IJHPA: 34

68 3 33
                                    

Lumipas ang ilang linggo na puro magaganda ang mga pangyayari sa buhay ko. Hindi pa rin pumapalya si Clay sa pagpapakilig sa akin. Ika niya, humahanap na lang daw siya ng tiyempo bago ako iharap sa kaniyang pamilya, abala raw kasi silang lahat.

Isa pang rason kung bakit ako masaya ay dahil unti-unti nang nagiging ayos ang kalagayan ni tita. Siya na mismo ang lumalabas sa kwarto niya para kumain sa hapag. Kapag wala naman siyang ginagawa ay naglilinis siya ng bahay o 'di kaya naman ay naglalaba. Sa tingin ko ay nililibang niya lamang ang kaniyang sarili para naman kahit papaano ay maipahinga niya ang kaniyang utak sa kaiisip kay tito.

Si lola naman ay bihira na lamang atakihin ng rayuma at sakit. Lagi ko na kasing nasisiguro na umiinom siya ng kaniyang gamot. Hindi na rin kami masiyadong nagkakasagutan dahil lagi ko na siyang nabibigyan ng pansugal. Kahit alam kong sa masama napupunta ang pera niya ay hinahayaan ko na lang dahil iyon naman ang nagpapasaya sa kaniya.

Si Kuya Leo naman ay daig pa ang nanalo sa lotto dahil sa mga inaasta niya. Palagi siyang masaya, sabi niya ay may progreso na rin ang paghahanap niya kay tito, pati na rin do'n sa babaeng pinopormahan niya. Masaya naman ako para sa kaniya dahil mukhang maganda nga ang naidudulot sa kaniya ng 'Ina' na 'yon. Hindi na kasi puro kalokohan 'yong mokong na 'yon eh.

Ikalawang linggo na ngayon ng Disyembre, napakabilis ng takbo ng panahon. Nalungkot naman ako nang may maalala. Nalalapit na pala ang aking kaarawan, gayun din ang araw ng kamatayan ni Mama.

Lumabas ako ng bahay at tumingala sa kalangitan. Madilim na ang paligid at kakaunti na lamang ang mga taong nagdaraan. Nang makita ko ang isang bituin ay awtomatikong napangiti ako.

'Mama, kumusta ka na? Ayos ka lang po ba? Kasi ako po, ito, pawang nasa alapaap na dahil sa sayang nadarama ko. Miss na miss na kita, Mama. Malapit na ho ulit ang kaarawan ko, may regalo ka po ba sa akin?

Biro lang po, ang gusto ko lang naman pong regalo na matanggap ay ang muli kang makita. Kahit sa panaginip nalang ulit, Mama. At saka si tito po pala, sana mahanap na siya ni Kuya Leo at ligtas na makauwi rito.'

"Lalim ng iniisip natin ah?" saad ng isang boses na matagal ko nang 'di naririnig.

"Jep!" tawag ko sa kaniya. Sinalubong ko siya nang mahigpit na yakap, ginantihan niya naman iyon.

"Kumusta ka na?" aniya nang makaupo na kami sa kahoy na bangkuan.

"Ito, ayos naman. Ikaw ba? Ang tagal nating 'di nagkita ah? Na-miss kita," nakangiting saad ko.

Nakita ko naman ang pagliwanag ng kaniyang mga mata. "Talaga?" 'Di makapaniwalang tanong niya.

Tumango naman ako. "Oo naman 'no!" tugon ko. Napangisi naman ako nang may maisip. "Ikaw ba, may buhay pag-ibig na kaya 'di ka nagpapakita ha?" pang-aasar ko.

Agad naman siyang umiling. "Wala 'no, may hinihintay kasi ako," makahulugang aniya.

"Sino naman?" kunot noong tanong ko.

Tumawa naman siya nang mahina. "Biro lang. Wala, busy lang talaga ako sa ngayon," aniya.

"Eh, gabi na ah? Bakit 'di ka nalang magpahinga?" tanong ko.

Bumuntong hininga naman siya. "Sa totoo niyan, may sasabihin kasi ako," panimula niya. "Naaalala mo pa ba 'yung pangako natin nila Leo noong mga bata pa tayo?" tanong niya.

Tumango naman ako. "Na dapat, wala tayong sikreto sa isa't isa," tugon ko.

Huminga siya nang malalim bago magsalita, "Aalis na kasi ako bukas, uuwi na ako sa amin," aniya. Bakas ang lungkot sa kaniyang pananalita.

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon