CHAPTER 13

276 14 0
                                    

GABRIEL'S POV

Ngayon ay nandito kami ng mga tauhan ko sa dorm naming Skalva.

Oo, may dorm ang aming grupo at bukod pa ang dorm na tinitirahan ng bawat isa. Si Tito Isaac ang nagrequest nito e para daw may lugar kami na mapag-uusapan kapag ganitong may pagmemeetingan kami. Para naman daw private kasi nga we need privacy specially when we are making decisions.

So yun nga, nandito kami para pag-usapan yung mga nangyari kanina.

Pero habang kami ay nasa kalagitnaan ng pag-uusap ay bigla ko na lamang naalala yung babaeng nakita ko kanina.

Grabe, kamukhang-kamukha siya ni Czayra. Hindi kaya.....siya yun? O namamalikmata lang ako? Baka naman namalikmata lang ako tsaka napaka imposible namang pumasok yun dito kasi hindi siya ganung klaseng tao na iniisip ang reputasyon.

Naalala ko tuloy ang dahilan ng pagpasok ko dito.

Bukod kasi sa inalok kami ni Tito Isaac na pumasok dito ay naisipan ko rin na maaaring dito ay makakalimot ako at makakapag bagong buhay. Mula kasi nung maghiwalay kami ng kasintahan 'kong nagngangalang Czayra ay wala na akong nagawa pang matino sa buhay ko. Actually, hanggang ngayon naman pero atleast...nakakalimot na ako kahit papaano.

Pero muling nagulo ang lahat ng iyon nang makita ko kanina yung babaeng kamukha ni Czayra.

Sino yun?

*door opens...

Napatingin na lang kami sa pintuan nang bigla iyong bumukas.

Si Gabby pala.

"Gabby." Pagbati ko na ikinangiti niya pero agad ding nawala nang tabihan niya ako sa sofa kaharap naman ang aking mga tauhan.

"Kuya nabalitaan ko yung nangyari kanina. Ano bang pinag-awayan nung dalawa?" Alalang tanong niya.

"Hindi pa namin alam e. Hindi pa kasi namin nakakausap yung dalawa. Masyado pang mainit ang mga ulo nila." Sagot ko at tumango-tango naman siya.

"Ahh ganun ba? Pero kuya may sasabihin ako sa'yo." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko.

"Ano yun?"

"Kanina habang naglalakad ako papunta dito biglang may babaeng lumapit sa akin at tinanong kung naaalala ko daw ba siya." Pagkukwento niya na ikinataka ko.

Sino naman kaya yun?

"Kilala mo?" Taas kilay 'kong tanong.

Umiling siya. "Hindi nga e tapos bigla na lang may babaeng humila sa kaniya na sobrang sama  ng tingin sa'kin. Hindi ko nga alam kung bakit ganun sila sa'kin e at kung bakit ganun sila umasta at lalong bakit galit sa'kin yung isa. Ni-hindi ko nga sila kilala e."

Napaisip ako. Gusto ko sanang hanapin yung babaeng nakita ko kanina kaso kapatid ko si Gabby kaya uunahin ko ang problema niya kesa sa'kin at isa pa, responsibilidad ko yun bilang kaniyang nakatatandang kapatid.

Aking ipinatong sa kaniyang balikat ang aking kamay.

"Sige, samahan mo ako bukas. Ituro mo sa akin."

CZAYRA'S POV

Patuloy 'kong pinauulit-ulit sa aking utak ang mga kaganapan kanina. Nanatili akong nakatulala sa kawalan habang iyo'y inaalala.

---FLASHBACK---

Habang naglalakad kami ni Cha-cha pabalik ng dorm ko ay parang napansin ko na parang may hinahanap siya kaya naman naisipan ko siyang tanungin para ako'y makatulong sa kaniya.

"Cha-cha, may hinahanap ka?" Concern 'kong tanong.

"Para kasing naiwan ko yung phone ko sa dorm. Teka lang Czayra ha, balikan ko lang sandali." Pagpapaalam niya at tumango naman ako as my response. "Dito ka lang, hintayin mo ako."

Pagkaalis niya ay naupo naman ako sa kalapit na bench habang siya'y hinihintay.

Pero bigla akong natigilan ng makita 'kong dumaan sa aking harapan si Gab.

Walang ano-ano na hinabol ko ito na alam 'kong ikinagulat niya. Wala na akong pake dun. Ang mahalaga ay malaman ko kung naaalala pa ba niya ako.

"Naaalala mo ba ako?" Tanong ko na ikinakunot ng kaniyang noo.

"Sino ka?" Pagbabalik niya ng tanong na pakiramdam ko'y ikinabiyak ng aking puso.

Napakasakit marinig nun sa taong minahal ko ng sobra.

"Alalahanin mo ako, pakiusap." Pagmamakaawa ko sabay luhod pero bago ko pa man iyon nagawa ay bigla na lamang may humigit sa akin na aking ikinagulat.

Akin itong nilingon at nakita ko kung paano niya tingnan ng masama si Gab.

"Kalimutan mo na ang lalaking yan! Niloko ka niya diba?!" Sigaw pa nito sa akin.

Akin namang nilingon si Gab pero wala na siya. Nakita ko na lamang na siya'y malayo nang naglalakad.

---END OF FLASHBACK---

"Bakit 'di niya ako naaalala?" Tanong ko kasabay ng pagpatak ng aking luha.

"Ayan ka na naman e." Paghihimutok ni Charlyn sabay irap. "'Di ka niya naaalala diba? Oras na rin siguro para kalimutan mo na siya."

Napabuntong hininga ako at saka siya hinarap. "Cha...hindi ko kaya."

"Kasi hindi mo sinusubukan." Giit niya.

"Cha-cha, hindi ko kaya at kung subukan ko man...hindi rin kakayanin."

Kasi siya pa rin...

ALVA UNIVERSITY 2: It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon