IJHPA: 14

112 6 32
                                    

Pagkalabas ko sa opisina ni Dean Ambrose ay dumiretso ako sa banyo. Pagkapasok ko ay hindi ko na napigilan pang umiyak.

Bakit ba kasi hindi ko ginamit ang isip ko?

Bakit pa kasi ako nagpadala sa galit?

Ayan tuloy, mukhang katapusan ko na rito.

'Tsk! Napakatanga ko!'

Pagkatapos kong umiyak ay naghilamos na ako. Hindi ko na inalintana kung nababasa ang uniporme ko, uuwi narin naman na ako.

Ilang subject na ang hindi ko napasukan at hindi narin ako magtataka pa kung makatanggap ako ng warning. Tatlong absent lang ay wala na, drop na agad sa subject.

Nang mapakalma ang sarili ay lumabas na ako. Naabutan ko naman si Ake sa gate na naghihintay. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako.
"Beshie, ano bang nangyari?" kunot-noong tanong niya.

Hindi naman agad ako nakasagot. Nahihirapan akong ibuka ang aking bibig dahil alam kong paghikbi lamang ang kayang gawin ng ito.

Kumalas siya sa pagkakayakap at hinarap ako. "Pwede bang sa amin ka na muna tumuloy? Ihahatid nalang kita mamaya sa inyo or you could just spend the night there, tatawagan ko nalang ang tita mo," malungkot na aniya.

Ayoko namang mahawa siya sa kalungkutan ko kaya pinilit kong ngumiti para sa kaniya.

"Hindi mo ako maloloko, tara na!" sabi niya sa'kin.

Pumunta kami sa parking lot ng school at sumakay sa kotse niya. Mabilis lang ang biyahe at nakarating na kami sa bahay nila. Inutusan niya kaagad ang helper nila na magluto para sa hapunan.

Pinaupo niya ako sa kama niya nang makapanik kami sa kwarto niya. Umalis naman siya sandali at bumalik na may dala nang damit.

Inabot niya sa akin ang mga 'yon. "Oh, magbuhos ka muna. Gagamutin natin 'yang mga sugat mo," aniya.

"Salamat," iyon nalang ang nasabi ko dala ng matinding lungkot na nadarama.

Nagtagal ako nang kaunti sa pagligo dahil hindi ko mapigilang umiyak. Malamang, mangyayari nga ang sinabi ni Dean kanina.

Nang matapos ako ay nagbihis na ako ng damit na pinahiram sa akin ni Ake. Lumabas ako ng banyo at natagpuan siya sa kama niya habang hawak ang isang first-aid kit.

"Kumusta ang pakiramdam mo?" nagaalang tanong niya.

"Ayos naman," aniko at pilit na ngumiti sa kaniya.

"Tigilan mo nga 'yang kakangiti mo, alam kong peke 'yan. Just tell me what happened," malumanay na saad niya.

Napabuntong hininga naman ako. "Hinarang kasi nila ako, pinagtripan 'yong bag ko, ayun nasira tuloy." Napakunot naman ang noo ko. "Tapos 'yong notebook ko, pinunit pa nila."

Nakita ko naman ang paglaki ng kaniyang mga mata. "Iyong notebook mo?! Iyong bigay sa'yo ng mama mo?"

Tumango naman ako. Iyong notebook ko, hindi lang simpleng kuwaderno dahil iyon ang huling bagay na ibinigay sa akin ng mama ko.

Napailing naman si Ake. "Sorry, nadamay ka pa. Ako naman kasi talaga 'yong trip nila eh! Nadamay ka pa sa'kin, sorry!" naluluhang sabi niya sabay ng pagyakap sa akin.

"Ano ka ba? Hindi mo 'yon kasalanan. Pinatulan ko rin naman sila," mahinang sabi ko.

Napabitaw naman siya sa pagkakayakap sa akin at gulat akong pinagmasdan. "P-pinatulan? Paano?" naguguluhang tanong niya.

"Nadala na kasi ako sa galit eh. Alam mo naman kung gaano kaimportante sa'kin ang notebook na 'yon." Napakamot naman ako sa aking ulo. "Ayun tuloy, nasabunutan ko si Rhianna."

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon