IJHPA: 37

80 3 37
                                    

Nandito ako ngayon sa isang restaurant kasama sina Tita Mel, Arius at Clay. Inimbitahan niya ako dahil gusto niya raw magkausap kami tungkol sa nangyari kagabi.

"I'm really sorry about what happened, Ela," paghingi ng paumanhin ni Tita Mel nang matapos kaming mananghalian.

"Ayos lang po, Tita. Pasensya na rin ho dahil sa ginawa ko, nakaabala pa po tuloy ako," nahihiyang saad ko.

"It's okay, hija. I already talked to my husband, he says he's sorry," malumanay na saad niya.

"He didn't say that, Mom. Stop covering for Dad," pagsali ni Clay sa usapan.

"Fine," malungkot na saad ni Tita Mel. "You know that when it comes to your father—it's really difficult to deal with him," dagdag pa niya.

"Pasensiya na po ulit Tita Mel, salamat po at nakipag-usap ka sa akin kahit na marami ka pa hong gagawin," malumanay na sambit ko.

"Thank you for coming too, hija. I hope that we will be able to move on and forget about what happened," aniya. "I'm going now, goodbye," pagpapaalam niya bago bumeso sa akin.

Bumaling naman siya sa dalawang anak niya. "Clay, look after Arius okay? I'll be home tomorrow morning," aniya bago halikan ang dalawa at tuluyan nang umalis.

"Hi, Ate Ela!" masiglang bati ni Arius at saka yumakap sa akin. Hanggang leeg ko na siya kahit pa labing isang taong gulang pa lang siya.

"Don't hug him back," pagpigil ni Clay sa mga braso kong payakap na sana sa kapatid niya.

"Bakit naman?" kunot-noong tanong ko.

"He may look innocent but trust me, he's not," kunot-noo ring sagot niya.

Bumitaw naman sa akin ang kapatid niya. "I'm innocent and handsome, we both know that, Kuya," aniya.

Mukhang nakuha naman niya ang ganda ng lahi ni Tita Mel dahil sa angkin niyang kaguwapuhan. Wala man sila gaanong pagkakahawig ni Clay, pareho naman silang pilyo at palangiti.

Buong maghapon ay naglaro lamang kami sa arcade sa mall. Namili naman ng mga laurang robot at sasakyan si Arius pagkatapos. Pansin ko ang pagiging maliksi niya na para bang ngayon lamang nakapunta sa ganito.

"It's his first time buying his own toys, let's just let him do whatever he wants," saad ni Clay habang pinapanood ang kapatid niya.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Huminga naman siya nang malalim bago magsalita. "Dad only gives him what he have so he never got the chance to choose. Palagi niya kasing inuutos sa tauhan niya ang mga pinapasalubong para kay Ari. It's also his first time being outside without guards around him," pagpapaliwanag niya.

Napatango naman ako. "Gano'n pala talaga kahigpit ang daddy mo 'no?" saad ko.

"Way more than you could think of," aniya.

Nang maghapunan na ay kumain kami sa isang kainan. Panay lamang ang kwento ni Arius ng mga kalokohang ginagawa niya. Nakinig lang ako dahil mukhang ngayon lang din yata siya nagkaroon ng makakausap nang ganito katagal.

"And then there's this one girl, I know she has a crush on me. So I told her to stop because I don't like her," dire-diretsong aniya.

"What a gentleman," sarkastikong saad ni Clay habang umiiling.

"And then Mrs. Figleman from my second grade, she told me to meditate while I was throwing tantrums. I told her that I'm gonna burst and then she told me to just let it all out so... I farted," kuwento niya sabay tawa.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon