IJHPA: 16

95 6 26
                                    

"Yeah, you're right. It's really tight," nahihirapang sambit ni Clay.

"Sabi ko naman sa'yo eh," aniko. "Bakit mo pa kasi pinasok?" naiinis na tanong ko naman.

"I didn't know, okay? Geez. Help me pull this out," aniya sabay dahan-dahang kumilos.

"'Teka lang, a-aray! Nagmamadali ka naman!" reklamo ko.

"Oh sorry, did I hurt you? I'll be gentle next time," paghingi niya ng paumanhin habang hawak ang pisngi ko.

Naramdaman ko na naman ang pag-init noon. Wala sa sarili kong tinabig ang kamay niya. "Bilisan mo nalang kumilos. Kapag pagod ka na, ako naman ang tutulak," aniko sabay ngiwi.

"Alright," saad niya.

Lumabas siya ng kotse at dumiretso sa likuran nito. Nalubak kase siya rito sa kalsada namin. Ang kulit pa kasi, pinilit na ipasok 'tong kotse niya eh sinabi ko na ngang masikip ang daanan dito.

Sa pagmamadali niya lumabas kanina, tinanggal niya 'yong seatbelt na suot ko at tumama iyon sa pisngi ko. Napahawak naman ako rito. Bakit parang pakiramdam ko ay nadarama ko parin ang kamay niyang nakahawak doon?

Pinilig ko ang aking ulo dahil sa iniisip. Naramdaman ko naman ang mahinang pag-uga ng kotse, sinusubukan niyang itulak. Nang silipin ko siya ay naglalakad na siya papalapit sa akin.

"I can't push it, it's stuck," aniya, kinakamot pa ang gilid ng noo.

"Sige, hingi tayo ng tulong kila Manong Bert," sabi ko.

Pinagbuksan niya naman ako ng pinto. Pagkalabas ko ay pumunta agad ako sa talyer sa may kanto namin. Si Manong Bert kasi ang nagmamay-ari noon, siya ang asawa ni Aling Pasing.

"Manong Bert?" tawag ko nang makarating.

"Oh Ela, ikaw pala iyan. Bakit ka naparito?" nakangiting tanong niya.

"Magpapatulong po sana kasi ako sa inyo, nalubak po 'yung kotse roon sa looban natin," patungkol ko sa aming lugar.

"Ah, gano'n ba? Oh siya, sige, tatawag lang ako ng tao," aniya bago pumasok sa loob ng talyer.

Nang makarating kami ay agad na silang pumwesto sa likuran ng kotse. "Oh, dahan-dahan. Isa, dalawa, tatlo!" usal ni Manong Bert sa mga tauhan niya.

Sabay-sabay naman nilang tinulak papaangat ang kotse habang minamaneho ito ni Clay sa loob. Naging matagumpay sila sa pangatlong subok na maalis sa pagkakalubak ang sasakyan.

Pagkatapos noon ay bumaba si Clay at nagpasalamat kila Manong Bert, ganoon narin ako. Mag-aabot pa sana siya ng salapi bilang kabayaran ngunit tinanggihan naman ito ni Manong Bert.

"Naku, huwag na hijo. Ayos lang," pagtanggi ni Manong Bert. "Papaano ka nga pala naparito? Bibihirang may pumasok na sasakyan dito," kunot noong tanong niya.

"Hinatid ko lang po ang kaibigan ko," magalang na sagot ni Clay.

'Aba, kapag sa ibang tao nagtatagalog siya tapos sa akin hindi? Ayos ah?!'

Nilingon naman ako ni Manong Bert at tumango. "Gano'n ba? Oh siya, sige, mauna na kami. Mag-ingat ka rito kasi talagang lubak ang daanan, sayang naman kung magalusan ang magara mong sasakyan," pagpalaalam niya bago umalis.

"Mag gagabi na," aniko nang maiwan kami ni Clay. "Mamaya lang, magsisipasukan na rito 'yong mga tricycle, baka mahirapan ka pang makalabas," sabi ko sa kaniya.

"Thanks for the help. Anyway, I'm going now," nakangiting tugon niya.

"Salamat din sa paghatid," saad ko bago ngumiti.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon