CHAPTER 5

354 15 0
                                    

IVHAN'S POV

Habang ako ay naglalakad dito sa gym ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inis dahil dun sa mga sinambit ni Icy sa akin.

Grabe, first time siyang nagalit sa'kin ng ganun. Ano ba kasing meron sa Czayra na yun para maging ganun si Icy sa'kin?

Tapos muntik na akong mapalundag sa gulat ng bigla na lamang sumulpot sa aking tabi si Karen.

"Hoy! Bakit bigka ka na lang nawala kahapon? Ha?" Nakapamayawang na tanong nito sa'kin.

"Pake mo?" Sabi ko na ikinairap niya.

"Assistant mo ako kaya may pake ako!" Giit niya na ikinatawa ko ng mahina.

"Pagiging assistant ba talaga ang dahilan mo o may gusto ka lang talaga sa'kin?" Biglang namula ang kaniyang pisngi na ikinatawa 'kong muli. Nagba-blush yata haha. "Tss."

Minsan talaga may pagka pabebe din'tong babaeng 'to e. Kung hindi ka lang maganda, matagal na kitang napaltan bilang assistant ko.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang siya ay dada ng dada. Hindi ko siya pinapansin kasi wala naman akong pakialam sa mga sinasabi niya. Kakabingi lang hays.

Maya-maya pa lamang ay bigla naming nakasalubong ang grupong Skalva na kinakatakutan ng lahat. Kasa-kasama nila ang kanilang lider na si Gabriel.

Magpapatuloy na sana ito sa paglalakad ngunit ng tumingin siya sa  aking direksyon ay ako'y kaniyang nakita kaya naman ako ay kaniyang nilapitan.

"Karen, alis ka nga muna. Punta ka dun sa malayo." Sabi ko habang nakaturo sa direksyong papuntang locker building. Sumimangot ito at nag inarte pa sa harap ko. Nakaramdam ako ng inis kaya naman walang ano-ano na itinulak ko siya sabay sabing, "Bilis!" Bumalik ito sa aking tabi habang masama ang tingin sa akin. Pinaningkitan ko siya ng mata. "Gusto mo bang palitan kita? ha?!" Pagtataas ko ng boses na naging dahilan para magmadali siyang naglakad palayo sa amin.

Susunod din naman pala, hindi pa agad! Tsk!

Muling ibinalik ko naman kay Gab ang aking tingin. Nagtaka ako ng makita ko siyang natatawa.

"Bakit?" Tanong ko.

"Lakas sa mga chixx ah." Puri niya na ikinangisi ko ng husto.

I like it when someone is praising me for being a playboy. It gives me more inspiration to continue with it.

Tapos bigla 'kong naalala ang tungkol sa identity niya na nitong mga nakaraang araw lang lumabas at kumalat.

"Aftet all this time, ikaw pala ang lider ng Skalva." Manghang sabi ko na ikinatawa niya ng mahina.

"Biglaan nga  ang paglabas ko e. Ayaw ko pa sanang magpakita  at magpakilala sa lahat pero wala e. Dahil na din dun kina Jhessa at Gabby, lumabas ng wala sa oras yung identity ko."

"Oo nga e. Noon ko lang din nalaman." Dagdag ko. "Nga pala Gab, bakit hindi ka na lang gumaya sa'kin? Pa-easy-easy lang. Chixx is life haha." Hinawakan niya ako sa balikat habang tatawa-tawa.

"Hindi na Ivhan, ayoko nang umibig ulit." Pagtanggi niya na ikinatawa ko.

"Hindi ka namam iibig e, sasaktan mo lang at paglalaruan ang mga babae." Pagtatama ko.

"Ayoko manakit ng damdamin ng mga babae tol."

"Wow ha, anong ayokong manakit? Papaalala ko lang sa'yo ang mga gawain mo ha. Pumapatay ka."

"May dahilan naman yun tol." Pagpapaliwanag niya.

Magsasalita pa sana ako pero nang tumingin ako sa gawing kanan ko ay nakita ko si Czayra kaya naman tumakbo ako palapit sa kaniya pero laking gulat ko na tumakbo rin ito pero palayo sa akin. Habang yung kaibigan naman niyang kasama ay masama ang tingin sa akin.

"Pa'no ba yan?" Nasa likod ko na pala si Gab. "Mukhang laglag ka sa isang yan." Pang-aasar niya pa na ikinatawa ko.

"Haha...tingnan mo, bukas akin na yan."

"Haha sige pero goodluck na lang." Tatawa-tawa niyang sabi. "Sige tol, mauna na ako. Marami pa akong gagawin e. Next time ulit." Pagpapaalam niya at tumango naman ako.

"Sige." Tugon ko kaya naman tuluyan na siyang umalis at naiwan akong mag-isa dito.

Muli 'kong ibinaling ang aking tingin kay Czayra na patuloy ang pagtakbo sa 'di kalayuan.

Arte mo! Playboy na nalapit sa'yo, ayaw mo pa? Choosy ampt.

Pero biglang sumilay sa aking labi ang isang ngisi ng pumasok sa aking isip ang nag-iisa-isa 'kong alas.

'Wag kang mag-alala. Hangga't ako ang naatasang mag-guide sa'yo, pag-aari kita.

Palalampasin kita ngayon pero hindi na mamaya.

*phone rings...

Bigla akong nahinto sa aking mga iniisip ng biglang tumunog ang aking cellphone na nasa aking bulsa. Akin itong kinuha at napangiti ako sa tumawag na iyon.

*Arjhay Alcarez calling...

"Arjhay napatawag ka?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Wala kakamustahin kang sana kita." Tatawa-tawa niyang sabi na ikinatawa ko din naman.

"Baliw haha. Ang panget pakinggan. Kakamustahin mo ako? Parang tanga haha." Narinig ko din ang kaniyang paghalak-hak sa kabila. "Mabuti pa ay magpalipat ka na lang dito. Dito ka na pumasok para hindi ka na laging tumatawag sa'kin at tsaka para na rin lagi kitang kasama."

"Sige, pag-iisipan ko."

"Yan haha sige, sige. Dapat lang talaga na magpalipat ka dito para naman may kasama ako sa kalokohan."

Bigla siyang natawa. "Hindi ako loko."

"Yun lang ba? Napakadali! Edi gagawin kitang ganun."

Tinawanan niya lang ako. "Haha sige na  bye na. Tinatawag lang ako ni Dad sa baba."

"Sige, bye."

*call ended...

Pagkapatay ng tawag ay muli ko nang inilagay ang aking cellphone sa aking bulsa pero bigla akong natigilan ng biglang may yumakap sa akin mula sa likuran.

Wtf?!

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon