman ay tinatanggal ko ang mga punda ng unan at kobre kama dahil lalabhan ko ang mga ito.

"Hay naku! Napakakupad sa gawaing bahay, parang hindi babae!" sigaw niya pa bago pumanik sa hagdanan.

"Napakakupad kumilos, nyenyenye," panggagaya ko sa kaniya.

Kanina pa nga ako hirap na hirap magtanggal ng mga alikabok dito tapos siya— tamang upo lang habang pinapanood ako. Hindi naman sa gusto kong patulungin si lola, matanda narin kasi siya pero sana naman ay hindi na siya nagrereklamo pa.

Ilang sandali lang ang lumipas nang marinig kong muli ang tinig niya. Kasunod naman noon ang ingay ng mga yabag na bumababa sa hagdanan.

"Wala ka bang pera?" taas kilay na tanong niya.

Napailing naman ako. "Wala pa po, 'la," nakatungong sagot ko.

Narinig ko naman ang pagsingal niya. "Jusmiyo naman, Ela! Ano? Wala ka na bang balak tumulong dito? Nakikitira ka na nga lang sa puder ko, nagpapabigat ka pa?! Ano, gumagaya ka na naman sa nanay mo?" sigaw niya.

Napakuyom naman ang kamao ko nang masali na naman ang nanay ko sa usapan.

"Ano? Hindi ka sasagot? Aba punyeta, kinakausap kita! Tinutularan mo talaga 'yong nanay mo? Gusto mong magaya sa kaniya? Ha? Ganoon ba?" pagpalatuloy niya.

Sa pagkakatong ito ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tinitigan ko siya at pilit na nilalabanan ang matatalim niyang tingin. "Wala hong kinalaman ang nanay ko rito. 'Wag niyo na ho siya idamay," pigil ang inis na sambit ko.

"Aba, tumatapang ka yata kapag ako ang kausap mo ano?! Tandaan mo, nakikitira ka lang dito. Huwag mo 'kong masagot-sagot!" asik niya.

Ang gulo niya naman kausap. Kanina lang, gusto niya akong sumagot tapos ngayon nagagalit siya sa kasi sumagot ako.

Umismid naman siya. "Sabagay, saan ka pa nga ba magmamana kung hindi sa nanay mo! Porket nag-aaral, akala mo sino kung umasta. Napakataas ng lipad, eh 'di ayun, anong napala sa pagsama kung kani-kanino? Nadisgraysa!" sarkastikong aniya.

"Mawalang galang na ho lola, 'wag niyo na ho idamay ang nanay ko rito. Nananahimik na 'yong tao," sambit ko. Nagtitimpi nalang ako na huwag sumigaw dahil alam kong mapapalayas ako rito.

"Eh bakit? Hindi mo parin ba matanggap? Hindi ba't ikaw ang dahilan kaya nananahimik na siya? Namatay ang nanay mo dahil sa kagagahan mo! Dahil sa'yo, namatay ang anak ko!" nanggalaiting sigaw sa akin.

Nilabanan ko ang mga nag-aalab niyang tingin. Hindi ko na kaya, masasagot ko na siya.

"Opo, hindi ko ho matanggap! Nang dahil sa'kin, nawala ang nanay ko! Sa tingin niyo ho ba, hindi ko pinagsisisihan iyon? Sa tingin niyo ho ba, hindi ko iyon iniisip sa araw-araw na ginawa ng Diyos?" asik ko. Nanginginig ang aking boses sa pagpipigil ng mga likidong gusto nang lumabas sa aking mga mata.

Nabigla naman siya. Kahit ako ay hindi inaasahan na masabi ang mga iyon. Dala na rin siguro ng galit at pagod sa maghapong paglilinis.

Mas lalo namang tumapang ang kaniyang pagtingin. "Kung hindi lamang siya sumama sa tarantadong asawa ko, buhay pa sana siya. Hindi ka na sana nabuo! Buhay pa sana ang anak ko!" sigaw niya, nangingilid narin ang mga luha sa kaniyang mga mata.

"Tama na ho," mahinang saad ko.

Napangiti naman siya nang mapait. "Kung nakinig lang siya sa akin na huwag sumama sa kung sinong lalaki, eh 'di hindi na sana siya naging disgrasyada! Parehong-pareho kayo ng inaasta, akala niniyo ay alam niyo na ang lahat. Maniwala ka sa akin, magiging katulad ka rin niya!" pagpapatuloy niya. Binunggo niya pa ako bago siya lumabas ng bahay.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon