CHAPTER 22

276 11 0
                                    

CZAYRA'S POV

"Si Arjhay pala ang boyfriend mo?" Tanong ni Gabriel na nakaupo pa rin sa aking tabi.

"Break na kami." Mabilis na sagot ko na ikinagulat niya.

"Agad?" I nod. "Parang ang bilis naman yata?"

Napatawa ako ng pilit. "Walang magagawa. Akala ko kasi maiintindihan niya ako e pero hindi niya ako pinakikinggan sa mga paliwanag ko."

"Ano bang pinag awayan niyo?"

"Basta, 'di na mahalaga yun." Pag-iwas ko.

Ayokong isipin niya na siya ang dahilan kaya mas mabuti ng umiwas na lang.

"Amm...nakita ko nga pala yung ring mo." Napatingin ako sa kaniya. "Bakit mo ibinigay kay Ivhan gayong si Arjhay ang boyfriend mo nun?" May pagtataka sa kaniyang tono.

"Amm.....inalbor niya kasi." I lied.

Umayos siya ng upo at malinaw na ako'y hinarap. "Say the truth Czayra. Alam 'kong hindi yan ang tunay na dahilan. Dahil alam ko na hindi mo yun ibibigay basta-basta. Bata pa lang tayo, napakahalaga na nun sa'yo."

Kitang-kita ko ang pagtataka sa kaniyang mga mata. Halos hindi ako makatingin dahil alam 'kong nasasaktan siya. Na nagtatanong siya kung bakit hindi ko sa kaniya ibinigay pero hindi niya kayang itanong dahil wala siyang lakas ng loob.

---FLASHBACK---

"Gab! Nakikita mo ba itong singsing ko?" Tanong ko habang malapad ang ngiti.

"Wow ang ganda ah!" Puri pa ni Gab na lalo 'kong ikinangiti.

"Alam mo ba...na ibibigay ko 'to sa taong pakakasalan ko."

Napakunot ang kaniyang noo. "Pakakasalan?" I nod. "Edi sa'kin mo ibibigay?"

Napatawa ako ng mahina. "Haha maybe, hindi ko pa alam."

"Bakit naman? E sure na naman na ako pakakasalan mo."

"Maka sure naman 'to oh haha. Uy bata pa lang tayo ha. Nine years old lang tayo. Marami pa tayong pagdadaanan."

"Nubayan, gaya nga ng sabi mo...bata pa tayo pero yang isip mo...ang daming alam."

Napatawa ako. "Syempre ako pa ba?"

"Ow wow. Haha oh edi ikaw na."

"Ako ang ano?"

"Ang lab ko! Yiehhh."

---END OF FLASHBACK---

"May gusto ka yata kay Ivhan e."

Napatingin ako sa kaniya at natigilan ng makakita ako ng ngiti sa kaniyang labi. Hindi ko mawari kung yun ba ay tunay o pilit lamang.

Kaya naisipan ko na lang na baguhin ang topic para naman komportable kami pareho.

"Naaalala mo pa pala yung mga sinabi ko noon?" Tatawa-tawa 'kong sabi na ikinangiti niya.

"Ahh...oo naman. Wala akong nakalimutan ni-isa sa mga yun."

My heart ached. "Talaga?" Napatangiti ako. "Naalala ko tuloy nung naglalaro tayo, yung nagtatago-taguan. Sabi nga ng mga kalaro natin, kadaya daw natin kasi kapag ikaw ang taya...nagpapanggap ka na 'di ako kita  tapos pag ako naman yung taya, nagpapakita ka kaagad at itinuturo mo sa'kin ang pinagtataguan nung iba."

Napatawa siya. "Haha ang saya nga nun e." Masaya talaga. "Ang ganda ng ngiti mo nun pero ngayon, hindi ko na nakikita. Oo ngumingiti ka pero... 'di na gaya  ng dati." Namuo ang luha sa aking mga mata at kunwari'y natatawa. "Tumingin ka nga sa'kin." Hinawakan niya ang aking mukha at maingat na iniharap sa kaniya. "Smile ka nga. Miss ko na yun e."

---FLASHBACK---

"Oh bakit ka umiiyak?" Tanong niya na halata ang pag-aalala.

"Kinagat kasi ako ng langgam." Sagot ko habang patuloy ang pag-iyak. Tapos napataas ang kilay ko nung nakita ko siyang palihim na tumatawa. Walang ano-ano na hinampas ko siya sa  braso. "Nakakainis ka! Bakit mo 'ko tinatawanan?"

"Wala natawa lang ako. Dahil sa langgam umiiyak ka?" Tumawa siyang muli. Tumalikod na ako sa kaniya sa inis. "Nako...umiiyak pala ang prinsesa ko ng dahil lang sa langgam?" Pang-aamo niya na 'di ko pinansin. "Nako naman. Nagtampo na. Sorry na natawa lang kasi ako." Humarap ako sa kaniya ng ganun pa rin ang ekspresyon. "Luhh siya...nakasimangot?" Pinisil niya ang aking pisngi at pilit pinangiti. "Smile ka nga. Miss ko na yun e."

---END OF FLASHBACK---

Tuluyan ng tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Agad ko iyong pinunasan upang hindi niya makita.

Akin siyang nilingon ng may pekeng ngiti.

"Grabe noh? Akala ko yung kapatid mo ikaw. Hindi ko naman kasi alam na may kapatid ka. Pero ang galing ha kasi...magkamukhang-magkamukha kayo tapos pareho pa yung boses niyo." Manghang sabi ko na ikinatawa niya.

"Ganiyan din ang sabi ng iba. Alam mo ba bago ka dumating dito, tago ang identity ko. Inakala ng lahat na si Gabby ang tinatawag na Boss Gab pero ang totoo ako yun."

"Grabe talaga. Nung una ko kayong nakita, halos hindi ko alam kung sino ba ang Gabriel sa inyo."

"Haha pero ngayon alam mo na?" I nod. "Makikilala mo ako kung totoong kilala mo ako. Nga pala, natatandaan mo ba si Alexa? Yung girlfriend ni Ivhan?" I nod. "What a small world diba kasi pinagkita-kita ulit tayo?"

"Oo nga e 'di ko akalain."

"Ang dating karibal mo sa'kin ay karibal mo na rin kay Ivhan." Napatawa na lang ako ng mahina. "Speaking of Ivhan, alam mo ba na lagi ka niyang ikinukwento sa'kin?"

"Talaga?"

"Oo, 'di ko nga akalain na ikaw pala yung Czayra na tinutukoy niya. Sa dami ba namang Czayra sa mundo ay maiisipan ko pang ikaw yun?"

"Sa bagay...may point k--" bigla akong napahinto ng makita ko siyang nakangisi. "Bakit?"

"Ayiehh kinikilig siya! Yiehh crush mo nga  si Ivhan." Pang-aasar niya.

Oo kinikilig ako pero nasasaktan din ako kasi sa'yo pa mismo nanggagaling. Sa'yo na mahal ko pa rin hanggang ngayon.

"Kita ko yung kanina ha." Napatingin akong muli sa kaniya. "Ayiehh binigyan siya ng salamin."

"Hay nako, change topic nga."

"Asus! Kinikilig ka lang e."

"Basta change topic. Pero ang galing mo kasi lider ka at 'di lang basta lider. Lider ka ng pinakasikat na gang dito sa university!" Ngumiti lang siya sa akin. "Amm Gab, matanong ko lang. Totoo ba na pumapatay kayo?"

Natigilan siya. "Hindi. Dalhin sa bingit ng kamatayan, pwede pa." Tumawa siya. "Alam mo ba...yung girlfriend ni Gabby? Muntikan na yun. Kasi 'di niya alam na ang taong halos patayin niya ay ang taong pinakamamahal niya." Huminga siya ng malalim at saka nagpatuloy. "Buti pa nga ang kapatid ko e, may lovelife. Samantalang ako...wala." tumawa siya. "Sorry ang drama ko. Sa'yo ko lang kasi kayang sabihin 'to. Ewan ko ba pero...gaya ng dati, kapag ikaw ang kausap ko ay payapa lagi ang loob ko."

Napangiti ako. "Let's comeback."
Napalingon siya sa akin tapos bigla siyang ngumiti na ikinapalagay ng aking loob.

"Czayra, mahal na mahal kita."

"Ako din Gab, mahal na mahal din kita mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago."

Hinawakan niya ang aking kamay. "Kung mahal mo ako, may pagsubok na ibibigay ako sa'yo."

"Kahit ano pa yan. Kaya ko yan."

"Kung talagang mahal mo ako, 'wag mo 'kong mahalin."

"Huh?"

Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. "Do it for me Czayra. I love you so much."

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon