IJHPA: 6

202 19 25
                                    

Tulala pa rin ako sa dalawang taong nasa harapan ko ngayon.

"Oy, kinabahan siya," pang-aasar ni Kuya Jep.

"Humihina ka na Ela, baka gusto mong turuan ulit kita?" gatong pa ni Kuya Leo.

'Tingnan mo nga naman, lakas mang-trip!'

Pareho na silang kapwa na-uubusan ng hininga dahil sa katatawa.

"Pasalamat kayo at wala akong gana ngayon," aniko. Pumaling naman ako sa pinsan ko. "Kung hindi, madadagdagan 'yang pasa mo sa mukha."

"Makabanta ka ah, pinagbigyan ka lang din namin. Tama si Leo, humihina ka na," saad ni Kuya Jep.

"Eh kung batukan ko kaya kayo? Alam niyo bang late na'ko sa trabaho?" naiinis kong saad.

"Trabaho?" nagtataka niyang tanong.

"Anong trabaho?" pagsingit ni Kuya Leo.

Natigilan naman ako para makapag-isip kung paano ko malulusutan ito.

Sasabihin ko na ba o hindi?

Hindi naman siguro masama kung malaman nilang doon ako nagtatrabaho, bartender lang naman ako eh.

"Ah...eh...ih...oh...uh—muulan na! Hala!" malakas na pagkakasabi ko nang maramdaman ang paunti-unting pagkabasa ng katawan ko.

Buti nalang at umulan na naging dahilan ng pagkakaligtas ko sa pagpapalusot ko sana.

Hinila ako ng pinsan ko at sinakay sa motor niya na binigay ni Kuya Jep. Habang si Kuya Jep naman ay may sarili ring motor na bagong bili.

Hindi kami puwedeng umuwi sa bahay dahil magtataka sila kung bakit magkakasama kami at kung bakit ganito ang suot nitong dalawang ito.

Nakarating kami sa bahay ni Kuya Jep, isang kanto bago sa comshop niya. Pang ilang beses na punta na rin namin dito, mas madalas nga lang si Kuya Leo. Dito kasi sila madalas na tumambay.

Malaki ang bahay ni Kuya Jep kumapara sa bahay namin pero hindi siya katulad ng mga bahay na pang-mayayaman, simple lamang ang disenyo nito.

May ikalawang palapag at tatlong kwarto, may dalawang banyo at isang kusina. Madalas niyang sinsabi sa amin na sana ay kapatid niya na lang kami para naman daw may kasama siya rito.

Ewan ko rin ba sa kaniya, ayaw pa mag-girlfriend. Guwapo naman siya, matangkad, matikas ang pangangatawan, matalino at talaga namang may ibubuga na sa buhay. Maginoo rin siya, ewan ko nalang kung hindi pa siya sagutin ng magugustuhan at liligawan niya.

"Oh, mag punas muna kayo," sabi niya sabay abot sa amin ng mga tuwalya bago magtungo sa kusina.

"Hay naku," sabi ng pinsan ko nang makaupo siya sa sofa.

"Hoy, basa ka pa! Tumayo ka riyan." pagsaway ko sa kaniya pero tiningnan niya lang ako.

Lumipas ang ilang minuto at bumalik agad si kuya Jep. "Oh, kumain muna kayo," nakangiting sambit niya.

Naupo na rin ako kahit basa pa ako, umupo na rin kasi siya. Ininom ko naman ang ginawa niyang mainit na tsokolate habang ino-obserbahan ko sila at kapansin-pansin naman ang pagpapalitan nila ng tingin.

Posible kayang may kinalaman si Kuya Jep sa gulo? Kasi hindi niya na ako tinanong tungkol sa nangyari, marahil ay alam niya na ang lahat.

"Ah, kuya?" maya-maya'y tawag ko.

Pareho naman silang tumingin sa akin.

'Ay shunga bakit ko nga ba nakalimutan 'yon?'

Ang totoo kase ay sinusubukan ko lang kung sino ang li-lingon o hindi. Malay ko ba na isa sa kanila ay 'ate' pala.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon