CHAPTER 16

267 11 0
                                    

KINABUKASAN

Ngayon ay magkasama kaming naglalakad ni Alexa patungo sa  klase niya. Ihahatid ko kasi siya at ako mismo ang nagpasya nun.

Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya.

Hindi pa rin siya nagbabago, maganda pa rin.

Biglang nawala lahat ng aking iniisip ng biglang may tumikhim sa aming harap.

Kasalubong pala namin si Jake.

May kalayuan pa siya pero dinig na dinig ko ang pagpaparinig niya lalo pa at nasisilayan ko na ang mga ngisi niyang nang-aasar. Napatawa na lang ako sa kaniya hanggang sa tuluyan na nga kaming nagkalapit.

Tumikhim siyang muli habang nakangisi pa rin. Huminto kami sa paglalakad at hinarap si Jake na kanina pang nang-aasar.

"Sino yan ha?" Tanong niya na halata sa tono ang pang-aasar.

"Si Alexa." Tipid 'kong sagot na lalo niyang ikinangisi.

"Hmmmm...so, siya na ba ang dadalhin mo sa party bukas?"

Ayy oo nga pala, bukas na yun.

Akin siyang tinanguhan. "Oo, siya." Sabi ko sabay lingon kay Alexa na nakangiti sa akin.

"Ahh sige sige. Mauna na ako." Pagpapaalam niya sabay lakad pero muli siyang huminto. "Enjoy..." pagpapahabol pa niya na ikinailing ko.

Haha gago.

...

"Pasok ka na." Sabi ko kay Alexa na ayaw pang pumasok sa room.

"Iintayin mo ba ako?"

"May pupuntahan ako e. Pero...tatry ko kung masusundo kita bago matapos ang klase mo."

Bumuntong hininga siya at saka ngumuso. "Hays okay fine."

...

Pagkahatid ko sa kaniya ay agad na din akong naglakad pabalik sa aking dorm. Wala naman akong gagawin. Ayaw ko lang talagang maghintay sa labas ng room ni Alexa kasi hindi naman ako sanay na gawin yun. Nakakahiya.

Bigla akong nahinto sa paglalakad ng makita ko si Czayra na mag-isang nakaupo sa bench malapit dito sa gym.

Lalapitan ko na sana siya pero biglang may lalaking naunang lumapit sa kaniya at walang ano-ano na hinila basta ang salaming suot ni Czayra.

Agad na  nagtungo ako roon at hinawakan ng mahigpit yung kamay nung lalaki.

"Hindi mo ibibigay?" Tanong ko sa may nananakot na tono.

Dali-daling ibinigay naman nito ang salamin sa akin at animo'y bulate na nagpumiglas sa pagkakahawak ko sabay takbo ng mabilis palayo sa amin.

Nilingon ko naman si Czayra na kakapa-kapa sa paligid.

Aking hinawakan ang kaniyang kamay at iniabot ang salamin. Pero biglang napansin ko na parang masakit ang kaniyang mata dahil sa kaniyang ikinikilos. Dahan-dahan niya itong hinahawakan na animo'y ingat na ingat.

"Bakit? Masakit ba?" Concern 'kong tanong tapos mabilis na tumango siya kaya naman agad na dinala ko siya  sa clinic upang malunasan agad kung ano man yung sumasakit sa kaniyang bahagi ng mata.

Pagkadating namin sa clinic ay agad ko siyang ipinasuri sa nurse upang malaman kung ano bang nangyari sa kaniya at napag-alaman namin na nasurot pala ang kaniyang mata nung hinila nung lalaki ang kaniyang salamin.

Akin siyang tinabihan sa upuan at alalang tiningnan sa mukha.

"Ayos ka na ba--"

Bigla akong nahinto sa pagsasalita ng bigla niya akong yakapin.

"Salamat..." sabi niya sabay kalas sa yakap.

Napangiti ako. "Wala yun." Tumayo na ako at nagpaalam na sa kaniya. "Mauna na ako."

Akmang hahakbang na sana ako pero biglang naramdaman ko na humawak siya sa aking kamay.

"Ivhan, punta ka sa dorm ko mamaya ha. May ibibigay ako sa'yo." Nakangiti niyang sabi at tumango naman ako.

Tuluyan na akong tumungo sa pinto pero bago pa man ako makalabas ay biglang sumalubong sa akin ang nanlilisik na tingin ni Arjhay.

"Ano na namang ginawa mo kay Czayra?" Tanong nito na ikinakunot ng noo ko.

"Wala."

Napatawa siya. "Wala? Maglolokohan na naman ba tayo?"

Akmang magsasalita na sana ako pero bigla namang sumabat si Czayra na nakaupo pa rin sa sofa dito sa clinic.

"Arjhay, walang ginawa sa'kin si Ivhan. Siya pa nga ang nagligtas sa'kin dun sa lalaking kumuha ng salamin ko e." Pagtatanggol niya sa'kin kaya naman bago pa kung anong mangyari ay muli na akong nagpaalam kay Czayra at tuluyan ng lumabas.

ARJHAY'S POV

Nabuo ang pag-aalala sa aking loob ng mabalitaan ko ang nangyari kay Czayra. May estudyanteng nakapagsabi kasi sa akin na nasa clinic daw siya ngayon kaya dali-dali akong nagtungo doon upang siguraduhin na siya ay nasa maayos na kalagayan. Pero biglang gumuhit sa aking mukha ang pagkagalit ng makasalubong ko papasok si Ivhan. Bigla kasi akong nakaramdam ng galit kasi baka kung ano na namang ginawa niya kay Czayra kung kaya't nasa clinic siya ngayon.

Nakaramdam ako ng kaunting pagkahiya ng ipagtanggol siya sa'kin ni Czayra at sa harap pa naming dalawa mismo kaya naman pagkaalis ni Ivhan ay wala na akong sinayang na oras pa at agad siyang tinabihan ng may nag-aalalang mukha.

"Arjhay, 'wag mo namang sabihan ng ganun si Ivhan." Pagsesermon ni Czayra sa akin.

Aking hinawakan ang kaniyang kamay sabay sabing, "Pasensya na. Hindi ko na napigilan e, nagselos lang kasi ako." Pagpapaliwanag ko na alam 'kong ikinagulat niya..

No choice ako e. Natatakot ako na baka maunahan pa ako ni Ivhan sa pag-amin sa kaniya kasi alam ko na may nararamdaman din siya para kay Czayra.

Halos hindi na siya makaimik sa pagkabigla kaya naman sinamantala ko na ang pagkakataon na sabibin sa kaniya ang aking nais.

"Czayra...ikaw ang dadalhin ko sa party bukas."

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon