IJHPA: 1

430 32 73
                                    

Pumela

"Mama, kumapit ka lang! 'Wag kang pipikit 'ma, malapit na po tayo sa ospital. Parang awa mo na, gumising ka! Malakas ka 'diba? Pakiusap, Mama! Mama!"


"Hoy! Ano? Ibabalandra mo na lang ba 'yang katawan mo riyan sa kahihiga sa maghapon? Aba'y bumangon ka na at baka 'di kita matantsa!"

Nagising ako mula sa isang masamang panaginip dahil sa sigaw ni Tita Manette.

Napailing na lamang ako. "Kay aga-aga, nagbubunganga na naman," pabulong kong sabi sa sarili.

"Anong sabi mo?" Tinuro niya ako habang ang isang kamay ay nasa kaniyang baywang. "Akala mo ba'y hindi kita naririnig, ha?" taas kilay na aniya.

'Naku! Eh pati yata buong barangay, rinig na rinig ka eh.'

"Ho?" painosente kong tanong.

"Ho?" panggagaya niya. "Hopia! 'Yon ang makukuha mo kapag panay kataramaran 'yang pinairal mo!" pamimilosopo niya pa.

'Di rin ako makakakuha hopia kung wala akong pera. Comnon sense 'ta,' muli kong nasabi sa aking isipan.

Tiningnan ko na lamang siya, wala yatang panahong nakipag-usap siya sa akin ng hindi sumisigaw.

Muli na naman siyang nagtaas ng kilay. "Oh, eh ano pa ang hinihintay mo? Kumilos ka na! Ni hindi pa nga napapagpag 'yang katawan mo, pinapawisan ka na!" bulyaw niya bago lumabas ng silid.

Ano raw? Pinapawisan?

Agad-agad kong kinapa ang aking leeg, hindi nga siya nagkakamali dahil talagang pinapawisan ako. Bukod kasi sa walang bentilador at bintana rito sa silid na tinutulugan ko, may napanaginipan na naman akong masama.

Tumayo na ako at naligo bago pa man mabungangaan muli ni tita. Aalis na sana ako nang mahagip ko sa salamin ang aking sarili. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang butas sa bandang baywang ng maluwag kong kamiseta.

Kinuha ko agad ang panahian at binilisan na lamang ang pagtatahi dahil kailangan ko na agad makaalis bago pa man masabihan muli ni tita. Bilang lamang ang mga kamiseta ko kaya naman kinailangan ko pa talagang tahiin ito.

Nang matapos ay lumabas ako ng silid at natagpuan si Lola Nena na gumagawa ng mga basahan na ginagamit sa dyip. Binebenta iyon ni tita sa tuwing sarado ang puwesto niya sa palengke sa pamamagitan ng pagsama niya kay tito sa pamamasada.

Naglakad ako papalapit kay lola para magpaalam, mukha namang naramdaman niya agad ang presensya ko.

"'La mauna na po ako," paalam ko kasabay ng pagmano.

"'Di ka ba muna mag-aagahan?" taas kilay na tanong niya.

'Parang alam ko na kung anong susunod niyang sasabihin.'

"Hindi na ho, 'la," magalang kong sagot.

"Aba'y wala ka naman talagang kakainin, bakit kakain ka pa?" sarkastikong aniya sabay tawa nang mahina.

'Sabi na nga ba eh, 'yon na naman sasabihin niya. Hay naku, palagi nalang.'

Bago pa man ako umalis ay natanaw ko pa ang pinsan ko na kasalukuyang pinapagsabihan ng nanay niya sa malumanay na paraan. Bine-baby na naman, kaya lumalaking paurong 'yan eh!

"Kasasabi ko lang sa'yo na tigilan mo na ang pag pupuyat dahil malapit na ang pasukan at baka mabigla na naman 'yang katawan mo," aniya.

"Eh 'Ma, sinusulit ko lang ang bakasyon kasi wala na akong oras maglaro nang matagal kapag pasukan na," pagdadahilan ng pinsan ko.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon