CHAPTER 17

262 10 0
                                    

CZAYRA'S POV

Ngayon ay nandito ako sa aking dorm, hinihintay ang pagdating ni Ivhan.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paghihintay ay napaisip ako.

Ang laki na ng ipinagbago ni Ivhan. Mula nung humingi siya  sa akin ng tawad ay iba na ang pakiramdam ko sa kaniya. Para bang pagkasama ko siya ay ang nararamdaman 'kong pakiramdam ay ang pakiramdam na kasama ko si Gab.

Siguro siya na ang kasagutan sa akin. Siguro...siya na ang sagot para makalimutan ko na si Gab.

Biglang nawala lahat ng aking iniisip ng bumukas ang pinto at iniluwa nun ang taong aking hinihintay.

Sumilay sa aking labi ang ngiti ng magtama ang aming tingin.

Naupo siya kaya naman akin siyang inabutan ng maiinom.

Nagsimula kaming magkwentuhan hanggang sa mapag-usapan namin yung nangyari kanina sa clinic pagkaalis niya.

"Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya na-speechless na lang ako." Kwento ko na ikinangiti niya.

"Czayra...gusto mo din ba siya?"

Napaisip ako. "Hindi ko alam." Kahit hindi naman talaga.

"Kung ako sa'yo, gugustuhin ko rin siya."

Napakunot ang aking noo. "Bakit naman?"

"Kasi mabait yun, sobra." Ngumiti siya. "Hinding-hindi ka magsisisi kapag naging boyfriend mo siya."

Bigla akong nakaramdam ng kirot sa aking loob.

Mali Ivhan, mali.

Halos hindi na ako makapagsalita dahil sa sakit na aking nararamdaman kaya wala na akong nagawa kundi ang maluha.

Bumakas naman sa  kaniyang mukha ang pag-aalala at ako'y agad na nilapitan.

"Czayra bakit? May nasabi ba akong mali?"

Pumatak muli ang luha. "Ivhan...ikaw ang gusto ko."

'Di man lang siya  nagbigla.

"Czayra, may girlfriend na ako."

Mas lalo akong naluha. Pumilit ngiti na lang ako para kahit papaano ay 'di siya mag-alala.

"Meron na pala hehe sorry 'di ko alam." Tatawa-tawang sabi ko pero nanatili siyang seryoso kaya natahimik na lang ako habang nakaiwas tingin.

"Bakit hindi mo sinabi agad?" Maamo ang kaniyang mukha. "Hindi yung ngayon na dumating na si Alexa?" Namuo ang luha sa kaniyang mga mata. "Czayra maha kita pero..."

"Pero?"

"Pero mas bagay kayo ni Arjhay e. Ayoko nang maging selfish. Mula kasi noon ay gusto ko akin lahat. Kaya ngayon, 'di na kita aagawin pa sa kaniya."

Niyakap niya ako kasabay ng aming mga hikbi na hindi mapigilan.

"Paano ako?" Tanong ko. "Hindi naman siya ang gusto ko."

"Czayra, hindi ako ang karapat-dapat sa'yo. Isa akong siraulo, manyak at walang modo." Tumawa siya ng mahina. "Gusto man kitang angkinin pero...huli na." Tumayo siya mula sa pagkakaupo at tumayo sa aking harapan.

Tiningala ko siya upang aking makita tapos nagulat na lang ako ng bigla niya akong halikan sa noo.

Agad na bumakas ang ngiti sa aking labi pero agad ding nawala.

Nilingon ko siya at agad na pinigilan ng makita 'kong aalis na siya.

"Ivhan sandali!"

Nilingon niya ako. Ako'y tumayo at siya't hinarap.

Inabot ang bagay na kanina ko pa dapat ibibigay.

"Ring?" Takang tanong niya at ako'y ngumiti.

"Oo, singsing. Alam mo ba na ang singsing na yan ay dala-dala ko pa nung bata pa lamang ako? Oo totoo yun at ipinangako ko sa sarili ko na ibibigay ko 'to sa taong pinakamamahal ko."

Tumingin siya sa binigay 'kong singsing saka ako nilingon ng may pagtataka.

"Bakit sa'kin?" Tanong niya.

"Hindi ka man magiging akin, gusto 'kong malaman mo na mahal kita at yan ang patunay." Ngumiti ako. "Ang singsing ko."

Ngumiti rin siya sa aking sinambit. "Sige, see you tomorrow sa party."

IVHAN'S POV

Pagkalabas ko ng dorm ni Czayra ay hindi ko na napigilan pa ang aking pagluha. Kumawala sa aking bibig ang malalakas na hagulhol na ayokong lumabas.

Hindi ko na kasi mapigilang mailabas ang sakit. Gusto 'kong matuwa sa sinabi niya na gusto niya rin ako pero 'di ko magawa. Mas nangingibabaw ang sakit sa aking loob. Sa bawat salita na  ipinagpipilitan ko siya kay Arjhay ay sobra ang sakit na kapalit sa aking puso.

Bakit ngayon lang Czayra?

Kung sana noon pa sinabi mo na, baka sakaling naging tayo pa. Hindi yung ngayon na kayrami ng hadlang gaya ni Arjhay. Ayoko nang mag-away kami ng dahil sa'yo at ayaw ko ring saktan si Alexa.

Bumalisbis muli ang luha sa aking pisngi. Agad ko iyong pinunasan at pilit pinatahan ang sarili.

Mahal kita Czayra pero siguro nga...hindi tayo para sa isa't-isa.

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon