IJHPA: 25

78 5 16
                                    

Dalawang linggo na ang lumipas pero wala parin kaming balita kay tito. Paulit-ulit nalang ang nangyayari sa akin nitong mga nakaraang araw.

Papasok sa umaga at magtatrabaho naman sa unit ni Clay pagkatapos ng klase. Magkukuwento kay Ake ng mga pangyayari hanggang sa makatulog na kami.

Sa dalawang linggo na iyon ay hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kaniya. Kapag malungkot ako bago magtrabaho ay tiyak na uuwi akong may ngiti sa aking labi. Siya lang ang nakapagpaparamdan sa akin ng gano'n.

Narito ako ngayon sa unit niya, katatapos ko lamang maglinis. Pansin kong hindi na ganoon kakalat ang unit niya nitong mga nakaraang araw kaya't kakaunti na lamang ang trabaho ko.

"Keep messing up things, Tokyo," aniya.

Nanonood kami ulit noong La Casa de Papel. Iyong babaeng nagkukwento ay sumablay na naman sa plano na mayroon sila. Kanina pa naiinis 'tong kasama ko dahil do'n.

Tumunog naman ang doorbell kaya't tumayo na siya. "That's our food," aniya. Hininto niya muna ang pinapanood namin.

Pumunta na ako sa lamesa upang mag-ayos ng mga plato at kubyertos na gagamitin namin. Napakunot naman ang noo ko dahil natagalan siya sa pintuan.

Naglakad naman ako papunta roon at nadatnan siyang tulala. Sinundan ko ang kaniyang tinitignan at nanlaki ang aking mga mata sa nakita.

"Good evening, son," ani ng baritonong boses nito. Matalas ang kaniyang paningin na tila ba'y sinasaktan ka niya sa kaniyang isipan.
"D-dad," kandautal na sambit ni Clay.

Lalo namang nanlaki ang mga mata ko nang bumaling ito sa akin. Napaawang ang kaniyang mga labi, bakas sa kaniyang hitsura na hindi inaasahan ang ibang presensya rito sa unit ng anak niya.

"Ela," sambit niya. Naningkit pa ang kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya naman yumuko nalang ako. Napakunot ang aking noo sa naisip. Bakit niya alam ang pangalan ko?

"Can I come in?" dagdag pa niya.

Nag-angat ako ng tingin kay Clay at mukhang hanggang ngayon ay gulat parin siya sa pangyayari. Tumango siya at nagbigay daan sa kaniyang ama, tumabi na rin ako sa gilid. May kasama itong dalawang guwardya na nakasunod lamang sa kaniya.

Naupo siya sa hapag-kainan, pinagsiklop ang mga palad at ipinatong ito sa mesa. "Join me," aniya.

Nilingon pa ako ni Clay ng may pag-aalangan sa kaniyang mukha. Sa huli ay sinama niya na rin ako sa paglapit. Naupo kami sa tapat ng kaniyang ama.

"I didn't know my son has a girlfriend. You should have told me," sabi niya. Nagawa niya pang ngumisi habang nakatingin kay Clay.

"What are you doing here, Dad?" kunot noong tanong ni Clay.

"A little bird told me that you're planning to leave our nest," makahulugang tugon nito. Hindi siya lumilingon sa akin kaya naman nagawa ko siyang pagmasdan.

Ang mga mata niya ay malalim, itim ang mga ito. Makakapal ang kaniyang kilay, ang buhok niya naman ay malinis ang pagkakaayos, matingkad naman ang kulay nito. Matangos rin ang kaniyang ilong.

"I was never a part of your nest," matigas na sagot ni Clay. Mukhang hindi na siya natatakot ngayon.

"Clever," nakangising tugon ng lalaki.
"You know that I will do everything I can. Do not lose your sanity," ma-awtoridad nitong saad bago tumayo. Lumingon pa siya sa akin at nginitian ako.

Alam kong peke iyon, hindi naman nakatakas sa akin ang pagrehistro ng galit sa kaniyang mga mata habang pinagmamasdan ako. Tuluyan na siyang nakaalis samantalang kami ng kasama ko ay tulala parin.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon