IJHPA: 12

114 5 14
                                    

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos noong ma-ospital si Kuya Leo. Tapos na ako sa pag-community service at hindi na rin ako suspendido sa pagpasok.

Nakabalik na rin ako sa trabaho ko sa computer shop. Wala na rin kasing nagawa si Jep, ayaw siyang patulungin nila tita kaya sabi niya na ang pagpapasuweldo nalang daw sa'kin ang maibibigay niyang tulong.

Nakapagbigay na rin ako ng excuse letters sa profs ko, lalo na kay Ms. Dizon. Mabuti nalang at tinanggap nila dahil valid naman daw ang rason ng pag-absent ko ng isang araw.

Nakalabas narin ng ospital ang pinsan ko. Sinabi ni tita na isusumbong daw nila sa barangay iyong mga nambugbog kay Kuya Leo. Hindi naman iyon natuloy dahil pinigilan niya sila tita at kahit anong tanong naming ay hindi niya sinasagot.

Bukas, makakapasok na ako ng regular sa klase at makakahabol narin ako sa nakaligtaan kong aralin.

"So ano na ang balak mo ngayon beshie?" tanong ni Ake. Nandito kami ngayon sa kwarto niya dahil nanghihingi ako ng module.

"Maghahabol muna ako ng lectures tapos maghahanap ng mapagkakakitaan," sagot ko.

"Eh hindi ba nagtatrabaho ka na sa shop ni Kuya Jep?" nagtatakang tanong niya.

"Oo pero alam mo naman kasi na may pasok na kaya bawas oras ng trabaho, bawas sahod rin," malungkot kong sagot.

Kailangan ko na talaga makapaghanap ng ibang trabaho. Hindi pa rin kasi ako bumabalik sa Yeppís simula noong isang linggo kaya paniguradong kahit hindi ako sinabihan ay alam kong sisante na ako.

Napasabunot nalang ako sa sarili dahil sa katangahan ko.

"Uy 'te, hindi ka si Sisa kaya 'wag ka gumanyan," natatawang sabi ni Ake. "Oh, ito na lahat ng lectures na na-miss mo. Aralin mo nang mabuti lalo na 'to," turo niya sa isang subject namin, "mukhang magpapa-quiz bukas eh."

"Sige salamat, aalis na ako," pamamalaam ko.

"Uy hala ka! Kumain ka na muna rito at may ikukwento pa ako sayo dali!" nasasabik na aniya.

Alam ko na 'to, kung may ikukuwento siya, malamang ay kaharutan na naman.

"Salamat pero alam mo naman na kailangan ko na bumalik sa shop tapos mag-aaral pa ako," pagtanggi ko.

Umiling naman siya. "Eh, no! Dito ka lang, tampalin kita dyan eh," pagsusungit niya.

"Sige na nga, pero sandali lang ha?" pagpayag ko.

Nadala ako sa takot, kapag kasi sinabi niyang tatampalin niya ako ay gagawin niya talaga.

Bumaba kami sa kusina nila, sakto namang nakapaghain na ng hapunan ang mga helpers nila.

"Ano ba 'yong ikukuwento mo?" tanong ko habang kumakain kami.

"So eto na nga, ‘diba kilala mo si Joacquin?" nakangiting sabi niya.

"Malamang, sinong hindi? Presidente yata 'yon ng council eh," sarkastikong sagot ko.

"Hmp!" pagsusungit niya. "Alam mo naman na crush ko siya 'diba?"

"Akala ko ba, hindi mo na siya crush?" naguguluhan kong tanong.

"Eh, crush ko na ulit siya kaso mukhang may bago na akong crush ulit," nakangusong saad niya. "So ayun nga, dahil wala ka kapag break time naisipan ko siyang sundan tapos nakita ko siyang kausap 'yong mga poging bagong dating sa school!" pagkukwento niya.

"Oh, eh ano naman?" walang gana kong tanong.

"Eh keshe 'yeng eshe den nekete eke tepes neg hey sheken eh hehe," aniya at halos tumabingi na ang dila niya habang sinasabi 'yon.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon