CHAPTER 14

268 9 0
                                    

Pagkaalis ni Charlyn sa dorm ko ay walang ano-ano na lumabas ako.

Kailangan 'kong mahanap si Gab. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan maalala niya ako.

Pero sa kalagitnaan ng paghahanap ko ay bigla ko na lang nakasalubong si Ivhan.

Tatakbo na sana ako pero bigla niya akong tinawagan.

"Czayra!" Sigaw nito kaya naman ako ay napahinto.

Ramdam ko ang panginginig ng aking mga tuhod sa takot sa bawat rinig ko ng kaniyang mga yapak papalapit sa akin.

Lalo pa akong nanginig ng tinangka pa niyang mas lumapit sa akin.

"'Wag kang lalapit!"

IVHAN'S POV

"'Wag kang lalapit!" Sigaw niya pero imbis na ako ay matinag ay lalo pa akong nagkaroon ng lakas ng loob na siya'y malapitan.

Nagpatuloy ako sa paglapit. "Hihingi sana ako ng tawad--"

Bigla siyang tumakbo palayo.

Czayra...

Pero bigla akong natigilan ng maramadaman 'kong may yumakap sa aking bewang mula sa likuran.

Agad 'kong nilingon ito at bumungad sa akin ang nang-aakit na mukha ni Karen.

"Hi Honey..." malambing na bati nito na hindi umubra sa akin.

"Honey mong mukha mo!" Sigaw ko sa mukha niya. "Bitawan mo ng ako!" Dagdag ko pa.

Padabog na pinakawalan niya ako sa pagkakayakap at sinamaan ako ng tingin.

"Ako ang mahalin mo, hindi ang babaeng yun. Dahil alam naman natin pareho na kahit kailan, hinding-hindi magkakagusto si Czayra sa manyak na gaya mo kaya kung ako sa'yo...ako na lang ang mahalin mo"

Napayukom ang aking kamao. "Hindi ka titigil?!" Nanggigigil na tanong ko na halata ang pagbabanta. "Bwisit!"

...

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nagtungo na lang ako dito sa bar at nilunod sa alak ang aking sarili gaya ng palagi 'kong ginagawa.

Napaisip ako ng muling pumasok sa aking isip ang mga sinabi sa akin ni Icy noon sa may clinic.

"Ang sabihin mo...gusto mong magpasikat sa Czayra na yun."

"Magpasikat? At bakit ko naman gagawin yun? Ha?!"

"Kasi nga inlove ka."

Napatitig ako sa hawak 'kong baso na may lamang alak.

Hindi nga kaya? Pero bakit? Sa dinami-dami ng mga babae, bakit sa kaniya pa? Bakit sa nerd pa?

'Di bale, kailangan 'kong humingi ng pasensya. Nakokonsensya ako 'di ko alam kung bakit.

...

Kahit ako ay susuray-suray na sa kalasingan ay pilit 'kong tinungo ang dorm ni Czayra at kinatok.

*knock knock...

Mabilis na pinagbuksan niya ako pero bumakas ang gulat sa  kaniyang mukha ng ako ay makita at tangkang isasara niyang muli ang pinto pero ako ay nagmakaawa.

"Pakiusap, papasukin mo ako. Wala akong gagawin sa'yo. Gusto lang kitang makausap."

...

Masungit na inabutan niya ako ng isang basong tubig at ipinatong ko lang iyon sa kaharap 'kong mesa. Siya naman ay umupo sa kabilang sofa na may konting kalayuan sa akin.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya habang paiwas ng tingin.

"Czayra...gusto ko sanang humingi ng tawad." Napatungo ako sa hiya. "Sa mga nagawa ko sa'yo, patawarin mo ako."

"At sa tingin mo? Ganun lang kadali yun?"

Napatunghay ako. "Hindi at alam ko yun.." Huminga ako ng malalim. "Czayra, alam 'kong mali ang nagawa ko sa'yo noon--"

"Mabuti at alam mo!"

"Czayra, hindi ko naman yun sinasadya e--"

Napatayo siya. "Anong hindi sinasadya? Ivhan...muntik mo na akong magahasa!"

Napapikit ako at sa aking pagmulat ay sumabay ang pagpatak ng aking luha.

"Czayra..."

"'Wag mo akong iyakan! 'Wag mo akong dramahan dahil hindi mo ako madadaan sa ganiyan." Pasigaw niyang sabi sabay talikod sa akin.

"Hindi ako nag dadrama o nagpapaawa lang. Czayra totoo na nagsisisi na ako sa mga maling nagawa ko lalo na sa'yo." Napaharap siya sa akin. "Czayra...hindi ko kayang masama ang tingin mo sa akin. Napakasakit lang para sa'kin na takbuhan at katakutan mo ako sa tuwing lalapit ako sa'yo. Nun ko lang narealize na mali na pala ang ginagawa ko." Lumamlam ang kaniyang mukha. "Kanina nung tinulungan kita sa mga nanunukso sa'yo, tumakbo ka imbis na pasalamatan ako. Czayra...lalapitan kita para sana humingi ng tawad pero it all went wrong. Inakala mo siguro na pagsasamantalahan ulit kita at napakasakit nun para sa'kin. Sobra kasi hindi naman ako masamang tao e. Naghahanap lang ako ng kaligayahan sa malungkot 'kong mundo. At sa tuwing sasabihin mo sa'kin na 'wag kang lalapit, parang binibiyak ang puso ko sa sakit."

Nilapitan niya ako at inalalayan makatayo at pinakatitigan sa mga mata.

"Czayra...gusto kita."

Bigla siyang natigilan at nagulat sa aking sinambit.

Napangiti ako ng mapait. "Hindi ko naman hinihiling na gustuhin mo rin ako. Ang hinihiling ko ay ang mapatawad mo ako." Lumamlam muli ang kaniyang mukha at binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. "Sige, mauna na ako." Pagpapaalam ko sabay talikod sa kaniya at tangkang hahakbang na pero bigla siyang nagsalita kaya ako ay nahinto.

"Sandali" pagpipigil niya pero ako ay nanatiling nakatalikod. "Gusto ko ring humingi ng tawad kasi dahil sa'kin nag-away pa kayo ni Arjhay."

Akin siyang nilingon. "Ayos lang yun. Kasalanan ko rin naman." Nakangiti 'kong sabi sabay muling tumalikod at at naglakad pabalik sa aking dorm.

Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ay parang may naramdaman ako na parang kanina pang may sumusunod sa akin kaya naman walang ano-ano na nilingon ko iyon pero bago ko pa man iyon nagawa ay bigla na lang may yumakap sa akin mula sa likuran.

Nakaramdam ako ng inis dahil sumulpot na naman 'tong babaeng 'to.

"Karen ano ba?!" Galit na sigaw ko pero imbis na lubayan niya ako ay mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa akin.

Inilapit niya ang kaniyang labi sa aking tenga sabay sabing, "Ivhan...it's me, Alexa."

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon