IJHPA: 13

94 6 21
                                    

Nagmamadali kaming bumaba ng kotse ni Jep at tinahak ang loob ng isang lumang gusali.

"Tangina! Sabi na nga ba, nanggagago lang 'yong mga 'yon eh!" inis na sigaw ni Kuya Leo.

"Sigurado ka bang dito 'yung lugar na sinabi sa'yo?" tanong ni Jep.

"Oo," aniya. "Bwiset, umuwi na nga tayo!"

Nandito kami ngayon sa isang abandonadong gusali kung saan namin dapat makikita si tito.
May tumawag kasi ulit kay Kuya Leo na nandito raw si tito at kung gusto namin siyang maabutan ay bilisan daw namin kumilos.

Noong una, nagdadalawang isip pa kaming pumunta dahil mukhang nantitrip lang iyong tumawag. Pero tama nga, mukhang niloko lang kami.

Aalis na sana kami nang makarinig kami ng mga paparating na motor. Namatay ang tunog ng mga makina nito at sunod naman ang paggawa ng ingay ng mga yabag na papalapit sa amin.

Sumenyas naman si Kuya Leo na magtago kami kaya't tahimik kaming pumasok sa isang kwarto.Maalikabok dito at laglag na rin ang kisame kaya't butas ito mula sa itaas. Sakto namang mayroong upuang kahoy sa gilid na pwedeng gawing tuntungan para makapanik.

Kukuhanin na sana ito ni Jep nang pigilan siya ni kuya. "Mamaya na, hintayin natin sila," pabulong na sabi niya.

Tumango naman kaming dalawa.

"Akala ko ba nandito 'yong mga bata?"

"Oo nga, dito ko sila pinapunta."

"Ang tanga mo kasi, malamang hindi magpapauto 'yong mga 'yon! Palpak na naman tayo, lagot na tayo kay bossing nito!"

"Malamang kumagat 'yon. Doon ka sa harap maghanap, ako rito sa likod."

Rinig naming pagbubulungan ng dalawang lalaki sa labas. Sumenyas naman si kuya na kuhanin ang upuan at sinunod iyon ni Jep. Tinapat nila ang upuan sa butas ng kisame.

"Mauna ka na Ela," sabi ni Jep.

Tumango lang ako bago tumuntong sa upuan at pumanik sa kisame. Pagkatapos ko ay sumunod naman si Jep at si Kuya Leo. Nang makapanik aki ay napagtanto kong mababa lang itong gusali kaya't kaya naming tumalon mula rito ng hindi nababalian.

"Sabay tayong tatlo," sabi ni Kuya Leo.

"Isa...dalawa...tat–" naputol ang pagbibilang ni Jep nang makarinig kami ng mga yabag na papalapit.

"Nandito sila!" sigaw ng isang lalaki.

Nagmadali kaming tumalon at nagtungo sa kotse ni Jep, mabilis niya namang pinaharurot ito. Natanaw ko pang naglabas ng baril ang lalaking nakakita sa amin. Nakamaskara ito kaya't hindi ko namukhaan.

"Sa Tarus tayo," hinihingal na sabi ni kuya.

"Ha?!" gulat na tanong si Jep.

"Basta, doon tayo. Bilisan mo!" tugon ni kuya.

Hindi ko naman magawang magtanong kung saan iyon. Pamilyar sa aking pandinig ang lugar na iyon, parang narinig ko na rin ito dati.

"Paano si Ela?" nababahalang tanong ni Jep.

"Akong bahala, kailangan lang natin ng tulong ngayon," sabi ni kuya habang pinapakalma ang sarili.

Hindi nalang ako nagsalita. Ilang sandali lang ay huminto kami sa isang malawak na bakanteng lote.

"Sigurado ka na ba?" nag-aalangang tanong ni Jep.

"Wala naman na tayong magagawa," sagot ni kuya. Bumaling naman siya sa akin. "Ela, kahit anong mangyari, dito ka lang sa likod ko." utos niya.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon