CHAPTER 7

316 13 0
                                    

Habang inaayos ko ang aking sarili sa harap ng salamin ay biglang may kumatok sa aking pintuan.

Akin iyong tinungo at pinagbuksan. Bumungad sa akin ang isang lalaki na hindi ko kakilala kaya naman nabuo sa akin ang pagtataka.

"Kayo po ba si Ms. Czayra Saleco?" Tanong nito na lalong ikinataka ko.

"Ako nga, bakit?"

"Ako nga po pala si Arjhay Alcarez, ang bagong mag ga-guide sa inyo." Pagpapakilala nito na ikinalaki ng mata ko.

Walang ano-ano na pinalayas ko siya at pilit itinaboy palayo.

"Lumayas ka! Isa kang Alcarez! Lumayas ka!"

IVHAN'S POV

Palabas na  sana ako ng aking dorm pero bigla akong natigilan ng makita ko sa aking harapan si Arjhay.

Bumakas sa aking mukha ang pagkagulat pero kalaunan ay agad ding nawala at napalitan iyon ng pagkatuwa.

Akin siyang niyakap at ganun din ang ginawa niya.

Matagal ko na kasing sinasabi sa kaniya na magpalipat na dito para may makasama naman ako kahit minsan lang.

"Mabuti naman at pumasok ka na dito." Masaya  'kong sambit sabay kalas sa yakap.

"Hindi pa nga ako nakakapagdesisyon dun sa inalok mo sa akin e kaso biglang tumawag sa'kin kanina si Tito Isaac at pinapunta ako dito. May ipapaguide daw siya sa'kin."

Nabuo ang ngiti sa aking labi. "Ayos haha. Pareho pala tayo." Tatawa-tawa 'kong sabi na ikinatawa din niya. "Halika, dun tayo sa may gym. Dun tayo tumambay." Pag-aaya ko na kaniya namang tinanggap.

...

"Curious lang ako ha. Bakit ka naman ipagpapaguide ni Tito e baguhan ka lang din dito?" Kunot noo 'kong tanong tapos nagkibit balikat siya.

"Hindi ko lang alam."

"Matanong ko lang, nakita mo na ba yung iga-guide mo?"

"Oo kanina lang. Pinuntahan ko siya sa dorm niya pero bigla niya akong pinaalis."

Bigla akong natawa. "Bakit?"

"Ewan ko. Nagulat nga ako e. Pagkasabi ko ng pangalan ko, bigla na lang akong pinagtabuyan." 'Di makapaniwalang sabi niya.

Napaisip ako. "Bakit kaya?" Nagkibit balikat siya tapos akin siyang binigyan ng isang ngisi. "Maganda ba?" Tanong ko na halata ang pagnanais.

Napaisip siya habang ang isang kamay ay nasa kaniyang baba na animo'y may malalim na iniisip.

Natawa na lang ako.

Minsan talaga, may pagka loko din 'to e. Akala mo kung sinong matalino hahaha. Nakakasura.

"Hmmmm...maganda din." Sagot niya na ikinatawa ko ng mahina.

"Nako walang-wala pala yan sa akin e. Yung akin, hindi lang maganda. Kundi balingkinitan pa. Nako tol, kung makikita mo...katawan pa lang, maglalaway ka na." Pagmamalaki ko na ikinatawa niya.

"Kahit kailan talaga, puro ganiyan nasa utak mo haha hindi ka na nagbago."

"Sorry ganun talaga ako e."

"Haha sira!"

Matagal na po haha.

...

Ngayon ay nandito kami ni Arjhay sa office ni Tito Isaac kasi kanina habang nasa kalagitnaan kami ng pagkukuwentuhan ay biglang may lumapit na estudyante sa  amin at sinabing pinatatawag daw kami ni Tito. Kaya ayun, nandito kami sa office niya habang hinihintay ang kaniyang pagdating.

Maya-maya pa lamang ay dumating naman ito at amin siyang binati at ganun din naman ang ginawa niya sa amin.

"Mabuti naman at nagkita na kayo." Nakangiting sabi nito at masayang tumango naman kami. "So...ipinatawag ko kayo kasi may mahalaga akong iaanunsyo na may kinalaman sa inyong dalawa."

Nabuo sa aming loob ang pagtataka.

"Ano po ba iyon Tito?" Magalang na tanong ni Arjhay.

"Arjhay hijo, hindi ba't alam mo na ang dahilan ko kaya ika'y aking pinaparito?" Tumango ito tapos biglang bumaling sa akin ang tingin ni Tito. "At ikaw Ivhan, malaya ka ng muling gawin ang mga nais mo. Wala ka ng dapat alalahanin." Nabuo ang ngisi sa  aking labi.

Talaga? Shet! Sarap!

"Talaga Tito?" 'Di makapaniwalang tanong ko at tumango naman siya.

"Oo hijo dahil inilipat ko na kay Arjhay ang responsibilidad na inatas ko sa iyo. Ang babaeng pinapa-guide ko sa kaniya ay ang babaeng pina-guide ko sa'yo." Bigla akong natigilan at kalaunan ay nakaramdam ng galit. Nagtagis ang aking bagang habang paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko ang mga sinambit ni Tito.

"Ang babaeng pinapa-guide ko sa kaniya ay ang babaeng pina-guide ko sa'yo."

"Ang babaeng pinapa-guide ko sa kaniya ay ang babaeng pina-guide ko sa'yo."

Hindi, akin si Czayra! Akin.

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon