IJHPA: 43

103 5 23
                                    

Warning: mention of death


I shook my head in disappointment after reading a news article online. I knew he would get the most respected defense lawyer of all time. Gaano kaya kalaki ang binayad niya roon para maipanalo ang kaso?

Napakabilis ng panahon, isang taon na ang lumipas simula noong umalis si Dominic sa pwesto niya bilang ikalawang pangulo. Nakakainis mang isipin na nakatakas ang hayop na 'yon sa kasong sinampa ni Clay.

Nawala kasi ang mismong dokumento na ipapakita ni Clay bilang ebidensya kaya't natalo sila ng kampo ni Dominic. They did a DNA test and their results matched, but I won't stop doing what I have to. Nagdududa ako sa resulta ng DNA test. kung nagawa niyang i-peke ang birth certificate, iyon pa kaya? Lalo na at alam kong marami siyang koneksiyon kahit saan siya magpunta.

Isang taon na rin ang nakalipas simula noong maging buo ang isip ko na mag-apply bilang private criminal prosecutor sa isang kilalang law firm dito sa bansa. Nagkaroon ako ng karagdagang karanasan sa propesyong iyon nang humawak ako ng ilang kaso noon. Inalam ko rin ang 'basics' para mapanalo ang kaso sa tapat na paraan.

Isang taon na rin ang lumipas 'mula noong huli naming pagkikita ni Clay. Napahinto naman ako sa pag-iisip nang lumabas si tita mula sa kwartong tinutuluyan namin. Naririto kami ngayon sa Palawan.

"Handa ka na ba, Ela? Delikado na kumalaban ng mga taong katulad niya,"  nag-aalangang aniya.

"Handang-handa na ho ako, tita. 'Wag ka po mag-alala, gagawin ko ang lahat para lang mapatumba siya," aniko.

Marami pa siyang sinabi sa akin bago siya nagpasiyang magpahinga muli. Nagbilin pa siya sa akin na mag-iingat ako nang mabuti dahil delikado ang buhay ko ngayon simula nang mapagdesisyunan ni tita na magsampa ng kaso laban kay Dominic tungkol sa ginawa niyang pagpatay kay mama.

Sa awa ng Diyos ay hindi iyon binasura ng korte kahit pa mahigit dalawang dekada na ang nakalilipas noong mangyari ang nasabing pagpatay. Kaya naman ito at naging abala ako sa paghahanap ng mga karagdagang ebidensiya na magiging sanhi ng pagkasira ng pangalan niya.

During preliminary investigation, the affidavits provided have resulted to a probable cause. The investigating officers issued a subpoena to those names listed as witnesses. The judge then, ordered me together with the prosecution counsel to present additional evidences.

Naisipan ko namang matulog nang maaga ngayong gabi para makapunta agad bukas sa ospital dito sa Cuyo kung saan ko huling nakita ang bangkay ni Mama.

Hanggang ngayon ay narito pa rin ang sakit dahil hindi ko man lang alam kung saan siya nilibing o 'di kaya'y baka na-cremate na siya. Wala kaming sapat na pera noon para mailabas sa hospital si Mama noong sinundo ako nila tita kaya't wala kaming ibang nagwa kung hindi ang iwan siya roon.

Nagising ako kinabukasan at mabilis na nag-ayos para sa aking pag-alis. Naging ligtas ang biyahe ko hanggang sa makarating sa ospital sa Cuyo.

Nagpakita ako ng ID ko sa isang nurse at ang permisyon ko mula sa korte na mag-imbestiga kaya naman pumayag siyang kuhanin ko ang record ni Mama rito. Nang makuha ko ito ay agad ko 'tong binasa. Tama naman ang mga nakalagay ngunit biglang tumalim ang titig ko nang may mabasang kakaiba.

'Cause of death: Cardiac Arrest'

"Excuse me," tawag ko roon sa nurse.

"Yes, Attorney?" aniya.

"Wala na ba kayong ibang copy nito?" aniko. Tinaas ang folder na hawak ko. "Parang may mali kasi sa nakasulat. Hindi atake sa puso ang kinamatay ng nanay ko."

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon