PROLOGUE

617 14 1
                                    

Halos hindi mawala sa aking labi ang ngiti na kanina ko pang iwinawaksi sa babaeng nasa entablado na kanina ko pang tinititigan. Bawat giling ng kaniyang bewang ay tunay na nakakaakit. Idagdag pa ang bawat pitik at alon ng kaniyang dibdib.

Napakaganda niya, nakakauhaw ang katawan niyang balingkinitan. Sino bang lalaki ang hindi maakit sa gaya niya hindi ba? Siya ang gaya ng mga tipo ko. Maganda, maputi, at ang mga mata'y nang-aakit. Kita ko ang bawat sulyap niya sa akin habang siya ay gumigiling. Para bang ipinaparating niya na pagkatapos niya roon ay ako'y kaniyang pagbibigyan. Binigyan ko naman siya ng ngiti na tiyak na kaniyang magugustuhan.

Pagkababa na pagkababa niya ng entablado ay mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at agad na  siya'y dinagit papasok ng palikuran.

Akin siyang hinalikan at pinisil ang bewang niyang kay kinis. Lumalim ng lumalim ang aming halikan hanggang sa naging mapusok ang bawat halik.

Aking inabot ang kaniyang likuran at pinunit ang damit niya sa likod. Hinaplos at akmang isusunod hanggang baba pero biglang tumunog ang cellphone ko sa  aking bulsa.

Sa una ay hindi ko pinansin ngunit tumunog na namang muli na aking ikinasura.

Tangina panira!

Inis na kinuha ko ito at sinagot.

"Ivhan nasaan ka ba?! Kanina pa kitang hinahanap!" Sigaw ni Karen sa kabilang linya.

Iba din 'ting babaeng 'to e. Lakas makaasta, akala mo naman pag-aari ako. Assistant ko lang yun uy!

Ikinalma ko ang aking sarili saka siya sinagot dahil tiyak ako na mangungulit pa ito kapag tinaasan ko siya ng boses.

"Nasa dorm, bakit--"

Bigla akong nahinto ng patayin niya iyon.

Bastos! Kahit kailan talaga, walang modo ang babaeng yun!

Biglang bumukas ang pinto ng padagasa at iniluwa si Karen na galit na galit ang tingin.

"So...nasa dorm ka pala." Sabi nito pero nanatili akong seryoso.

Maya-maya pa lamang ay bigla niyang sinugod ang babaeng katabi ko at iyo'y pinagsasampal. Akin iyong inawat at itinulak siya palayo. Pinaghahampas niya ako na ikinainit ng ulo ko.

"Ano bang problema mo?!" Galit na tanong ko.

Pinanlisikan niya ako ng mata na ikinainit ko lalo.

"Alam m--"

*phone rings...

Ano na naman?! Taena...

Walang ano-ano na sinagot ko iyon at wala akong pake kung sino yun.

"Kailangan mo?!" Tanong ko.

"Good evening Mr. Ivhan. We need you here in the Conference Room."

Unti-unti akong kumalma.

Mga official pala...

Napabuntong hininga na lang ako at saka pinatay ang tawag. Lumabas ng bar at sisirok-sirok na nagtungo sa Conference Room dito sa aming unibersidad.

Pagkadating ko dito ay naabutan 'kong naghihintay sina Gabby at ang mga school officials namin na takang nakatingin sa akin.

Dumiretso na ako sa aking upuan at saka huminga ng malalim.

Ramdam ko ang pagkalat ng alak sa buo 'kong katawan.

Ahhhhh...ang sakit sa ulo.

"It seems like you're drunk, Ivhan." Napalingon ako kay Gabby na nakangisi sa aking tabi. "Sayang, may babaeng newbie pa naman tayong dadating."

Napangiti ako sa kaniyang sinabi.

Newbie...newbie...hehe may bago na naman akong mapaglalaruan. Baby here I come.

*door opens...

"Nandito na pala siya e." Boses yun ni Gabby.

Dahan-dahan ko iyong nilingon ngunit bago pa man ay napaubo-ob na ako at nagdilim na ang lahat....

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon