IJHPA: 44

121 6 11
                                    

"Please Ela, I know my husband. He wouldn't be able to do such thing," pakikiusap niya.

"Maybe you know your husband, but you don't know him too well. I'm sorry, I wouldn't be able to help you," aniko.

"Ako na ang nakikiusap sa 'yo, hindi siya gano'ng klase ng tao. He may seem like a monster but he is not, trust me," pangangatwiran niya pa.

"Paano kung mapatunayan ko?" matapang kong tanong.

"Then I would help you, I promise," paniniguro niya. "It's just, I couldn't believe it! He was always with me during the time of the murder because I was pregnant!" paliwanag niya.

"My decision is final, I will only stop when I get what I want. And that is to bring justice to my mother's death. I hope you would be able to respect that," aniko.

Huminga naman siya nang malalim bago tumango. "You're right. May the justice be served on the right table," aniya bago umalis.

Nakatingin lamang ako sa kaniya hanggang sa makasakay siya sa isang kotse. Nadagdagan man ang edad ay bakas pa rin ang pagiging marikit niya.

Napailing na lamang ako sa bilis ng pangyayari. Parang noong isang araw lang ako nagsampa ng kaso, tapos ngayon ay alam na agad nila ang tungkol doon. Ni hindi pa nga lumalabas ang 'warrant of arrest'.

Muli kong sinundan ng aking paningin ang kotseng unti-unti nang lumalayo.

'Sa korte na lang tayo magkitang muli, Tita Mel.'

Nabalik ako sa ulirat mula sa aking pagmumuni nang sabihin ng Judge na hindi na isamama sa dokumento ng paglilitis na ito iyong mga pinahayag ng doctor. 

Narito na ulit kami sa korte, dalawang araw matapos noong unang paglilitis. Napatunayan namin na may kumuha nga ng record sa forensic lab ngunit ang mga mukha nila ay hindi kita sa footage. Mukhang pinag-isipan na nila ang bagay na iyon bago pa man din nila gawin.

Huminga ako nang malalim bago tawagin si Mang Carding na siyang ikalawang witness mula sa kampo ko.

"Ako ho si Carding Manalastas, nagtatrabaho po ako sa morgue kung saan dinala ang katawan ng biktima. Ako rin ho mismo ang naglinis sa kaniyang bangkay," pagpapakilala niya.

Filipino ang wikang aming gagamitin sapagkat ito ang mas naiintindihang lengguwahe ng witness ko.

"Mr. Manalastas, maaari mo bang kumpirmahin sa silid na ito kung ano ang hitsura ng bangkay ng biktima?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Eh ang balita ko ho sa ospital, nasagasaan daw. Pero ako'y nagtataka dahil bago ko pa man embalsamuhin ang bangkay ay malinis na ito."

"Objection your honor! The statement includes hearsay," angal ng kabilang kampo.

"Objection sustained, change your question Ms. Santos," ani ng husgado.

Tumango naman ako. "Kung ganoon, maaari kayang may ibang gumalaw sa bangkay bago pa man ito makarating sa puneraryang pinagtatrabahuhan mo?"

Tumango siya. "Opo," aniya.

Nakarinig ako nang mahinang bulungan sa silid. "Wala ka bang ibang nakitang pasa o sugat sa katawan ng biktima nang dalhin ito sa punerarya?" muli kong tanong.

"Namumula ang tiyan niya at may dalawang tahi naman sa bandang kaliwang dibdib," aniya.

Napakunot naman ang noo ko. "Tahi?" tanong ko at tumango naman siya. "Kung ganoon, ano sa tingin mo ang dahilan kaya't may tahi ang kaniyang dibdib?"

I'm Just His P.A.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon