EPILOGUE

381 17 0
                                    

Buong magdamag na sinamahan ko si Czayra dito sa harap ng kabaong ni Gab.

Nakangiti na siya habang kinakausap ang patay na katawan ni Gabriel.

"Gab...salamat sa lahat ha. Specially sa memories natin mula pagkabata. Kakainis ka naman e! Bakit 'di mo sinabi sa'kin na may sakit ka? Edi sana nasulit pa natin yung mga araw na humihinga ka. Ang daya mo naman ih. Ang daya-daya mo. Bakit kay Ivhan sinabi mo tapos sa akin hindi? Pero...mamimiss kita. Nagpapasalamat ako kay God kasi, pinagtagpo niya muli tayo bago ka nawala. Ga-guide mo ko palagi ha. Sana maging masaya ka kung nasa'n  ka man ngayon."

"Czayra..." pag-agaw ko ng kaniyang atensyon.

"Love?" Tugon niya.

Napangiti ako kasi ito na ang huling pagkakataon na tatawagin niya akong ganun.

"Ngayong nagawa ko na ang bilin ni Gab, ngayong naipatong mo na yung bracelet...oras na rin para sumaya ka sa iba." Nginitian ko siya ng pilit. "Alam ko na kahit kailan ay hindi ko mapapantayan ang pagmamahal ni Gab sa'yo. Oras na rin para lumayo ako. Tapos na ang misyon ko." Nahihiyang napakamot ako sa aking batok. "Aaminin ko na sa bawat araw na nakakasama kita, lalo kitang nagugustuhan. Pero...araw-araw rin akong nasasaktan kasi siya ang bukang bibig mo pero tiniis ko kasi mahal kita. Dun ko natutunan na ganun pala ang pagmamahal na kahit ano kaya mong tiisin para sa kaniya. Alang-alang sa pagmamahal." Huminga ako ng malalim at hinawakan ang kaniyang kamay. "Czayra salamat, salamat sa maiksing panahon na minahal mo kahit hindi totoo. Gusto 'kong malaman mo na dahil sa'yo, nagbago ang buhay ko. Maraming salamat."

Akin siyang nginitian sa huling pagkakataon at saka tumalikod upang lumayo.

"Ivhan" ako ay nahinto. "Iiwan mo ako? Tsaka ano bang sinasabi mo na hindi totoo? Ivhan, minahal kita at walang halong biro yun. Alam ko na alam mo na totoo ang pagmamahal ko sa'yo. Ivhan...mahal na mahal kita--"

I kissed her.

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon