IJHPA: 31

82 3 35
                                    

"Really? Mabait ba siya?" nakangiting tanong ni Ake.

Ikwinento ko kasi sa kaniya ang mga pangyayari sa bagong trabaho ko nitong mga nakaraang araw. Pati na rin ang pakikihalubilo sa akin ni Tita Mel.

"Oo, siya pala ang presidente ng kompanya tapos si Clay ang vice president," nakangiting tugon ko bago kumagat sa sandwich na binili ko.

Nandito kami ngayon sa cafeteria, lunch break na kasi. Naging abala naman ako nitong mga nakaraang linggo dahil bukod sa trabaho ko bilang sekretarya ni Clay, mayroon pa kaming thesis na ipapasa bago ang sembreak.

Tuwing may pasok ay ganoon pa rin ang oras ng trabaho ko at kapag Sabado ay buong araw akong nagtatrabaho. Lumalabas pa rin naman kami ni Clay tuwing Linggo at pinagluluto ko siya palagi.

Mabuti na nga lang at madali lang ang trabaho ko sa kaniya. Pinagtitimpla ko siya ng kape, nag-aayos ng mga papeles at ako rin ang sumasagot ng mga tawag sa opisina niya. Ako rin ang nagsasabi sa kaniya kung mayroon ba siyang meeting o kung ano man ang agenda niya sa araw na iyon. Ang sarap pala maging sekretarya lalo na at mabait pa ang amo.

Ang huling punta ni Clay rito sa loob ng eskwelahan ay noong Buwan ng Wika pa. Sinusundo niya ako minsan para sabay na kaming papasok sa trabaho at kung minsan naman ay wala siya. Ganoon pa man, natutuwa ako at pinagpapasalamat ang pagiging mabait niya sa akin. Ang nagbago lamang sa aming dalawa ay ang pagiging mas malapit namin sa isa't isa.

"Huy, nakikinig ka ba?" pagkuha ni Ake ng atensiyon ko. Tinapik niya pa ako sa balikat para lang mapansin ko siya.

"Pasensya na, may iniisip lang," wala sa sariling sagot ko.

"Ano naman 'yon?" tanong niya. Kumagat pa siya sa pagkain at napakunot ang noo. "Alam mo, ang sama talaga ng lasa nito. Hindi ka ba nandidiri?"

Dahil sa sinabi niya ay kumagat ako muli sa sandwich ko at ninamnam ito. "Gano'n parin naman ang lasa ah?" Inamoy ko pa ang palaman noon para makasigurado. "Hindi naman panis."

Napangiwi naman siya sabay abot ng sandwich niya. "Tikman mo 'tong akin."

Kinagatan ko naman ang kaniya at napailing. "Pareho lang naman tayo ng kinakain kaya pareho lang din ang lasa," saad ko.

Bumuntong hininga naman siya. "Nasaan na kaya si Art? Alam mo, I'm feeling weird lately. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko," aniya habang nagtitipa sa cellphone niya.

"Tapos mo na ba ang thesis mo?" mayamaya'y tanong ko.

Umiling naman siya. "Hindi kasi ako makapag-focus besh, bigla-bigla nalang ako nahililo," aniya

"Next week na pasahan no'n ah? Ako nga rin, hindi makatapos. Papaano ba naman, napaparami ang trabaho ko tapos abala naman ako tuwing Linggo," namomroblemang saad ko.

Napakunot naman ang noo ko nang ngumisi siya. "Ano na bang mayroon sa inyong dalawa ha?" aniya habang nagtataas-baba pa ang kilay.

"Wala, lumalabas-labas lang. Namamasiyal gano'n, may masama ba?" tanong ko pabalik.

Napailing naman siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "You guys obviously like each other! Why don't you just admit it? Wala naman sigurong mawawala," natatawang aniya.

Napaisip naman ako dahil sa sinabi niya. May gusto na nga rin ba sa akin si Clay? Sa mga kinikilos niya ay hindi ko maipagkakailang totoo nga na iba na ang trato niya sa akin. Hindi naman karaniwan na ganoon kabait ang amo sa sekretarya niya.

Pero kung ganoong mayroon nga siyang nararamdaman para sa akin, wala nga bang mawawala sa amin kung magkaaminan kami?

"Hahayaan ko nalang muna siguro kung ano mang mayroon kami ngayon. Masaya naman ako ro'n eh, bakit ko pa ba sisisrain?" saad ko.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon