Habang nandito kami ni Gab sa dorm ko, nag-iinom ay hindi ko maiwasang makaramdam pa rin ng galit dahil sa mga nangyari kanina.Mabuti na lamang at sinamahan ako ni Gab ngayon dahil kung hindi, tiyak na mag-isa 'kong dadamdamin ang mga nangyari. Hindi naman sa dadamdamin, nagalit lang talaga ako.
"Alam mo Gab, kung alam ko lang napapalitan ako ni Arjhay sa pag ga-guide? Hindi ko na lang sana siyang pinilit pumasok dito." Paghihimutok ko. "Bwisit!"
Tinawanan niya ako. "Bakit parang apektadong-apektado ka? Inlove ka na yata sa babaeng yun e?" Pang-aasar niya na agad 'kong tinutulan.
"Hindi noh." Pagtanggi ko. "Katawan lang habol ko sa Czayra na yun." Pagtutuloy ko tapos bigla 'kong napansin na para siyang natigilan. "Bakit?"
"Wala. Naalala ko lang yung ex ko." Sagot niya habang naka pilit ngiti. "Czayra din kasi ang pangalan niya." Dagdag pa niya na ikinagulat ko.
"Talaga? Anong apelyido?"
Napabuntong hininga siya saka ako nilingon. "'Wag na lang natin pag-usapan." Pag-iwas niya na akin namang napansin. "Balik tayo dun sa kanina. Payo ko sa'yo, hayaan mo na lang si Czayra kay Arjhay. Total, marami namang babae diyan."
Napaisip ako. "Sa bagay...tama ka. Bakit ako maghahabol sa isang babae diba? Yak."
"Haha maka-yak ka naman diyan."
Napatawa naman ako. "Haha pero salamat tol. Buti pinaalala mo sa'kin na ako dapat yung hinahabol at hindi naghahabol. Hindi kawalan ang gaya ni Czayra. Maraming mas maganda sa kaniya like.....Karen."
KINABUKASAN
Bigla akong nagising mula sa pagkakahimbing ng maramdaman 'kong parang may mabigat sa aking ibabaw.
Aking iminulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang malapad na ngiti ni Karen na nakapangubabaw sa aking katawan na walang damit pang-itaas.
Binigyan niya ako ng matamis na halik sa labi.
"Good morning Honey." Bati pa niya habang nakangiti pa rin at tila ako'y inaakit.
Napangiti na lang ako.
I like it when she's calling me Honey coz I found it sweet. It matches her sweet face but devil personality.
Alam ko na gusto niya ako at wala akong pakialam dun. Katawan at mukha lang naman ang gusto sa kaniya, hindi siya.
Binigyan muli niya ako ng halik sa labi at akin iyong tinugon hanggang napunta sa isang mapusok na halikan ang simpleng halik lamang.
Hinawakan niya ang aking abs kaya naman hindi ko na napigilan pang hawakan ang kaniyang kamay. Ayokong nilalandi-landi iyon. Hinalikan ko na lamang ang kaniyang leeg at saka pinaikot ang aming katawan kaya ngayon ay ako naman ang nasa ibabaw.
Bumakas ang ngiti sa kaniyang labi na akin namang ikinangisi.
Bigla akong napatigil sa aking ginagawa ng biglang tumunog ang aking cellphone.
Inabot ko iyon at saka tiningnan habang nasa ibabaw pa rin ni Karen.
Napakunot na lang ang aking noo sa aking nakita.
From unknown:
HAVING FUN WITH KAREN HUH?
BINABASA MO ANG
ALVA UNIVERSITY 2: It's You
RandomIvhan Alcarez is a playboy. He play along with the girls he met. Pinaglalaruan niya ang mga babaeng matipuhan niya. Gagawin niya ang lahat, makuha lang ang gusto niya dahil ayon sa kaniya, isa siyang Alcarez at walang makakapigil sa kaniya. He can d...