CHAPTER 10

291 13 0
                                    

ONE MONTH LATER

CZAYRA'S POV

Isang buwan na rin ang lumipas mula nung makilala ko si Arjhay.

Masaya ako kasi sa loob ng isang buwan na yun ay nagkakilala pa lalo kami. Parang halos buong talambuhay ko na yata ay naikwento ko na sa kaniya sa dalas ba naming magkasama e hindi na maiwasang makapagkwento.

Super close na kami pero syempre, hindi ko binabanggit sa kaniya  ang tungkol sa buhay pag-ibig ko. Ayaw ko kasi ng may nakakaalam nun. Gusto ko, akin lang. Masakit din kasing balikan ang nakaraan kaya 'wag na lang.

Ngayon ay magkasabay kaming naglalakad ni Arjhay papunta sa aming klase.

Tapos bigla na lamang may lumapit sa akin sabay sabing nerd daw ako.

Napatungo na lang ako pero bigla akong napatunghay ng makita ko si Arjhay na pinagsasabihan yung lalaki.

Napatakbo naman sa takot yung lalaki ng bantaan siya ni Arjhay na pag 'di ako tinigilan ay patatalsikin raw niya ito sa university. Napatawa na lang ako at saka siya tiningnan.

"Salamat." Sabi ko habang may ngiti sa  aking labi.

"Wala yun! Basta ikaw." Sabi niya sabay kindat na akin namang ikinatawa.

Lagi na lang kasi niya akong kinikindatan. Para siyang baliw kaya tinatawanan ko na lang.

Aaminin ko...magmula nung naging kaibigan ko siya ay pailan-ilan na lang ang nanunukso sa akin. Natatakot daw kasi ang mga  ito sa kaniya sabi niya rin mismo haha oh diba? Ang hangin noh? Hahaha. Pero totoo, pailan-ilan na lang ang nanunukso sa akin. Ewan ko ba, hindi ko talaga maintindihan sa mga estudyante dito at nanunukso sila gayong hindi na naman sila mga bata para gawin iyon at ako naman, hindi ko na lang sila pinapatulan kasi hindi naman ganun kakitid ang utak ko. Hehe diba may point naman ako? Diba?

Pati pala yung tungkol kay Ivhan. Bihira ko na lang siya makita kaya hindi na rin ako natatakot maglibot sa university kasi alam ko, mayroong Arjhay na lagi akong poprotektahan. Kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko dahil dumating siya sa buhay ko.

Napangiti ako at 'di ko na napigilan pa ang sarili ko na siya'y yakapin. Niyakap niya rin ako na akin lalong ikinalapad ng ngiti.

"Thank you, thank you talaga." Sabi ko.

"You're welcome pooo." Pagpapahaba niya na kapwa namin ikinatawa.

IVHAN'S POV

Lumipas ang isang buwan at ganun pa rin ang buhay ko. Punta sa bar, balik sa  dorm tapos kinabukasan...ulit na ulit. 'Di naman nakakabored kasi nag-eenjoy naman ako. Kada-araw, ibang babae oh diba? Ayos haha. Sarap.

Ngayon kasama 'kong naglalakad si Karen papuntang bar para...as usual. Pero biglang napawi ang ngiti sa aking labi ng makita ko sina Arjhay at Czayra sa 'di kalayuan.

Pakiramdam ko'y nawala na ako sa mood mag-inom pa kaya naman naisipan ko na lamang na bumalik sa aking dorm.

"Bakit tayo bumabalik? May nakalimutan ka ba?" Takang tanong ni Karen na hindi ko pinansin.

Dire-diretso lamang akong naglakad hanggang sa makarating kami sa dorm ko.

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lamang ay agad akong umupo sa aking sofa tapos muli na namang nagplay sa utak ko ang mga nakita ko kanina.

Nagtagis ang aking bagang sa galit kaya naman ako ay biglang napatayo at naglakad ng ilang hakbang upang pakalmahin ang aking sarili pero bigla ko na lamang naibato ang vase sa mesa ko nang mahagip iyon ng aking mga mata.

"Ano bang nangyayari sa'yo?!" Pasigaw na tanong ni Karen na halata ang pagkagulat.

Hindi ko iyon pinansin lalo pa at pakiramdam ko'y anumang oras ay sasabog na  ako sa galit.

"Akala mo ba hindi ko napapansin na sa tuwing nakikita mo yung Czayra na yun at yung magaling mong pinsan ay bigla ka na lang nagkakaganiyan?" Napatingin ako sa kaniya. "Oo, napapansin ko!" Sigaw niya pa na ikinainit ko lalo.

"Pwede ba tumahimik ka?" Nagtitimping tanong ko na ikinatawa niya ng mahina.

"'Wag mong sabihing...nagseselos ka sa kanila?"

Pinanlisikan ko siya ng mata. "E ano bang pakialam mo ha? Assistant lang kita pero kung mapagsalitaan mo ako, kung makaasta ka...akala mo girlfriend kita!"

"Kasi mahal na kita! Hindi mo ba napapansin yun? Ha?! Ang manhid mo Ivhan!"

Napatawa ako ng mahina. "Wala akong pakialam sa nararamdaman mo!"

"Ayan! Kaya walang nagkakagusto sa'yo ay dahil napakamanhid mo! Ang manhid-manhid mo--"

"'Wag mo 'kong sigawan!" Nanlalaking mata na sigaw ko sabay hawak ng mahigpit sa panga niya. Namuo ang mga luha sa gilid ng kaniyang mga mata dahil sa sakit at wala akong pakialam. "From now on, wala ka ng halaga sa buhay ko. Hindi ko kailangan ng assistant na ambisosya! Oo maganda ka at ang katawan mo, yun lang ang nakikita ko. Wala ng iba kaya 'wag na 'wag kang aasa na magugustuhan kita dahil kahit kailan...HINDI MO DESERVE ANG GAYA KO! Layas!"

Nanatili siya sa kaniyang tayo habang humihikbi.

Nakaramdam ako ng inis kaya naman walang ano-ano na itinulak ko siya palabas.

...

Ngayon ay nandito naman ako sa bar. Nag-iinom kasama si Jake.

"Bakit ganiyan hitsura mo?" Tanong nito. "Parang may galit ka sa mundo e." Dagdag pa niya na naging dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

"Si karen kasi e." Inis 'kong sabi na ikinatawa niya.

"Oh anong meron?"

"Sinisigawan kasi niya ako kanina tapos sabi niya, na napapansin daw niya na kapag nakikita ko sina Czayra at Arjhay ay agad akong nawawala sa mood tapos pilit niyang ipinagpipilitan sa akin na nagseselos ako."

"Nagseselos ka nga ba?" Tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Ako magseselos? Hindi. Napakaimposible." Pagtanggi ko na mukhang hindi niya pinaniwalaan.

"E bakit ka ganiyan?"

Napataas ang aking kilay. "Anong bakit ganiyan?"

"I mean, sa dinami-dami ng mga babaeng natipuhan mo ay kay Czayra ka lang nagkaganiyan."

"Syempre, siya lang kaya ang babaeng hindi ko natuluyan."

Napasinghal siya. "Tss...ang sabihin mo, tinamaan ka."

"Tinamaan ampota!" Napatawa ako at saka siya muling nilingon. "Never yung mangyayari Jake."

"Ikaw  tol ha, 'wag kang magsasalita ng tapos. Hindi mo alam kung ano ba talaga ang babaeng yun sa buhay mo. Malay mo...siya na pala yung babaeng makakapag patino sa'yo gaya ng ginawa sa'kin ni Patricia."

Tinawanan ko na lang siya. "Masyado na akong gago para tumino pa."

Napatawa naman siya. "Haha gago!"

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon