Ngayon ay nandito ang lahat sa gym. Ang mga Alvanians, mga teacher specially kaming mga matataas. Binigla kami ng isang balitang kumalampag sa buong university.
Patay na ang lider ng pinakasikat na gang.
Nakikiramay ang lahat sa kaniyang pagkawala. Sa biglaang pagpanaw na nung una ay tanging ako lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan.
Nakarating sa amin ang balita na kahapon raw ay pumanaw na siya sa sakit niyang leukemia.
Talaga ngang hindi na niya kinaya na labanan pa ang taning ng buhay niya.
At ngayon...nandito ang kaniyang labi, pinaglalamayan naming lahat.
Walang tigil sa pag-iyak si Czayra na nakaub-ob sa aking balikat. Akin siyang niyapos upang kahit papaano ay mapagaan ko ang kaniyang loob pero mukha namang walang bisa lalo pa at palakas ng palakas ang kaniyang paghagulhol.
Nilingon ko ang kabaong ni Gabriel ng may namumuong luha sa aking mga mata.
Gab...kung nasaan ka man ngayon, gusto 'kong malaman na nagawa ko na ang bilin mo at ngayong wala ka na, ipinapangako ko na...aalagaan 'kong mabuti si Czayra at hindi siya pababayaan hanggang sa aking huling hininga. Hindi man niya ako mahalin ng gaya ng sa'yo, mamahalin ko pa rin siya ng buong puso.
Maya-maya pa lamang ay nagsimula na rin ang seremonya para sa kaniya.
Isa-isang umakyat ang mga matataas na gaya ko at nagsalita sa harap ng lahat upang maipahatid ang pakikiramay na pinangunahan ni Tito Isaac.
"Gabriel hijo, hindi ko man kayo gaanong nakakasama...alam mong proud ako sa'yo. Sa galing at husay ng pamamalakad mo bilang isang lider na dumidisiplina sa ating mga alvanians. Nawala ka man pero ang iyong alaala sa bawat isa sa amin ay mananatili sa aming mga puso. Hinding-hindi ka namin malilimutan."
Sinundan naman siya ng iba pang matataas hanggang sa ako na ang magsasalita.
Dahan-dahan 'kong hinawakan ang microphone at pilit ngiting humarap sa mga tao.
"Tol, salamat sa lahat ng memories. Salamat sa pagsama sa'kin sa mga oras na kailangan ko ng malalabasan ng sama ng loob. Salamat kasi lagi kang nandiyan para sa'kin. Hindi man tayo ganun ka-close, tinuring mo ako ng higit sa kaibigan. Salamat sa lahat. Pangako hindi ko makakalimutan ang bilin mo."
...
Pagkatapos ng seremonya ay bumalik na kami sa aming mga dorm pero ako ay dito dumiretso sa dorm ni Czayra upang siya'y damayan.
Nabalot kami ng katahimikan at tanging hikbi lang niya ang aming naririnig.
Wala siyang kibo. Nakatingin sa kawalan.
Kinuha ko sa aking bulsa ang bracelet na binigay sa akin noon ni Gab.
"Love" napatingin siya sa akin kaya naman iniabot ko sa kaniya ang aking hawak.
Nabuo ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Bakit na sa'yo yan?"
"Binigay niya sa'kin 'to bago umalis. May mga binilin rin siya. Ibinilin niya sa'kin na alagaan daw kita. 'Wag papabayaan at higit sa lahat ibinilin niya na gawin ko ang lahat...makalimutan mo lang siya."
Napaluha siya. "Binilin niya yun?"
Tumango ako. "At binigay niya sa'kin ang bracelet na yan at sinabi niya na ibigay ko raw yan sa'yo pagnamatay siya. Czayra...bata pa lang si Gab tinaningan na ang buhay niya. Walang nakakaalam na sa buong buhay niya, may sakit siyang dala-dala. Ibinilin niya rin sa'kin na 'wag ko yang sasabihin sa kahit sino...lalong-lalo na sa'yo dahil ayaw ka niyang alalahanin mo siya." Napahagulhol siya. "Czayra sabi niya din pala...mahal na mahal ka daw niya at sa huling pagkakataon gusto niyang ilagay mo yang bracelet sa ibabaw ng kabaong niya. Gusto niya ikaw mismo ang maglagay at hindi iba."
...
Habang nasa harap kami ng kabaong ni Gab ay unti-unti nang tumatahan si Czayra.
Tumingin siya sa akin at nagtanong. "Bakit mo ginawa ang lahat ng yun?"
Napangiti ako. "Kasi mahal kita...at parang kapatid na rin ang turing ko kay Gab. Sige na ipatong mo na yan."
Dahan-dahan niyang ipinatong ang bracelet pero bigla niyang inabot ang aking kamay na aking ikinataka.
"Bakit?"
"Ivhan, ikaw ang naging tulay ng lahat."
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 2: It's You
AcakIvhan Alcarez is a playboy. He play along with the girls he met. Pinaglalaruan niya ang mga babaeng matipuhan niya. Gagawin niya ang lahat, makuha lang ang gusto niya dahil ayon sa kaniya, isa siyang Alcarez at walang makakapigil sa kaniya. He can d...