IJHPA: 4

178 24 32
                                    

Dalawang araw...

Dalawang araw na ang lumipas matapos noong gabing i-nilantad ko ang aking katawan sa harap ng mga kalalakihan.

Dalawang araw na ang lumipas simula noong gabing inakala ko'y katapusan ko na.

Dalawang araw na ang lumipas matapos ang kasindak-sindak na insidenteng iyon.

Hanggang ngayon, nananatili pa ring sariwa sa aking isipan ang mga nangyari...



Napako lamang ang paningin ko sa tatlong kalalakihan na tutok na tutok sa akin.

Nagsimula na akong humakbang at agad na dumagundong ang musika kasabay ang mga pagsipol at paghiyaw ng ilan sa mga taong nandito.

May pole sa kalagitnaan ng entablado, hinawakan ko iyon gamit ang dalawa kong kamay at nagsimulang umindak. Sinasabay ko sa musika ang bawat pagbaba at pagtaas ng aking katawan.
Mabuti na lamang at marunong akong sumayaw dahil minsan na akong nasali at lumaban sa kompetisiyon sa pagsasayaw. Inaalala ko lamang ang mga steps na siya naman sinasayaw ko ngayon.

Kembot dito, kembot doon, pabaling-baling ang aking katawan habang mapusok na sinasayawan ang mga kalalakihang nasa harap ko na animo'y uhaw na uhaw sa tubig at ako ang lang makapagpapawid noon.

Ramdam ko ang malalagkit na pagtingin sa akin habang patuloy lamang ako sa pag-indak. Natigilan naman ako nang biglang humawak sa aking braso.

Siya iyong ingleserong lalaki na nasa computer shop kanina!

Nanlaki ang mga mata ko at hindi malaman ang gagawin habang pilit kong hinihila ang aking braso mula sa pagkakahawak niya.

Inawat naman siya ng mga bouncer at inalalayan paalis habang ang kaniyang tingin ay nakapako pa rin sa akin.

Napaisip naman ako.

'Namukhaan niya kaya ako?'

Napakalaki ng maskarang suot ko. Mata at labi ko lamang ang kita sa akin dahil ganoon ang disenyo nito.

Tumuloy ako sa pagsasayaw at sa pagkakataong ito ay mas naging mapusok, mas mapang-akit at mas magiling ang ginawa kong pag-indak.

Tuloy parin ang musika at ang pagsasayaw ko nang pumanik na rito sa entablado ang emcee. Alam ko na ang mga ganitong tagpo...bidding na.

Bumilis ang pagtibok ng aking puso habang pinapaliwanag ng emcee ang mga gagawin. Bagaman pang-ilang beses na ng iba ay lamang parin ang mga baguhan dito na costumers, kasama na ang tatlong kakalakihang iyon.

Ano naman kaya ang ginagawa nila rito?

Mukha namang halos magkaedaran lamang kami at hindi sila kamukha ng ilang matatandang kalalakihan na nandito.

"And the bidding starts now," ani noong emcee.

"Five thousand for that lady!" mabilis na sigaw ng isang tinig.

"Five thousand? Naku, sa ganda nitong alaga namin, hindi sapat yan," pagbibiro ng emcee.

Nakitawa naman ang ilan sa mga narito.

"Ten thousand," sabi naman noong isa.
"Twenty Thousand," ani pa ng isang lalaki.

"Twenty thousand? That's a no-no sir," mapang-asar na sabi ng emcee.

Batid kong hinihintay niya lang na lumaki ang bid para sulit ang kikitain namin ngayong gabi.

"Thirty thousand," sabi noong isang lalaki sabay ngisi sa huling nagbid na katabi niya lamang.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon